"Raine, gising na. Malapit ng mag alas sais kaya kailangan mo nang maligo."
Tinakpan ko ng unan ang tenga ko tsaka humarap sa kabilang side ng kama. I just need thirty more minutes para matulog dahil sa sobrang puyat ko kagabi.
"Zyraine Drashia Mathson!Bumangon ka na diyan kung hindi kukurutin kita sa singit!"Bumalikwas ako ng bangon at nakakunot ang noong tumingin kay nana.
"Nana naman eh! It's too early to threaten me like that."
Hinampas ako ni nana ng unan kaya napahiga na naman ako. Kung hindi ko lang 'to mahal baka napalayas na'to ni kuya. Sumubsob ako sa unan at nagkumot.
"Raine dali na gumising ka na.Malelate ka niyan. Kabiliny-bilinan pa naman ng kuya mo bago siya umalis na agahan mo ang pasok dahil may transferee na dadating ngayon sa school niyo."
Dahil sa sinabi ni nana ay napabalikwas agad ako ng bangon. Shit! Ngayon pala ang pasok ng transferee.
"Yan mukang gising na ang diwa mo.Naplantsa ko na ang uniform mo at naayos ko na rin ang gamit mo. Maligo ka na at mag-ayos bago ka bumaba at mag-almusal na."
Agad akong tumayo at nag punta sa banyo. Ginawa ko ang morning routine ko at dali-daling nag bihis. Wala na 'kong oras kaya tanging liptint lang ang nailagay ko.
Naabutan ko si nana na nagtitimpla ng gatas sa kusina.Nang lumingon siya sa akin ay ngumiti siya at inilapag ang gatas sa lamesa.
"Kumain ka na.Alas sais palang naman kaya huwag ka munang mag madali."
Umupo na'ko at ipinaghain niya ako ng pag-kain. Nana is my babysitter when I was a baby at siya narin ang naging personal maid ko hanggang ngayon pero hindi ko siya tinatrato na maid.
She's a human at wala siyang alam kung ano kami at mas mabuti na kung mananatiling ganon nalang. Her name is Rose ulila na raw siya at nag-apply kela mommy na maging katulong pero dahil laging wala sila mommy ay inassist siya ni daddy bilang babysitter ko.
Sabi nila mommy tinuturuan daw nila kong tawagin si nana ng nanny pero laging nana ang nababanggit ko noong baby ako kaya hanggang sa lumaki ako ay iyon na ang nakasanayan ko.
"Salamat po, nana."
Nagmadali akong kumain dahil naalala kong kailangan ko pa palang dumaan sa office ni kuya bago ako dumiretso sa room.
"Bye, nana. See you later!"
"Mag-ingat ka sa pagda-drive ha?"
Tumango ako at ngumiti bago pumasok sa Porsche. May family driver kami pero dahil kami lang naman dalawa ni kuya ang mag-kasama dito sa bahay at may kani-kaniya naman kaming kotse and we prefer driving on our own kaya kapag umuuwi lang sila mommy nagpupunta dito si mang Ben.
Nag red ang traffic lights kaya huminto ako. Napansin ko ang motor na nasa tabi ng kotse ko at hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kahapon.
Nang makatayo siya ay tinanggal niya ang helmet niya at tumingin sa direksyon ko. Pinilit ko ang sarili ko na kumalma dahil paniguradong maririnig niya ang tibok ng puso ko.
"Miss are you okay?"
Tumikhim ako bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Kalmado na ang itsura ko ng harapin ko.
"Yes. Ikaw? Okay ka lang?"
Tumango lang siya bago tiningnan ang motor niya at ang sasakyan ko.Wala namang gasgas pareho kaya wala namang bayaran na mang yayari diba?
BINABASA MO ANG
Mathson Academy
VampireMathson Series #1 She tried her best to keep things at its place but then he came and ruin everything. Started:October 7,2015 Finished:July 16,2016 Highest Rank Achieved: #1 in Pureblood category #1 in Vampire Category Author : Mariethony