Chapter 6: Young Hearts

8.4K 149 4
                                    


CHAPTER 6

Nandito kami sa Resort na pagmamay-ari ng pamilya ng mga Tantoco

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nandito kami sa Resort na pagmamay-ari ng pamilya ng mga Tantoco. Tatlong araw na lang bago ang kasal, at tatlong araw din kami dito. Hindi ko alam pero sabi ni Janelle ay nag-organize daw siya ng party para sa akin dito, saka para na rin daw makapagrelax ako bago ang kasal. Pero iniisip ko pa lang na ikakasal ako sa hayop na 'yun eh kumukulo na ang dugo ko at sumasama ang pakiramdam ko.

Itong resort ay malapit lang din sa simbahan kung saan kami ikakasal, dito na rin gaganapin ang reception nito. Bawas budget din ito dahil sabi ni tita Diane- ang mommy ni Orion ay regalo na daw niya sa akin ito dahil parang anak na ang turing niya sa akin.

Sa ngayon ang nandito pa lang ay si mommy, Janelle, ang bestfriend kong si Kandice, ang pamilya ni Orion na close din sa akin at siyempre ang pamilya ni David except sa mommy niya. Ang ibang kasama sa entourage at bisita ay sa araw bago ang kasal pa darating.

Itong Resort na 'to ang isa sa pinaka magandang resort na napuntahan ko dito sa bansa. It is modern and luxurious. Ito rin yata ang pinaka malaking resort ng mga Tantoco.


"Hoy, anong klaseng tingin 'yan?" Tanong ko kay Kandice na kasama ko ngayon na nagbebreakfast. Kanina pa kasi siya may tinitignan. Gusto kong matawa sa itsura niya dahil para siyang naglalaway na hindi maintindihan. She's also unconsciously playing the straw of her juice. Pero parang hindi niya yata ako narinig kaya sinundan ko ng tingin 'yung kanina niya pa pinagmamasadan.

Halos mapa-facepalm at mapanganga ako ng makita ko si Orion na may kausap na staff ng resort. Seriously, si Orion ang pinagmamasdan niya? Impossible naman kasi na 'yung staff, knowing her. Binalik ko ang tingin kay Kandice na mukha pa rin baliw dahil sa itsura nito. "Hoy!" Sigaw at tapik ko dito dahilan para sa wakas eh makuha ko ang atensyon niya.

"Oh bakit?" She asked that made me roll my eyes.

"Really? Si Orion?"

She smiled sheepishly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

She smiled sheepishly. "Eh... bakit ba kasi ang pogi niyang bestfriend mo? Kung hindi lang may gusto sa'yo 'yan dati eh ako na nanligaw diyan. Ayan naunahan tuloy ako." She pouted kaya natawa ako.

My Ex's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon