CHAPTER 16
Pagkatapos ng nangyari sa isang boutique noong isang araw may lumabas na naman na article tungkol sa akin, and of course, Fiona the bruha. Inaasahan ko na 'to lalo't medyo marami ang tao sa loob ng boutique na iyon nung mga oras na 'yon.
Sa pagkakataon na ito ay hindi na ako ang masama sa paningin ng tao. Mabuti na lang talaga eh hindi ko masyadong pinatulan ang Fiona na 'yon. I can imagine how furious she is when she reads this article. Siguradong inis na inis ang bruhang 'yon.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang binabasa ang ibang comments.
"I knew it, mabait naman talaga 'yang si Jessica. At least hindi siya papansin katulad niyang si Fiona. Tsk, hindi naman sikat, feeling sikat lang."
"OMG! I was there when that happened. Jessica was calm the whole time. Sobrang yabang nung Fiona, may pagka-warfreak."
Para na talaga akong baliw dahil ngumingiti akong mag-isa. Well, at least ngayon napapansin na nila ang tunay na ugali ni Fiona. Hindi ko maintindihan sa babaeng iyon kung bakit ang laki ng galit niya sa akin.
Natigilan ako sa pagscroll ng comments nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko na kailangan pang mag-isip kung sino iyon dahil dadalawa lang naman kaming nakatira dito. Bumangon kaagad ako para buksan ang pinto.
"Anong kailangan mo?" Kalmadong tanong ko kay David. Ngumiti siya ng malawak bago nagsalita.
"Nice, maganda mood mo? Hindi ka masungit eh." Dahil sa sinabi niya ay automatic na nag-iba ang ekspresyon ko, panira talaga ng umaga kahit kailan ang lalaking 'to.
"Maganda naman talaga lagi ang mood ko, basta hindi kita nakikita." Inirapan ko siya tapos ay akmang isasara ang pinto pero iniharang niya kaagad ang braso niya. "David, please lang, 'wag ngayon. Maganda nga mood ko 'di ba? 'Wag mo nang sirain." Saad ko habang pinipilit na huwag mainis sa kanya.
"I cooked breakfast. Let's eat?" Tanong niya habang hindi pa rin naaalis sa labi niya ang malawak na ngiti.
"Okay." I reply nonchalantly before stepping out from my room and head to the dining area. Wala ako sa mood makipagbwisitan sa lalaking 'to, lalo na ngayon.
Dirediretso lang ako sa dining area, pagdating doon ay nakita ko kaagad ang nakahandang waffles at pancakes. My eyes roll automatically.
"Ito na 'yun? Ayaw mo ng carbs 'no?" I say in sarcasm. Umupo na lang ako para magsimula nang kumain. Sa tuwing may pagkakataon na magluluto ng breakfast 'tong si David eh lagi na lang ganyan. Kaya nga minsan tanghali na ako bumabangon para maiwasan ang puro carbs na breakfast na hinahanda niya.
Tahimik lang ako na kumakain habang nasa tapat ko naman si David. Pansin ko rin naman ang pagtitig niya sa akin habang kumakain ako pero dinededma ko na lang siya at minabuting i-focus ang sarili sa kinakain ko.
BINABASA MO ANG
My Ex's Proposal
ChickLit||COMPLETED|| ||Romance. ChickLit. Humor. Drama|| |This is written in Tagalog & English| |Highest Rank #1 in ChickLit| Sophia Jessica Choi: Everyone adore her beauty. One of the most hottest models in the country. Unfortunately her public image was...