Chapter 31: London

4.6K 98 1
                                    

CHAPTER 31

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasalukuyan akong nasa London ngayon para ulit sa Fashion Week. Noong nakaraang araw pa natapos ang NYFW. Limang araw naman akong mananatili dito sa London. Ito na ang pangalawang araw ko dito at dalawang show lang ang meron ako para sa araw na ito, it means meron akong oras para makapasyal ngayong hapon sa mga tourist attractions sa loob ng Great Britain, specifically Greater London. Pero hindi naman ako mag-isa dahil makikipagkita ako sa kapatid ko na nandito rin ngayon. Nandito ako as a model, siya naman ay bilang VIP guest para manood ng ilang shows. Sa pagkakaalam ko ay ang mga kompanya mismo ng ilang brands ang nag-imbita sa kanya dito.

Nakatayo ako ngayon dito sa may labas ng Westminister Station ng London Underground, tanaw ko mula sa pwesto ko ang pinaka sikat na tourist attraction sa London, walang iba kundi ang Big Ben. Sabi kasi sa akin ng kapatid ko ay dito ko raw siya hintayin. Oh well, di ko naman kasi ganun kabisado ang London.

"Hi!" Bati niya mula sa malayo, malaki ang ngiti nito sa labi. Agad ko siyang nginitian pabalik. "Sorry for making you wait. May inayos lang ako."

"No worries, halos kararating ko lang din naman." Sagot ko sa kanya. Wala pa siguro akong sampung minuto naghihintay sa kanya kaya di naman ako masyadong nainip. Also, I wouldn't mind getting stuck in this place. Na-eenjoy ko naman kasi ang mga nakikita ko sa paligid.

"Anyway, kumain ka na ba? Are you hungry? Or gusto mo magstroll muna?" Sunud-sunod niyang tanong sa akin kaya naman natawa ako ng mahina.

"I'm still full. Why don't we stroll? Tour me." Nakangiting sagot ko sa kanya. Mas kabisado niya kasi ang London kaysa sa akin.

"Saan mo ba gustong pumunta?" Saglit akong napaisip sa tanong niya. Hindi ko pa rin kasi napag-iisipan ang tungkol doon. "Ang tagal mo mag-isip, halika na nga doon tayo sa Madame Tussauds!"

Sumakay kami sa isang kulay pulang Mini Cooper na dala mismo ni Janelle. Di ko alam kung bakit ba Mini Cooper ang dala niya eh hindi masyadong bagay sa kanya ang ganitong klaseng sasakyan, lalo na't ang tangkad niya.

Siya mismo ang nagmaneho nito papunta sa Madame Tussauds. Medyo malayo ito mula sa Westminister Station kaya natagalan din ang biyahe namin, idagdag pa ang konting traffic, pero wala pa rin makakatalo sa traffic ng EDSA sa Manila.

"Oh my God, i'm so excited to see my boyfriend." Parang batang excited na saad ng kapatid ko pagkababang pagkababa namin mula sa kotse. Kumunot naman ang noo ko.

"Boyfriend?" Tanong ko sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi naman namin makakasama si Orion dito.

Natatawa itong lumingon sa akin. "Benedict Cumberbatch!" Kinikilig na sabi niya. "May wax figure siya diyan!" Gusto kong matawa sa reasyon niya, para kasi siyang bata.

Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin, para sa mga di pa nakakaalam, ang Madame Tussauds ay museum chain para sa mga life-size wax figures ng ilang sikat na celebrities. Bukod sa London ay meron din nito sa ibang bansa sa Asia, Europe, pati na rin sa ibang States sa America.

My Ex's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon