CHAPTER 9
I took a deep sigh before entering the hotel. I have decided, I have to apologize to David for being harsh on him. Hindi naman ako ganun kasama at kamalditang tao. Kahit naman sino sigurong tao ang nasa sitwasyon ko ngayon eh magiging ganito, hindi ba? Sa tuwing maaalala ko na kasal na ko sa hindi ko naman mahal eh pakiramdam ko ay mababaliw na talaga ako. Pakiramdam ko ay nabubuhay na lang ako sa kasinungalingan.
Sa tuwing maiisip ko ang pwedeng maging reaksyon ng lahat ng tao sa paligid ko pag lumabas ang katotohanan... hindi ko talaga alam! Parang mas gugustuhin ko na lang magpakalayo sa kanila. I know they will hate me, especially Janelle. Hindi naging maganda ang relasyon namin sa isa't-isa ng kapatid ko noon. She's really nice to me now, magkasundo na kami at ayokong masira lang 'yun nang dahil sa kasinungalingan namin ni David.
Pagpasok ko sa hotel ay agad akong dumiretso sa suite namin. Unfortunately, David was not there. Nilibot ko ang buong kwarto, tinignan ko na nga rin pati ilalim ng kama pero wala talaga siya. Hindi kaya iniwan niya na ako at bumalik sa pilipinas?
Pero bago pa ako magpanic eh nakita ko ang luggage niya sa isang tabi. He's still here, he didn't leave me yet. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng relief nang makita ko ang luggage niya. He's probably here in the hotel, sabi niya kasi kanina ay naglibot libot siya dito. I'll just go find him then apologize.
Napagdesisyunan kong lumabas ng suite para ipagpatuloy ang paghahanap sa kanya. Nag-ikot ikot ako sa hotel, meron nga itong napakagandang amenities. Pumunta ako sa outdoor pool area, medyo madaming tao doon, but he was not there. Kung saan-saan pa ako nagpunta pero wala talaga siya, hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa gym ng hotel. Finally I found him! He was sitting alone, he probably just finished working out because he was still sweaty. But damn, he looks hot!
Oh shit, what am I saying?
Lalapitan ko na sana siya nang may isang babaeng lumapit dito tapos ay agad siyang hinalikan sa magkabilang pisngi! Wow, just wow!
Kitang kita ko ang lawak ng ngiti ng gago habang kinakausap siya ng isang maganda at sexy na babae. Mukha nga rin itong isang model, at sa tingin ko isa itong Italian national.
Hindi ko alam pero bigla na lang kumulo ang dugo ko! I was about to say sorry pero hindi ko alam na masusurprise pala ako sa makikita ko. That asshole is such a playboy! Ang kapal ng mukha! So ganito pala ang balak niyang gawin sa Venice? Ang lumandi ng lumandi? Sabagay, hindi na nga pala niya magagawa sa pilipinas ang paglalandi niya dahil ang alam ng lahat kasal na kami. Damn him!
Bumalik ako ng suite namin na sobrang init ng ulo. Kumukulo talaga dugo ko! Nagpalit ako ng damit, gusto ko na lang matulog. Bukas na lang ako babalik sa pamamasyal dahil baka masungitan ko pa ang mga taong makakasalubong ko dito sa Venice.
BINABASA MO ANG
My Ex's Proposal
ChickLit||COMPLETED|| ||Romance. ChickLit. Humor. Drama|| |This is written in Tagalog & English| |Highest Rank #1 in ChickLit| Sophia Jessica Choi: Everyone adore her beauty. One of the most hottest models in the country. Unfortunately her public image was...