Chapter 48: Ceremony

5.3K 160 26
                                    

CHAPTER 48

The day we met,
Frozen I held my breath
Right from the start
I knew that I'd found a home for my heart...

... beats fast

Ito ang sumunod na kanta matapos maglakad ang mga cute na flower girls. The entourage procession went very smoothly. Nangingibabaw ang kagandahan at kagwapuhan ng mga kasali rito. Ang mga Bridesmaids ay nakasuot ng nude colored dresses na iba-iba ang design, depende na rin sa kung ano ang gusto nila. Ganun din pagdating sa buhok, kani-kaniyang style, pero mostly ay naka-loose waves ang buhok ng mga ito, kagaya ko na mas pinili ang ganitong hairstyle, at nakalugay ang buhok. Ang suot ko naman na dress ay off-the-shoulder ang style, at kagaya ng iba ay nude color din.

Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall?
But watching you stand alone
All of my doubt suddenly goes away somehow

Ang Groomsmen ay nakasuot ng white long sleeve polo na pinatungan ng kulay light gray vest. Nakasuot din sila ng kulay gray bowtie, pero mas darker ang shade nito kaysa sa vest at pants. Sa totoo lang ay ang gugwapo ng mga ito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kung nandito kaya siya, ganyan din kaya ang itsura niya? No doubt na babagay sa kanya ang mga damit na tulad niyan. Lahat naman yata ng damit na isuot niya ay bagay sa kanya.

One step closer...

Sa wakas ay bumukas na ang pintuan ng simbahan. Bumungad ang napakaganda at blooming na Bride. Isang magandang white wedding gown na may konting nude color. V-neck at long sleeves na may schiffli lace details ang itaas na bahagi ng wedding gown. Ang ibabang bahagi naman ay chiffon ball gown at may habang 12 feet mula sa waist ang train nito— she's wearing a monarch train.

I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more

Bagay na bagay sa kanya ang suot niya. Ito naman kasi talaga ang pinapangrap niyang kasal— Ethereal Fairytale Wedding. Ang buhok niya ay naka-half updo at curls ang ilalim. Isang tiara ang lalong nagpaganda sa ayos niya na mala-princesa ngunit hindi ito matanaw ng malinaw dahil na rin sa veil na nakatakip dito.

Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything take away
What's standing in front of me
Every breath
Every hour has come to this

Now I glance at the dashing Groom who is now patiently waiting for his stunning Bride. He's smiling but I know that deep inside he feels nervous. He's wearing a light gray suit—pareho ng kulay ng sa groomsmen. Seeing them happy makes me happy as well.

One step closer...

Ibinalik ko ang tingin sa bride, sinalubong na ito ng kanyang Daddy at ni Mommy na ngayon ay parehong nakangiti pero makikitang mangiyak-ngiyak na rin. Siguro ganun lang talaga, mahirap para sa mga magulang, lalo na sa ama na ihatid ang anak nila sa altar. The Father of the Bride is wearing a darker shade of gray suit—mas dark ito kumpara sa suot ng Groom at Groomsmen.

I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more

Pinapanuod ko silang maglakad sa aisle na mayroong kulay puting carpet. Dahil nga sa Ethereal Fairytale ang theme ng kasal ay hindi pula ang carpet na napili nilang gamitin. Nakakatuwa nga dahil kahit ito ang napili nilang tema ay mas minabuti nilang gawin itong Church wedding imbis na garden wedding na mas babagay sana sa salitang 'Ethereal Fairytale'.

My Ex's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon