Chapter 38: Evil Plans

4.2K 79 16
                                    

CHAPTER 38

Mabuti na lang ay napakalma ko ang sarili ko matapos kong malaman ang pinaggagawa ni Fiona noon. Naging maayos ang interview sa akin kanina, natapos na rin ang dinner kasama ang mga staff ng magazine, ngayon ay naghihintay ako dito sa loob ng kwarto. May narinig akong katok kaya naman nagmamadali akong nagtungo sa pinto para buksan ito, finally, she's here!

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Pinapasok ko muna siya sa loob, gusto kong ikwento sa kanya ang nalaman ko pero hindi ko alam kung paano. I keep pacing back and forth.

"Janelle," Panimula ko, "Sa tingin ko, ikaw mismo ang dapat makarinig." Naguguluhang pinagmasdan niya ako, para naman kasi akong timang na hindi mapakali sa harapan niya, at hindi masabi ng ayos ang gusto kong sabihin.

"Ano ba ang sinasabi mo diyan?" Hindi ako sumagot, sa halip ay hinatak ko na lang siya palabas ng kwarto para dalhin sa security office kung saan bumungad sa amin ang ilang TV screens na magkakadikit, kita mula doon ang iba't-ibang parte sa loob ng resort kabilang na ang hallway kung saan naganap ang pag-uusap namin kanina ni Fiona.

"Ano pong kailangan niyo?" Gulat na tanong ng lalaking nasa loob at nakaupo sa harapan ng mga naglalakihang TV screens. Sa tantiya ko ay hindi nalalayo ang edad nito sa amin ni Janelle. Maganda ang pangangatawan, hindi kaputian ang kulay ng balat, medyo matangos din naman ang ilong nito, bilugan ang mga mata at may kakapalan ang kilay. Nakasuot ito ng parehong uniporme ng ilang empleyado dito sa resort.

"May kailangan kasi kaming makitang footage, pwede ba namin mapanood kung sakali? Importante lang kasi talaga." Tinignan niya muna ako tapos ay inilipat niya ang titig kay Janelle na katabi ko lang bago tumango. "Sige po." Sagot niya. Sinabi ko sa kanya kung anong footage ba ang kailangan naming makita, hinanap niya kaagad ito at hindi naman kami nabigo.

"May audio 'to hindi ba?" Tanong ko. Kaya malakas ang loob ko na makipagsagutan kay Fiona kanina ay dahil may natanaw akong mic sa CCTV, alam ko na kung sakali may mangyaring hindi kaaya-aya ay may maganda akong pruweba laban sa kanya.

"Yes ma'am, meron po." Gusto ko magdiwang ng makumpirma ko iyon! Ibig sabihin narecord nito pati na rin ang pag-uusap namin kanina! "Ito po, pakinggan niyo." Inabot niya ang dalawang pares ng headphones sa amin ni Janelle, pareho kaming umupo sa upuan sa harap ng mga screens tapos ay ni-play niya ang footage ng komprontasyon namin ni Fiona kanina.

Napatingin sa akin ni Janelle nang matapos ang parte kung saan inamin ni Fiona ang ginawa niya noon sa amin. Halata naman sa itsura ng kapatid ko ang pagkagulat, well, sino ba ang hindi? Kahit ako ay hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. She played us really well. Hindi na ako magtataka kung may iba pa siyang pinaplanong gawin ngayon. Napapa-isip tuloy ako, may iba pa kaya siyang ginawa bukod doon sa pagkalat ng litrato at sa paninira niya rin sa akin sa social media?

Nang matapos ang video ay tinanggal din namin kaagad ni Janelle ang suot na headphones. "Can we get a copy of the CCTV footage?" Tanong niya sa security.

"Sorry, ma'am, we're not allowed to give a copy unless it's for important matters, like an evidence to a crime." Sagot nito gamit ang typical Filipino accent, which i find cute. Ewan ko ba pero natutuwa talaga ako sa mga Pinoy na hindi trying hard pagdating sa pag-english at accent na 'yan.

"Ganun ba? Sige, salamat na lang." Agad tumayo ang kapatid ko at nagtungo palabas ng security office kaya naman sinundan ko siya. Hindi ako makapaniwala na hindi siya nagpumilit na makuha ang video, knowing her, I know she'll do everything just to get it.

"That bitch is so wicked!" Nangagalaiti sa galit na saad ni Janelle pagkalabas na pagkalabas namin. "Masaya siya na pinaglalaruan tayo? Fine, makikipaglaro tayo sa kanya, this time I'll make sure she'll lose everything she has right now. She'll lose her career, and she'll regret meeting us." Alam ko kasanalan ni Fiona ang pagpapakalat sa mga larawan na 'yon, pero hindi ko maiwasanang isipin na hindi lang naman siya ang may kasalanan nitong lahat, ako rin naman. Kung hindi ako sumunod kay Orion noon sa California, eh 'di sana walang pictures. Walang nasaktan.

My Ex's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon