CHAPTER 49
Mula sa aking pwesto ay pinagmamasdan ko si David at ang ka-date nito. She's really pretty, at pamilyar siya sa akin hindi ko nga lang alam kung saan ko na ba ito nakita noon.
"Bagay sila 'no?" Napalingon ako sa tabi ng marinig ko na may nagsalita, at kahit malakas ang tugtog ay malinaw pa rin ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. It is my sister, may hawak siyang baso ng red wine at nakangiti na pinagmamasdan din si David.
"Huh?" Ito lang ang nasabi ko dahil naguguluhan ako.
"I said, they look cute together, don't they?" Ngumuso pa siya sa kinaroroonan nung dalawa. Hindi ko alam kung seryoso ba 'tong si Janelle o pinagtitripan ako. Nginitian niya ako, hindi ko alam kung pang-asar ba iyon o normal na ngiti lang niya. "What do you think?" Tanong niya pa kaya nag-iwas ako ng tingin. In-eexpect niya ba na sasabihin kong, 'Oo'? "Look at that girl, she looks like a model too, I like her aura, she looks elegant." Muli ay pinagmasdan ko ang babae na ito— matangkad, olive-skinned, slender body, and she definitely has a pretty face— which is really familiar to me.
"Oops, I have to go, enjoy the rest of the night. Malay mo magkaayos na kayo mamaya." Paalam niya ng tawagin ng host pero hindi ko masyadong naintindihan ang dulong bahagi nito. Muli akong sumulyap sa direksyon ni David at ng magandang babae niyang date, pero agad din akong umiwas dahil aaminin ko, nasasaktan akong nakikita siyang masaya kasama ito.
<3
I'm really enjoying the party, mayamaya ay tatawagin ang malalapit na kaibigan at kamag-anak ng kapatid ko para magbigay ng message sa kanya— siyempre kasama na rin ako doon, kaya naman bago pa ako tawagin ay pumunta ako ng Powder Room para mag-retouch. Hindi ko na kasi alam kung maayos pa ba ang aking itsura, baka mamaya ang oily ko na pala.
Pagpasok ay natigilan ako pati na rin ang babaeng nasa loob— na walang iba kundi ang date ni David. Nginitian naman niya ako, at kahit hindi ako komportable ay tumuloy pa rin ako sa loob at pumwesto sa kabilang dulo para mag-retouch. Inilabas ko ang pressed powder at lipstick tapos ay ipinatong ito sa bathroom countertop pati na rin ang dala kong Chanel clutch bag.
"Hi." Bati niya sa akin habang nakatingin sa repleksyon naming dalawa sa salamin. Nagreretouch din ito gamit ang kanyang Marc Jacobs na pressed powder. Nginitian niya ako kaya naman kahit pilit ay sinuklian ko ang mga ngiting iyon.
"You're Jess, right?" This time she already faces me. "I'm happy to finally meet you." Sabi niya gamit ang kakaibang accent, hindi ko lang ma-point out kung anong klaseng accent ba 'yon pero pamilyar din ito sa akin. Hindi ko sigurado pero bakas naman sa tono nito ang pagiging totoo, wala rin halong kaplastikan ang mga ngiti niya sa akin.
Hinarap ko na rin siya dahil ayoko naman magmukhang bastos. "Yes." Pinilit kong ngumiti ng totoo pero ang hirap.
"I'm Camilla, Dave's cousin." Lumapit siya sa akin at nakipagbeso habang ako naman ay hindi makagalaw dahil iniisip ko kung tama ang narinig ko. "Alam mo ba ang tagal na kita gustong makilala." Dagdag niya ng matapos sa pagbeso. Naguguluhang pinagmasdan ko ang mukha niya, kung maganda siya sa malayuan ay mas maganda ito sa malapitan. Kapansin pansin sa mukha nito ang matangos na ilong at ang kulay hazel brown niyang almond eyes.
"We almost met in Italy last year, pero napagkamalan mo yatang may relasyon kami ni David." She giggles. Halos mapaawang ang bibig ko sa sinabi niya, I knew it! Kaya pala pamilyar siya sa akin! Siya ang kasama ni David noon sa so called 'honeymoon' namin.
"Y-you're his cousin?" Parang tangang paglilinaw ko dahil baka mali ako ng rinig.
"Yes." Muli ay ngumiti siya ng pagkatamis tamis. "Anyway, I can't believe Janelle is already married. But I'm happy for her. They look perfect together." Katulad kanina ay para akong tangang nakatingin sa kanya. I'm so confused, bakit kung magsalita siya ay parang matagal na niyang kilala ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
My Ex's Proposal
Literatura Feminina||COMPLETED|| ||Romance. ChickLit. Humor. Drama|| |This is written in Tagalog & English| |Highest Rank #1 in ChickLit| Sophia Jessica Choi: Everyone adore her beauty. One of the most hottest models in the country. Unfortunately her public image was...