CHAPTER 22
Pumasok agad ako sa taxi na pinara ko. Bakit ba kasi hindi ako nagdala ng kotse kanina? Bakit ba kasi hinayaan kong samahan ako ni David ngayong araw? Eh 'di sana hindi 'to lahat nangyari ngayon.
"Saan ho kayo miss?" Tanong ng driver sa akin kaya naman napabalik ang diwa ko. Pinunasan ko agad ang luhang tumutulo sa mukha ko tapos ay sinabi sa kanya ang address ng mom ko.
Habang nasa biyahe ay bigla naman nagring ang cellphone ko, tumatawag si mommy. Buti na lang ay napigilan ko na rin ang pag-iyak ko. Ayoko kasi na kapag kinausap ko si mommy ay mahalata niyang iba ang boses ko. Ayoko na siyang mag-alala pa sa akin.
Sinagot ko agad iyon, sigurado akong hinahanap na niya ako dahil mag-aalas otso na ng gabi pero wala pa rin ako sa bahay niya.
"Yes, mom?" Bungad ko sa kanya.
"Jessica, nasaan na kayo ni David? Kanina pa ako naghihintay."
"Sorry mom. Don't worry, malapit na naman ako."
"Anyway, Jess. Nandito na nga pala ang kapatid mo. Sana naman magkabati na kayo." Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi ni mom. Lalo akong naiistress ngayon dahil naalala ko ang problema ko kay Janelle.
"I'll talk to her later. I hope she would listen to me." Sa totoo lang pakiramdam ko ay hindi pa ako handa. Kinakabahan pa rin ako sa tuwing maiisip ko na haharapin ko siya. "Sige na mom, ibababa ko na. I'll just see you later."
Halos isang oras din bago ako makarating sa bahay ni mom, dahil na rin siguro sa traffic na gawa ng Christmas rush. Bago bumaba ng taxi ay natanaw ko na ang kotse ni David, nauna na pala siya dito. Siguradong magtatanong ni mom kung bakit hindi kami magkasabay, pero hindi iyon ang dapat kong alalahanin ngayon. Mas iniisip ko ang nangyari kanina sa mall, pati na rin kung paano ako haharap sa kapatid ko.
Hindi ko na alam kung ilang minuto ba akong nakatayo sa harapan ng bahay ni mommy bago ko naisipang pumasok na sa loob. Bitbit ko pa rin ang mga paperbags kung saan nakalagay ang mga pinamili ko. Nakalimutan ko pa nga na ibalot sa Christmas wrappers pero hayaan na nga.
Nasa labas pa lang ako ay naririnig ko na ang mga taong nag-uusap sa loob. Naririnig ko rin ang tawanan ng iba. Sa totoo lang hindi ko alam kung sinu-sino ba ang pupunta ngayong gabi. Si Janelle lang ang sigurado akong pupunta ngayon, at katulad nga ng sinabi ni mom, ay nandito na siya kanina pa.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob. Agaw atensyon naman ang pagpasok ko. Halos lahat sila ay napatingin sa akin kaya naman pinilit kong ngumiti. Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Janelle na kasalukuyang nakaupo sa sofa, nginitian ko siya pero isang irap lang ang ibinalik niya sa akin.
"Hey Jess, kamusta na?" Nilapitan agad ako ni Leon, isa sa mga pinsan ko sa side ni mommy. Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya, medyo makapal ang kilay, kulay itim ang buhok, at ganun pa rin ang style ng buhok niya. I'm not really sure but I think it is called comb over haircut—oh well hindi naman ako hairdresser so hindi ako expert pagdating sa ganyan. He also has a good facial features— chinky and light brown eyes, pointed nose, thin red lips and strong jawline. Medyo malakas ang appeal ng lokong 'to sa mga babae. Sa pagkakatanda ko pa nga ay kinukuha siyang model dati, pero ewan ba dito kung bakit ayaw niya eh maganda rin naman ang pangangatawan niya.
BINABASA MO ANG
My Ex's Proposal
ChickLit||COMPLETED|| ||Romance. ChickLit. Humor. Drama|| |This is written in Tagalog & English| |Highest Rank #1 in ChickLit| Sophia Jessica Choi: Everyone adore her beauty. One of the most hottest models in the country. Unfortunately her public image was...