Chapter 1: Lie

22.2K 265 14
                                    


CHAPTER 1

Pagkatapos ng photoshoot ko para sa isang magazine ay agad din akong nag-ayos ng gamit para maka-uwi na rin ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos ng photoshoot ko para sa isang magazine ay agad din akong nag-ayos ng gamit para maka-uwi na rin ako. Wala kasi ang Personal Assistant ko kaya wala akong choice kundi ako ang mag-ayos ng lahat ng gamit na dala ko ngayon.

"Jessica, you need help?" Tanong sa akin nung Photographer. I don't know his name. Mas matangkad ito ng konti sa akin, hindi masyadong maputi, at medyo singkit ang mga mata. "Thanks, but no thanks. Kaya ko na 'to." Nakangiting saad ko dito.

Hindi naman siya nagpatinag dahil kahit sinabi kong 'No thanks' ay tinulungan niya pa rin ako. Hindi na lang ako umimik pa dahil mukhang mabait lang naman siya. Isa pa, hindi rin ako pwedeng magtataray ngayon dahil baka masabihan pa ulit akong may attitude problem. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nawawala lahat ng haters ko simula nang mangyari ang issue sa amin ni Orion noon. Kahit na nakikita na ng lahat na ayos kami ni Janelle ay hindi pa rin mawawala ang mga judgemental na tao sa mundong 'to.

"Thanks." Saad ko dito sa Photographer nang matapos akong tulungan sa pag-aayos.

"No problem. Anyway, I'm Benj." He stretched out his hand. Nakipagshake hands ako sa kanya.

"Nice to know you, Benj." Nakangiting sagot ko.

"Alam mo may malapit na café dito, baka gusto mong magcoffee with me."

"Oh-"

"Hi baby!" Magsasalita pa lang ako ng biglang may sumigit sa pag-uusap namin nitong cute na si Benj. "Why weren't you answering my calls, baby?" Dagdag pa nitong walang kwentang lalaki na may Australian accent na dumating sabay akbay sa akin. Shit lang.

I tried to calm myself down and act naturally. "Oh hi baby." Sagot ko dito sabay ngiti ng pilit.

Benj averted his gaze. "Oh Benj, is that you?" Banggit ni David ng mamukhaan niya ang lalaking nasa harapan namin.

Ibinalik ni Benj ang tingin sa amin ni David. "Hi David. Long time no see!" He smiled.

"So you're the photographer?" Tanong ulit ni Dave dito. "How's my girlfriend's photoshoot? I know she did great. Didn't she?" Hindi ko alam kung nambubwisit ba siya or what.

"Of course, baby." Sabi ko dito sabay kurot ng palihim sa tagiliran niya. Naramdaman kong napa pitlag siya sa ginawa ko.

"Sige bro. We'll have to go. Nice to see you." Sabi ni David dito bago ako hatakin palabas ng studio. Wala akong magawa kundi sumunod kaysa naman makaladkad niya ako. Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ay binitawan niya naman ang kamay ko kaya halos masubsob ako. Such a jerk!

"Problema mo huh?!" Naiinis na tanong ko dito.

"Stop flirting with other guys. Remember I'm your boyfriend!" Inis na saad nito sa akin.

"Boyfriend? Patawa ka! Ex-boyfriend kamo!"

"Don't you forget about the deal, Jessica!" Well in the first place bakit nga ba kasi ako pumayag sa deal na iyon? Kung tutuusin kaya ko naman bumalik sa pagmomodeling without his help. Yes, he helped me. Isa kasi siya sa mga sikat ngayon na model. Isang salita niya lang ay agad sinusunod ng iba dahil medyo malakas ang influence nitong taong 'to kahit medyo jerk.

My Ex's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon