CHAPTER 34
Ilang minuto na lang ay lalapag na ang eroplanong sinasakyan ko. Sa wakas ay natapos na rin ang commitments ko sa ibang bansa. Mahigit isang buwan din akong nawala sa Pilipinas kaya naman excited na ako. Natapos ko ang Fashion Week, pati na rin ang isang trabaho ko na editorial para sa isang magazine na kinunan pa sa Rome, Italy ay tapos ko na rin!
Sa ngayon ay wala akong trabaho sa susunod na dalawang linggo, at isa sa mga dahilan kung bakit excited ako umuwi ng pilipinas ay dahil magsa-summer kaya inaasahan ko na mainit na ang weather na dadatnan ko. Isa 'to sa mga paborito kong bahagi ng taon dahil mahilig ako sa beaches, although buong taon naman yata sa Pilipinas ay mainit.
Paglapag ng eroplano ay lumabas na rin agad ako kasabay ng maraming pang pasahero, tapos ay dumiretso ako para kunin ang baggage ko na hindi rin naman tumagal. Sa ngayon ang gusto ko na lang ay umuwi para makapagpahinga na ng ayos. Pagdating sa arrival area ay hindi ko inaasahan na makita ang taong walang ginawa kundi kulitin ako. Agad siyang lumapit sa aking direksyon , habang ako naman ay nagpanggap na walang nakita, umiwas kaagad ako, at imbis na dumiretso ay lumiko ng lakad at ibinaba ang suot na cap para hindi makita ang aking mukha kahit na alam ko namang huli na para hindi niya ako mapansin.
"Hey, where do you think you're going?" Harang niya sa akin, urgh! Paano ba nalaman nito na ngayon ang uwi ko? Wala na akong nagawa kundi i-angat ang tingin sa kanya. Infairness, namiss ko ang mukhang 'yan.
"Hindi pa ba obvious? Iniiwasan ka." Prankang sagot ko dito pero parang wala na sa kanya ang pagtataray ko. Ini-abot niya ang isang bouquet ng white roses na ikinagulat ko. Inirapan ko siya bago sabihing. "Ano na namang palabas 'to? Allergic ako sa roses." Sabi ko na lang kahit 'di naman totoo.
"As far as I can remember, you are only allergic to chocolates." Ngumisi pa ito kaya naman lalo nag-init ang aking ulo. My God! Gusto ko na lang magpahinga eh pero bakit may ganito pa?
"Wow, may naaalala ka pala tungkol sa pagkatao ko? Impressive." I say sarcastically to him. I cross my arms. "Anyway, paano mo nga pala nalaman na ngayon ang uwi ko?" Ibang klase rin kasi ang isang 'to, stalker ba siya or what?
"Uhmm, Janelle?" He answers hesitantly. Umikot ang mga mata ko sa narinig ko. Kaya naman pala ang kulit nun noong isang araw at walang ginawa kundi tanungin ako kung anong oras ang uwi ko sa Pilipinas, ito naman pala ang dahilan. Hindi ko alam kung ano ba ang binabalak ni Janelle, gusto niya ba talaga akong ipagtulakan kay David? Mamaya tatawagan ko talaga siya!
"Bakit ka ba nandito?" Pinilit ko na kumalma para hindi siya sungitan. Inaantok na rin ako kaya naman wala na akong gana, at sobrang pagod din ako matapos ang napakahabang flight na 'yun.
"Sinusundo ka, obvi—"
"Ay oo, obvious naman na sinusundo mo 'ko, pero bakit nga? Imposibleng sinusundo mo ako dahil trip mo lang. Alam kong may pinaplano ka." Pagsusungit ko ulit sa kanya dahil naiirita ako sa naging sagot niya. Masyado pa siyang pa-cool kaya naman hindi ko maiwasang kumulo ang dugo sa inis. Ano ba namang buhay 'to, gusto ko na lang magpahinga, God! Please lang.
Nagkamot ito ng ulo, mukhang tama nga ang hula ko, mukhang may binabalak nga 'tong gawin.
"We need to come to our family reunion tonight. Some of my relatives haven't met you yet, they said they want to meet you. I told them we're coming." Paliwanag niya dahilan para matulala ako. Hindi kasi magsink in sa akin ang sinabi niya. 'Di ko nga rin alam kung tama ba ang narinig ko eh. Ang alam ko lang ay gusto ko na humiga sa kama!
"Hey." He snaps at me. "Do you understand what I've said?" Tanong niya, siguro ay napansin na niya ang itsura ko na sa tingin ko ay mukha ng zombie sa isang apocalypse dahil sa pagod at dahil wala rin akong make-up.
BINABASA MO ANG
My Ex's Proposal
ChickLit||COMPLETED|| ||Romance. ChickLit. Humor. Drama|| |This is written in Tagalog & English| |Highest Rank #1 in ChickLit| Sophia Jessica Choi: Everyone adore her beauty. One of the most hottest models in the country. Unfortunately her public image was...