"Oh buhay ka pa pala."
I look at Ash and gave her a tight smile when I saw her face frowning when she saw me. Lex is not sitting with her kaya binatukan ko siya. Paniguradong si Lex na naman ang inutusan niyang bumili ng pagkain.
"Napakatamad mo talaga. Inutusan mo na naman yung isa."
She mocked me and rolled her eyes.
"Galing ka na namang rooftop, no? Wala namang bagong view pero ang hilig mo tumambay don."
Hindi ko mapigilang humikab habang nagsasalita si Ash. Kakagising ko lang pero inaantok na naman ako.
"Hi Zy! You're finally here."
Umupo sa tabi ni Ash si Lex at inilapag ang tray na puno ng pagkain. Nagningning ang mata ko ng makita ko ang two slices of Hawaiian pizza at walang pag a-alinlangan na kinuha ko ito.
"Sabi ko na nga ba hindi ka na naman bibili ng pagkain mo."
Inalis niya ang mga pagkain sa tray at inilagay yon sa kabilang table. Pinakita niya ang receipt kay Ash tsaka sila nag abutan ng pera pang bayad.
"Zy, hinahanap ka ni ma'am De Guzman kanina sabi niya kailangan ka raw niyang makausap para raw sa isang transferee."
Busy si Ash sa cellphone niya habang nag sasalita. I can't focus on what she was saying I'm busy munching on my pizza. Ang naintindihan ko lang ay hinahanap ako ni ma'am De Guzman.
"Sige pupuntahan ko na lang siya pagkatapos 'kong kumain."
Nang maubos ko ang pizza ay yung lasagna naman ang kinuha ko. Alam na ni Lex na kapag nag ditch ako ng klase ay hindi ako bibili ng pagkain kaya nagkukusa syang bumili ng pagkain for me. Thoughtful friend, no?
"Ang yaman mo pero ang kuripot mo, alam mo yon?"
I gave Ash a fake smile and shrug.
"Hindi ako kuripot, Natasha. Hindi ko naman inuutusan si Lex na bumili ng pagkain she's just being a good friend."
That's a fact. Lex loves treating us like her own kid. She's like a mother figure to the both of us. Siya ang pinakaresponsable. I can't say the same kay Ash since saming tatlo, siya ang pinaka happy go lucky.
"For the record, Zy! It's Ash not Natasha."
Her whole name is Natasha but she prefer being called Ash. Tunog lumang kontrabida raw kasi ang Natasha.
"Problema ba yon? Edi tawagin mo rin ako sa pangalan ko."
Napa-cross arms naman siya at umirap. I rolled my eyes as well but mentally. Here comes her brat side that's full of insecurity.
"You have a nice name! Zyraine Drashia Mathson, while me? Natasha Oxford? Ugh!Saang panahon ba nang galing si mama?"
Napatawa naman si Lex at napailing na lang ako. Ang daming problema ng mundo pero siya pangalan na lang pinoproblema pa.
"Siguro na foresee ng mama mo na hindi ka lalaking maganda kaya hindi na siya nag-abalang mag-isip. Look at my name, Rexine Lex Grande, bagay sa mukha ko yung maganda kong pangalan."
Kinindatan niya pa si Ash na lalong ikinainis ng huli. Ilang aircon na ba ang pinalagay ni kuya rito at sumobra ata sa hangin.
Napairap nalang si Ash dahil ayaw niya talaga sa pangalan niya. Natasha is cool but sounds like a villain's name which doesn't suit her.
"Tapos na 'ko kumain. I'll look for Ma'am De Guzman. See you later!"
Hindi ko alam kung saan ang next subject ngayon ni ma'am kaya pumunta ako sa library. Naka-paskil kasi sa bulletin board doon ang mga schedule ng mga teachers.
BINABASA MO ANG
Mathson Academy
VampirosMathson Series #1 She tried her best to keep things at its place but then he came and ruin everything. Started:October 7,2015 Finished:July 16,2016 Highest Rank Achieved: #1 in Pureblood category #1 in Vampire Category Author : Mariethony
