Epilogue

8.2K 118 33
                                    

EPILOGUE

Cameras flashing, at grupo ng press ang bumungad sa akin paglabas ng venue kung saan naganap ang Fashion Show ng isang sikat na couture brand. Habang ako naman ay nakasuot ng isang pares ng Chanel sunglasses para hindi nila makilala—pero obviously 'di naman effective 'yon. You know what, I still can't believe this is happening again. I mean, it's been two years I think? Simula ng tumira ulit ako dito sa Paris para simulan ang bago kong buhay.

I'm really thankful to my new management, kung hindi naman dahil sa kanila ay hindi magiging ganito ulit ang career ko. I can't help but smile everytime I remember the things that happened to me in the past two years. Kung noon ay marami na akong endorsements, well, sobrang dami ngayon. Idagdag pa na kinuha rin ako ng YSL para sa make-up line nila! YSL! As in Yves Saint Laurent. Can you believe that?

Mas bigatin rin ang mga endorsements ko ngayon, I really feel blessed. But of course, there is still a downside of fame. Laging may nakabuntot na paparazzi, at siyempre, hindi pa rin mawawala ang mga haters or bashers. Kahit anong gawin mo, hindi mo talaga kayang i-please ang lahat ng tao. Kahit anong gawin mong mabuti, may masasabi at masasabi pa rin sila sa'yo. It is something that you cannot avoid, especially if you're a public figure.

Alam ko hindi na dapat sila pinapansin pa, pero minsan hindi mo lang talaga maiwasan na maapektuhan sa sinasabi ng mga ito. Ang iba nga diyan kung makapagsalita ay akala mo naman mga perpekto sila, 'yung iba nagmamagaling lang. Tawag nga ng iba sa kanila ay 'mema' as in may masabi lang.

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa loob ng isang limousine na sumusundo sa akin. Perks of being a supermodel, VIP ka lagi. Anyway, didiretso ako sa launch party para sa bagong makeup collection ng YSL. Kahit nakakaramdam ako ng pagod ay diretso pa rin! Kaysa magreklamo ay maging thankful na lang, at least maraming trabaho.

Nang makarating sa venue ay natanaw ko na agad ang mga media na nag-aabang sa harapan ng red carpet. Bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan ay inayos ko muna ang sarili, tinanggal ko ang suot na sunglasses dahil hindi naman maganda kung suot ko ito habang nagpopose sa harap nila.

Pagkababa ko ay narinig ko ang hiyawan ng ilang tao na sa tingin ko ay mga fans na nag-aabang. Marami rin kasing celebrities ang invited sa event na 'to.

I am wearing a black long sleeved bodycon mini dress. Backless rin ito kaya naman 'di ko maiwasan na makaramdam ng kaunting lamig, pero ginusto ko naman 'to kaya hindi na ako mag-iinarte pa. I match it with a pair of black 4-inch YSL stilettos.

Tumigil ako sa gitna ng red carpet para magpose sa camera bago dumiretso sa loob ng mismong event kung saan naman ilang celebrities ang bumungad sa akin at ilang staff ng YSL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumigil ako sa gitna ng red carpet para magpose sa camera bago dumiretso sa loob ng mismong event kung saan naman ilang celebrities ang bumungad sa akin at ilang staff ng YSL. Isang waiter ang lumapit sa akin hawak ang isang tray na may mga baso ng wine, kumuha naman ako ng isa mula dito.

Katulad ng ginagawa sa mga ganitong klaseng event ay nagsocialize ako sa iba pang mga bisita. Karamihan sa mga ito ay hindi na bago sa akin, ang iba ay nakasama ko na sa ibang projects noon, so I don't find it hard to start a conversation with them.

My Ex's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon