Chapter 47: City of Love

5.3K 95 13
                                    

CHAPTER 47

Ilang buwan na rin simula ng makarating ako dito sa Paris para simulan ang bago kong buhay. Hindi ko na rin masyado naiisip ang mga nangyari noon dahil sa pagiging busy ko, lalo na noong nakaraang mga linggo dahil ulit sa Fashion Week. Mas okay na rin ang ganito, ituon ko na lang ang sarili sa trabaho, kaysa sa mga walang kwenta nangyari nitong mga nakaraang buwan.

Hindi naman ako masyadong naninibago sa buhay ko dito dahil hindi ito ang unang beses na kinailangan kong tumira sa bansang 'to, lalo na sa siyudad ng Paris. Isa lang ang pinaka ayaw ko dito—ang salitang French. Nakakaintindi ako nito pero sobrang kaunti lang, mabuti na lang ay hindi lahat ng nakakatrabaho ko ay French Nationals kaya English pa rin madalas ang language na ginagamit ko pagkausap ang mga ito.

Naglalakad ako ngayon pauwi ng apartment ko mula sa isang photoshoot para sa isang editorial ng isang sikat na magazine. Imbis na magtaxi or bus ay pinili kong maglakad tutal malapit lang din naman ang location ng shoot sa tinutuluyan ko.

And because it's officially the fall season, it's a bit colder now. Isang brown long sleeves na pinatungan ko ng black leather jacket tapos ay black skinny jeans at red scarf ang suot ko ngayon.

Natigilan ako sa paglalakad na mapadaan sa boutique ng Chanel. Okay, alam kong hindi dapat ako gumastos ng gumastos pero parang may humihila sa akin papasok nito. Everything looks expensive inside the boutique, interior pa lang ay alam mong hindi ito tindahan ng mumurahin na bags or fashion items. Hindi rin ito katulad ng pangkaraniwang fashion store na makikita mo sa Pilipinas na maraming damit or bags na naka-display. It looks spacious inside, may ilang couches na pwede mong upuan. May mangilan ngilan din na wall shelves kung saan nakadisplay ang mga nag-gagandahang sapatos. Sa mga glass display case naman nakalagay ang ilang perfumes. Wala pang sampu ang kasama ko dito sa loob na tumitingin din ng maaaring mabili. Pumunta ako sa rack ng mga winter coats, and it doesn't disappoint me. Kinuha ko ang isang light pink wool dufflecoat at pinagmasdan ito. Gusto ko ang tela at alam kong bagay ito para sa darating na winter. Ang presyo? 1500 Euros. Yes, really expensive. Ibinalik ko itong muli sa lalagyan. Kailangan ay pag-isipan ko munang maigi kung kailangan ko bang gumastos ng ganyan kamahal para sa isang coat lang. Lumabas ako ng store na walang binili, next time na lang siguro, kapag buo na ang isip ko. Ayoko naman kasi bumili tapos ay baka pagsisihan ko lang din naman sa huli.

Tumuloy na lang ako pauwi sa aking apartment. Hindi ito kalakihan, ngunit sakto lang para sa katulad ko-- one bedroom, bathroom, living room area, kitchen and small dining room. Pagkarating ko ay agad kong hinubad ang suot na leather jacket at inihagis ito sa sofa. Binuksan ko ang heater dahil masyadong malamig ang temperatura maging dito sa loob.

Papasok pa lang ako sa kwarto nang marinig kong tumunog ang doorbell kung kaya't natigilan ako para pakinggan kung tutunog ba itong muli. Dalawang beses pa itong gumawa ng ingay kaya nagmamadaling kong binuksan ang pinto. Laking gulat ko na lang nang bumungad si Janelle sa harapan ko, she's smiling from ear to ear.

"Bonjour!" Bati niya bago pa ako tuluyang makapag-react. Nakasuot siya ng itim na coat, faded blue jeans at olive green na scarf, habang nakasabit naman sa braso niya ang isang itim na prada bag.

"Anong—"

"Malapit na ang kasal ko 'di ba? That's why I'm here in Paris. May mga bagay pa kaming dapat asikasuhin." Yeah right, sa isang buwan na nga pala ang kasal niya. "Hindi mo ba ako papapasukin?" Tanong niya kaya naman automatic na kumilos ang katawan ko para tumabi at bigyan siya ng daan. Inililibot nito ang paningin sa buong paligid habang patuloy sa paglalakad paloob. Buti na lang talaga ay nakapaglinis ako, kundi ay nakakahiya sa kanya. "I like your place." Lumingon siya sa akin. "So how is it?"

Isinara ko ang pinto at lumapit sa direksyon niya. "Okay naman. Mas ayos dito, tahimik ang buhay ko 'di tulad sa Pilipinas." I explain to her. "Kamusta na nga pala do'n?" I say, referring to the Philippines.

My Ex's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon