Chapter 23: His Trap

6K 130 11
                                    


CHAPTER 23

>THIRD PERSON<

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

>THIRD PERSON<

Maagang nagising si Jessica, sa totoo lang ay hindi naman talaga siya nakatulog ng maayos. Hindi niya maintindihan kung bakit naninibago siya. Siguro ay sa medyo matagal na rin ng huli siyang matulog sa kamang gamit niya ngayon. Hindi na nga niya matandaan kung kailan siyang huling natulog sa bahay ng kanyang ina.

Pagkatapos niyang ayusin ang sarili ay agad siyang bumaba sa kusina dahil nakakaramdam na siya ng gutom. Doon ay naabutan niya ang ina na nagluluto ng agahan, wala kasi ang mga kasambahay nito ngayon kaya ito ang gumagawa ng gawaing bahay pati ang pagluluto.

"Morning, mom!" She greeted cheerfully before giving her mom a kiss on her cheek. Ibinaba niya ang tingin sa niluluto nito. Nagluluto ang kanyang ina ng omelet.

"Mukhang masarap 'yan ah?" Naeexcite na sabi niya rito. Magaling kasi magluto ito, paborito nga niya ang halos lahat ng pagkain na niluluto ng kanyang ina.

"Maupo ka na muna, Jess. Malapit na akong matapos." Nakangiting saad nito sa kanya. Sinunod naman niya ang sinabi nito kaya naupo siya at hinintay itong matapos sa pagluluto.

Bumalik sa kanyang kwarto si Jessica nang matapos siyang kumain ng agahan para mag-ayos. Kailangan na rin kasi niyang umuwi sa bahay nila ni David. Kahit na ayaw niya pang makita ito ay walang siyang magagawa. Mukhang imposibleng maiwasan niya ang asawa.

Bago pa siya matapos sa pagblower ng kanyang buhok ay nakarinig siya ng katok mula sa pinto.

"Pasok po!" Sigaw niya. Mula sa pinto ay dumungaw ang kanyang ina. Tanaw niya ito mula sa kanyang vanity mirror. "Yes, mom?"

Pumasok ito at lumapit sa kanya. "May I?" Malambing na tanong ng ina. Tumango siya rito kaya agad na kinuha ng ina ang isang hairbrush saka nagsimulang suklayin ang mahaba at medyo basa niya pang buhok.

"Everything's going to be alright." Pabulong na sabi nito sa kanya. Alam na niya ang tinutukoy nito kaya hindi na lang kumibo. "Anyway, Jessica. Gusto ko sumama ka sa akin dito, okay?" Tumigil ito sa pagsuklay sa kanyang buhok tapos ay may ipinatong na envelope sa mesa. Kinuha niya ito at binuksan. Naglalaman ito ng imbitasyon para sa isang Party.

<3

"So why, David?" Bakas sa mukha ni Janelle ang pagkaseryoso habang hinihintay ang sagot ng dating kasintahan.

"Because I think... I already love her." He confessed. Janelle gazed at him, and seriousness was written all over his face.

"Wow! Big word. Love? Do you even know the true meaning of that, you cheater!" Janelle insulted him. Ano nga ba talaga ang alam nito sa salitang "Love"? He did nothing but flirt with girls.

"Of course I know. Thanks to you." Sagot ni David dahilan para mapa-ikot ang mga mata ng dalaga.

"Are you hitting on me?" She hissed. "You know what David, after all these years, napag-isip isip ko, hindi ikaw ang first love ko. I don't think what we had in the past was actually a 'serious' relationship. You were just playing all the time. We were both immature-- lalo ka na!" Janelle said in disgust. Sa mga nagdaang taon ay na-realize niya na iba pala ang seryoso na relasyon. Kung ano ang meron sila ni David noon ay malayong malayo sa relasyon na meron sila ngayon ng kanyang Fiancé.

My Ex's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon