Chapter 32: On the rocks?

4.5K 83 3
                                    

Author's Note:

Sorry guys NO Jess and Dave in this chap. Feeling ko lang kasi importante maisingit to para sa future chaps, at namiss ko si Orion at Janelle (don't worry last na 'to). I'll make sure sa mga next chapters ay magfofocus na talaga ako sa mga issues ni Jessica sa buhay niya hahaha. Wag kayo magalit sa akin please haha. In-edit ko na 'to kaya kung may typos pa, sorry kasi nagloloko keyboard ko.

*******

CHAPTER 32

<THIRD PERSON>

Medyo maaga pa nang matapos ang Fashion Show na dinaluhan ni Janelle. Napag-isipan nitong puntahan ang kasintahan sa opisina dahil na rin kahit sa isang bahay lang sila tumutuloy dito sa London ay hindi sila gaano nagkikita o nagkakausap dahil pareho silang abala sa kani-kanilang trabaho. Nanggaling pa ang dalaga sa New York noong nakaraang araw dahil na rin sa naganap na Fashion Week doon. Hindi na siya nagdalawang-isip na lumipad papuntang England, dahil gusto na rin niyang makita ng personal ang kanyang Fiancé.

Kung si Janelle ay abala sa pag-attend ng mga Fashion Week, si Orion naman ay pabalik balik ng Manila at London para na rin sa proyekto na ginagawa ng kanilang kompanya. 'Di tulad ng dati, ngayon ay mas naging abala pa ito sa kanyang trabaho bilang Presidente at CEO.

Nang makarating sa establisyimento si Janelle ay nagmamadali itong nagtungo sa elevator. She was too excited to see him! Alam niya kasing busy na ito masyado kaya siya na ang gumagawa ng paraan para magkita sila, kahit pa medyo nagsisimula na siyang magtampo dito dahil bibihira na lang itong makatext o tawag sa kanya.

Pagdating sa pinakamataas na floor kung nasaan ang opisina ng kasintahan ay agad siyang sinalubong ni Kurt-- ang secretary nito. Ito rin ang secretary nito sa Manila, isinasama pa ito ng binata tuwing kinakailangan niyang bumalik ng London para sa trabaho.

"Miss Janelle, good afternoon." Masiglang bati ng Secretary dito kahit na ikinagulat pa nito ang pagdating ng nobya ng kanyang boss.

"Where's your boss?" Mahinanong tanong ni Janelle dito, pero bago pa makasagot ang binata ay lumabas mula sa opisina nito si Orion. Bakas din sa mukha nito ang pagkagulat ng makita ang dalaga.

"What are you doing here?" Tanong ni Orion dito.

"Why? Are you not happy to see me?" Mataray na tanong ng dalaga. Nagbuntong hininga si Orion bago sumagot dito.

"I have a meeting in 15 minutes." Sagot nito dahilan para umikot ang mata ni Janelle.

"Wow. Kulang na lang sabihin mo sa akin na magpaappointment muna ako sa secretary mo para lang makausap kita." Kahit naiinis ay binabaan ni Janelle ang tono ng boses para na rin hindi sila marinig ng ibang empleyado.

"It's not like--" Bago pa man din matapos ni Orion ng sasabihin ay binalingan na kaagad ni Janelle si Kurt.

"Can i set an appointment to see my Fiancé?" Janelle gave Orion her infamous glare. Then shifted her gaze to the secretary. "So when is he available? Mamaya ba pwede ko siyang makausap?" Again, she looked at him this time, with one brow raised, then shifted her gaze once more to Kurt. "Nakakahiya naman kasi, bumiyahe pa ko mula Manila to New York and New York to London, just to see him. Looks like he wasn't happy to see me after all."

"Janelle please, let's just talk at home." Kalmadong utos ni Orion dito, halata sa boses nito ang pagod na hindi na nakapagtataka dahil araw-araw itong abala sa trabaho at kulang din ang tulog.

"Excuse me?" A sweet and calm voice called out from their behind. Sabay-sabay silang tatlo na napalingon dito. Nginitian ito ni Kurt, si Orion naman ay isang malamig na titig ang ibinigay dito. Habang si Janelle ay napakunot ang noo. She was really familiar to her. That long and sleek blonde hair, beautiful face and model-like figure. "Miss Janelle Mendoza, right?" Bati nito sa kanya na akala mo ay nagulat pa nang makita si Janelle. Pilit inalala ni Janelle kung saan niya nga ba ito nakilala.

My Ex's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon