CHAPTER 13
Instead of going to our boring home, pumunta na lang ako sa isang bar para uminom. It's still quite early, wala pang ibang tao. Umorder kaagad ako ng isang alcoholic drink, because I can't take this anymore. Ginawa ko naman ang lahat, siguro hindi na talaga para sa'kin 'to ngayon.
Pagkatapos kong maubos ang isang shot ay umorder pa ulit ako hanggang sa medyo nakakarami na ako.
"Nakaka-ilan ka na ah? Baka malasing ka niyan." Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa tabi ko. I face him, he definitely looks familiar to me. "Hindi mo na ako maalala?" Kunot-noong tanong niya.
Tinitigan ko siyang mabuti at inisip kung sino nga ba ang lalaking nasa harapan ko. Bago ko pa maibuka ang bibig ko para magtanong ay naunahan niya na ako.
"It's me Benj, 'yung photographer mo sa isang shoot dati." Nakangiting sabi niya kaya naman lumalabas ang ka-gwapuhan nito.
"Oh. Yeah, I remember you." Sagot ko tapos ibinalik ko ulit ang tingin sa harap at nilagok ang isang shot ng inorder ko.
"Kanina pa kita pinagmamasdan, nakaka-ilan ka na. It's too early to get drunk, you know?" He tells me.
"Don't worry, mataas ang alcohol tolerance ko. Hindi ako malalasing kahit makalimang bote ako." Iritang sagot ko sa kanya. Honestly, mataas ang tolerance ko sa mga alcoholic beverages pero hindi ko yata kayang maka-limang bote-- o depende siguro.
I hear him chuckle so I glance at him. Nilagok niya ang isang bote ng hard liquor kaya kumunot ang noo ko.
"Eh bakit ikaw? Ang aga-aga ganyan na agad ang iniinom mo? Sabagay, lalaki ka. I'm pretty sure kung mataas ang tolerance ko sa alcohol eh 5 times 'yung sa'yo." I just shrug. Binalik ko ang tingin sa harap para umorder ulit ng isa pang shot sa bartender.
"Ang sakit pala. Minsan ka na nga lang magseryoso, lolokohin ka pa." Sabi nitong si Benj kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko mapigilan na matawa. Ganito pala ang lalaki ang kapag heartbroken.
"Oh bakit ka tumatawa?" Natigilan siya sa paglaklak ng beer at hindi makapaniwalang tinignan ako.
"Heartbroken ka?" Natatawang saad ko kaya naman lalong kumunot ang noo niya.
BINABASA MO ANG
My Ex's Proposal
Chick-Lit||COMPLETED|| ||Romance. ChickLit. Humor. Drama|| |This is written in Tagalog & English| |Highest Rank #1 in ChickLit| Sophia Jessica Choi: Everyone adore her beauty. One of the most hottest models in the country. Unfortunately her public image was...