CHAPTER 33
>JESSICA<
This is my last day in London, bukas ay maaga ang flight ko papuntang Milan para naman sa MFW. Oh well, perks of being a model, you can travel to a different country for free—actually hindi lahat, siguro depende sa kasikatan ng model at sa management. In my part, luckily ay libre ang pagtravel ko. Kalimitan sa mga nagsisimula pa lang ay sila mismo ang gumagastos sa sarili nilang plane ticket kapag Fashion Week.
Bata pa lang ay ito na talagang pangarap ko. Naaalala ko pa noong maliit pa ako, lagi ko sinusuot ang mga high heels ni Mommy at rumarampa sa harapan niya habang siya naman ay tuwang tuwa na pinapanood lang ako. I miss the good old times. Ang mga panahong bata ka lang at walang kaalam-alam sa mundo, ang alam mo lang ay ang maglaro kasama ang mga kaibigan mo, at masaya ka kapag kasama mo sila. Kung pwede lang bumalik sa mga panahong 'yun 'di sana ginawa ko. Sino b'ang may gusto na mapunta sa mundo na masyadong magulo at komplikado? Hindi naman sa sinasabi kong hindi ako masaya sa buhay ko ngayon, pero hindi mo kasi maiwasang isipin ang mga bagay na tulad nun.
Kasalukuyan akong nandito sa Alain Ducasse, isang French Restaurant sa London. Hindi naman maitatanggi na isang mamahaling Restaurant ito. Everything in here looks expensive. Janelle reserved a private dinner for the two of us. Hindi ko nga alam kung ano ang meron at naisipan niya ito. Bigla na lang kasi niya akong tinawagan at niyayang kumain sa labas.
Maglilimang minuto na rin akong naghihintay nang makatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. Malapit na raw siya pero na-stuck lang sa isang traffic at baka lima hanggang sampung minuto pa bago siya makarating dito. Nireplyan ko naman siya ng 'ok lang' dahil sanay na rin naman ako sa pagiging late niya.
Habang naghihintay ay naisipan ko munang magbrowse sa internet gamit ang cellphone. Nakakatuwa dahil magaganda ang comment ng ilan sa'kin sa Fashion Week. Lalo na sa Instagram sa tuwing pinopost ko ang mga litrato ko habang nasa runway. Hindi ko napigilang mapangiti sa tuwing mababasa ko ang mga positive comments na 'yun.
Habang tumitingin ako ng mga posts sa Instagram ay nakatanggap ako ng message kay David. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin niya akong tigilan! Hindi niya ba magets na kaya hindi ako nagrereply ay dahil ayaw ko siyang makausap? Minsan nga ay gusto ko na rin siya replyan at sabihing 'get lost' kaso ayoko na magsayang pa ng oras, at baka lumaki rin ang bill ng line ko dahil long distance 'yung text.
"Sorry for making you wait." Magrereply sana ako sa isang magandang comment sa akin sa Instagram pero biglang dumating si Janelle kaya naman binitwan ko na ang cellphone ko at ipinatong sa mesa para tumayo at makipagbeso sa kanya. Nang makaupo na kami pareho ay napansin kong hindi maganda ang mood nito, nakakunot kasi ang noo at nakanguso. Looks like she's having a bad day. Siguro ay dahil sa traffic? Tinawag niya ang waiter para kunin ang menu.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Hanggang sa pagtingin kasi sa menu ay nakakunot pa rin ito. She looks at me, but her gaze is finally softer. Ipinatong nito ang listahan ng menu sa mesa bago humalukipkip at sumandal sa kinauupuan niya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita muli.
"Do you know anything about Orion's ex-girlfriend?" Diretsahan niyang tanong sa akin kaya naman automatic na tumaas ang kilay ko.
"What?" Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. Ex-girlfriend ni Orion? "He had a girlfriend before you?" Tanong ko pabalik sa kanya.
Nagtatakang tinignan niya ako. "You don't know?"
I'm honestly confused right now. Wala akong alam tungkol doon. "No. Wala akong alam. Hindi ko alam na nagka-girlfriend siya." Paliwanag ko sa kanya. "He never mentioned that he dated someone before. Saan mo naman nalaman ang tungkol diyan?"
BINABASA MO ANG
My Ex's Proposal
ChickLit||COMPLETED|| ||Romance. ChickLit. Humor. Drama|| |This is written in Tagalog & English| |Highest Rank #1 in ChickLit| Sophia Jessica Choi: Everyone adore her beauty. One of the most hottest models in the country. Unfortunately her public image was...