CHAPTER 37
Patapos na ang higit dalawang linggong pahinga ko. Bukas ay babalik na naman ako sa pagtatrabaho, pero sa ngayon ay gusto ko munang magpapawis ng kaunti kaya naman nandito ako sa gym. Halos tatlumpung minuto na akong tumatakbo dito sa threadmill. Kanina pa rin tumatagaktak ang pawis ko kahit na malamig dito sa loob ng gym.
Sa totoo lang ay may threadmill naman sa bahay namin pero kulang pa rin ng ilang equipments na kailangan ko pa para sa ibang workouts. Pagkatapos kasi nitong pagtakbo ko ay magkickboxing naman ako. Balak ko rin sana na mag-abs workout kaso baka 'di ko na kayanin dahil medyo mahirap at sobrang nakakapagod ito. Ayoko naman na masakit ang buong katawan ko bukas sa shoot.
Abala pa rin ako sa pagtakbo nang maramdaman kong may nakatayo sa gilid ko kaya naman nilingon ko ito. Nanlaki ang mga mata ko ng bumungad sa akin si David. Maayos na ang itsura niya kaya naman ay nakakalabas na rin siya ng bahay, wala na ang mga pasang natanggap niya noong pinagtanggol niya ako mula sa pervert na lalaki sa club.
"What are you doing here?" Tanong ko kahit na nahihirapan ako magsalita dahil na rin sa hinihingal na ako sa pagtakbo. Katulad ng inaasahan ko ay matamis na ngiti lang ang sinagot niya sa akin.
"Hi David!" Isang matinis na boses ng babae ang narinig kong bumati sa kanya. Kusa na lang umikot ang mga mata ko, ramdam ko kasi ang kalandian sa boses na 'yon.
Sinundan ko ng tingin si David na agad sinuklian ng ngiti ang bati nung babae sa kanya, dahilan para mawala ako sa balance at lumagapak ako threadmill!
"OMG!"
"Jessica!"
"Okay ka lang?"
"What happened?'
Narinig ko ang mga tao sa paligid na napasigaw dahil siguro sa gulat. Habang ako naman ay nakaplakda pa rin sa sahig. Unti-unti kong nararamdaman ang sakit sa may bandang ribs ko. Hindi rin ako makatayo. Naririnig ko na medyo nagkakagulo na rin ang paligid, hanggang sa maramdaman kong may humawak sa may bewang ko at unti-unti akong binuhat. Halos mapangiwi rin ako sa sakit nang mahawakan nito ang may kumikirot na parte ng katawan ko.
Isinira ako ang mga mata ko dahil ayokong makita ang mga mukha ng nasa gym ngayon. Hiyang-hiya ako dahil sa aking katangahan.
"Hey are you alright?" Pabulong na saad sa'kin nitong bumuhat sa akin na alam kong si David. I feel like a damsel in distress that is being carried by her Prince Charming. Urgh, pero hindi mawala sa isip ko ang kahihiyan! I'm so clumsy!
Naramdaman ko ang pagbaba niya sa akin sa isang malambot na bagay. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, nakaupo ako sa isang malambot na couch, dito pa rin sa loob ng gym. Natatanaw ko ang ilang tao na nakatingin pa rin sa akin, marahil ay inaalam kung okay lang ba talaga ako.
Lumuhod sa may harapan ko si David, dahilan para matakpan ang mga tao sa paligid mula sa paningin ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya na halatang nagpipigil ng tawa kaya naman agad akong napasimangot.
"Anong nakakatawa? Masakit 'yun 'no!" Pagsusungit ko sa kanya. Aba kung alam niya lang kung gaano kasakit pumlakda sa threadmill! Tinakpan niya ng kamay ang bibig at nag-iwas ng tingin, pero kahit naman itago niya ay alam kong natatawa siya.
"Sige tawa pa." Sarkastik kong sabi. Muli ay humarap siya, trying to suppress his laughter. "Masaya ka na niyan?" Tinaasan ko siya ng kilay, hindi ako natutuwa lalo na't kumikirot talaga sa may ribs ko.
"I'll bring you to the hospital to get you checked." Akmang tatayo na siya nang pigilan ko.
"Hindi na kailangan, okay lang ako. Iuwi mo na lang ako." Utos ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya bago ako tanungin.
BINABASA MO ANG
My Ex's Proposal
Chick-Lit||COMPLETED|| ||Romance. ChickLit. Humor. Drama|| |This is written in Tagalog & English| |Highest Rank #1 in ChickLit| Sophia Jessica Choi: Everyone adore her beauty. One of the most hottest models in the country. Unfortunately her public image was...