CHAPTER 44
>JESSICA<
Papunta ako ngayon sa opisina ni Janelle. Sabi niya kasi ay gusto niya akong makausap, kung para saan ay hindi ko pa rin alam. Nasa lobby na ako ng building nang makasalubong ko ang Secretary ni Janelle na si Eriz.
"Hi, Miss Jessica!" Bungad nito sa akin nang makita ako. Halos umalingawngaw ang boses nito sa buong lobby dahil sa lakas. Nang magkalapit kami ay agad siyang bumeso sa akin. "Kamusta po?" Sinubukan kong ngumiti sa kanya.
"Okay naman ako."
"Miss Jess, suportado ka namin. Grabe pala ang Fiona na iyon! Siguradong naiinggit lang ang bruhildang 'yon sa'yo kaya hinihila ka pababa." Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa sinasabi niya at pagkita ng suporta para sa akin.
"Salamat."
"Ito naman, wala 'yon. Saka 'wag mo masyado isipin, nakakastress! Sige ka baka kumulubot agad ang maganda mong mukha!" Biro niya kaya natawa ako. Gustong gusto ko talaga ang personality nitong si Eriz. "Anyway, kanina ka pa yata hinihintay ni Miss Janelle. Pumasok ka na lang sa loob ng office, breaktime naman." Saad niya bago magpaalam sa akin at tuluyan akong iwan dahil kakain daw siya sa labas. Katulad ng sinabi niya ay dumiretso na ako sa opisina ng kapatid ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, dalawang boses ang naririnig kong nagtatalo mula sa loob nito.
"I already told you to kick her out, but you didn't listen to me. Look what she's doing now to your company!" Sabi ng boses ng isang babae na tila ba pinapangaralan ang kung sino man ang kausap niya, at hindi ako pwedeng magkamali, that's definitely Janelle.
"Right. Stop pointing it out. I admit, it's my mistake!" Sagot naman ng isang pamilyar na boses ng lalaki. Ayoko naman makinig but out of curiousity ay sumilip ako at doon ko nakumpirma na si Orion nga ang kausap ng kapatid ko. Nakaupo ito sa sofa, nakasuot ng formal business suit, habang si Janelle naman ay nasa harapan nito, nakatayo at nakasandal sa isang desk. Mukhang wrong timing yata ang punta ko dito.
Akmang isasara ko na ulit ang pinto nang madali ko ang isang vase na nasa may gilid nito dahilan para ito ay matumba at mapalingon sa direksyon ko Janelle. Bakit ba ang clumsy mo, Jess! Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat, habang ako naman ay parang batang nakagawa ng kasalanan sa magulang at hindi kumikibo. Ang swerte ko na lang dahil hindi nabasag ang vase na 'yon, mukhang mamahalin pa naman!
"Jessica, kanina ka pa ba diyan?" I just stand there, awkwardly smiling at her. "Pumasok ka na dito." Utos niya sa akin.
"Baka nakakaistorbo ako." Lumingon ako kay Orion, napapamasahe na lang ito ng sentido—I know what it means, he's stressed out.
"No. May kailangan din tayong pag-usapan." Saad niya kaya tuluyan na akong pumasok sa loob. Umangat ang tingin ni Orion sa akin, wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya, I force a smile but he just averts his gaze. It's funny that we were bestfriends for more than ten years, then right now I feel really awkward around him.
Umupo ako sa kabilang dulo ng sofa kung nasaan si Orion. I don't feel comfortable to sit beside him. Ilang segundo rin kaming nabalot ng katahimikan kaya naman mas lalo ako nakaramdam ng awkwardness.
"Walang may gustong magsalita?" Basag ni Janelle sa katahimikan naming tatlo. She rolls her eyes. "Anyway, Jessica. We wanted to talk you because we need to say something." She says in a really serious expression, somehow it makes me feel a bit nervous. Nanatili akong tahimik at hinihintay lang ang pagbuka ng bibig ng kapatid ko. "You know, Kelley Johnston, right? Fiona's cousin?" I nod. Ito lang naman ang nakaaway namin ni Janelle noon sa London.
BINABASA MO ANG
My Ex's Proposal
ChickLit||COMPLETED|| ||Romance. ChickLit. Humor. Drama|| |This is written in Tagalog & English| |Highest Rank #1 in ChickLit| Sophia Jessica Choi: Everyone adore her beauty. One of the most hottest models in the country. Unfortunately her public image was...