It's Saturday at simula ng nangyari ang pag atake ng rouges sa academy ay hindi na muna ako pinapasok ni kuya dahil sa panghihina ko.
I was absent for two and a half days at ang idinahilan ni kuya na nilalagnat daw ako. Nagsimula na rin siyang mag-imbestiga kung paano nagkaron ng rouges sa Tuerra at mas pinaigting ang proteksyon sa academy with the help of Ash and Lex.
Biglang nag vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa side table ng kama.
Mommy is calling...
Agad ko itong sinagot dahil alam kong sobra silang nag-aalala sa kalagayan namin dito.
"Mommy."
"Hi sweetie. Kumusta ka na?"
"Medyo okay na'ko mommy. Kayo po nila daddy, kumusta na?"
Mommy, Daddy, and Nomi is staying in Japan for our business. Home school si Nomi at may private teacher siya na maswerte pa nga dahil malaki ang sweldo niya at kung saang bansa pa nandodoon sila mommy ay kasama siya. Wala naman siyang reklamo.
"We're okay here. Nasa kalagitnaan kami ng meeting ngayon, I just called to check on you."
My mom is the best mom in the world. She would trade anything for us.
"I love you, sweetie."
After I said my goodbye, I hang up. Narinig ko sa background ni mommy ang pagsasalita ng CFO na nag rereport ng mga pinagkagastusan ng pondo ng M's company, 80% of the shares are owned by my family.
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin na nasa harap ng kama ko. Muka lang akong isang normal na tao, maputla ang balat pero hindi gaano, may mahabang buhok at itim na itim na mata. I don't look like the immortal queen that I am actually is.
Every 500 years an Immortal Queen or King is born. 2500 years ago nung namatay ang unang Immortal Queen, walang nakaalam kung sino siya hangga't sa napagdesisyunan niyang putulin ang buhay niya, an Immortal Queen or King can only end her or his life if he will give up on finding her or his mate.
As a vampire, isa sa main mission ay hanapin ang para sa isa't-isa at kapag hindi mo nagawa yon at sumuko ka na, that's another way of suicide. When she ended her life, she gave up her body to the Vampire Council so that made the vampires think that everyone who posses immortality belongs to them namuno ng 500 taon ang mga bampira, maayos ang naging pamumuno ng lahi namin not until another Immortal King was born.
Kagaya ng nauna ay pinili niya na lang ding tapusin ang buhay nya but instead of giving his body to the vampires, he gave his body to the pack of wolves kaya namuno ang mga bampira at lobo ng magkasama pero ng isilang ang pangatlong immortal king ay ibinigay niya ang katawan niya sa mga witch kaya nagkaroon ng pagkaka pantay-pantay ang lahat ng naiibang nilalang.
Nagtago sila sa mapanghusgang mata ng mga tao at pansamantalang nagkaron ng kapayapaan dati until dark magic users came, ang mga sabik sa kapangyarihan na gumagamit ng itim na mahika at para magkaroon din sila ng sapat na kapangyarihan, matiyaga silang naghintay ng limang daang taon para muling may maisilang na immortal queen at yon ay walang iba kundi ako.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko ba tatanggapin ang kapalaran na ibinagay sakin. Should I take this power as a gift or as a curse? dahil sa simpleng pagkakamali ay maari akong makapag simula ng digmaan laban sa lahat ng lahi kasama na ang mga tao.
Malapit ng mag hapon pero ikinukulong pa rin ako ni kuya dito sa kwarto. Naiintindihan ko naman na gusto niya lang ako makapag pahinga pero naiinip na talaga ko dito sa bahay.
"Let's see what's on Facebook."
Binuksan ko ang laptop ko bago nag log in sa Facebook. Bumungad sa'kin ang picture na pinost ni Nomi habang nasa Sakura street siya.
She's our baby sister, Nomi Keisha Mathson, 9 years old. Sweet pero matured and she's also hot headed and short tempered kaya mahirap siyang hayaang makipag laro sa ibang bata dahil sa sobrang iksi ng pasensya niya There's only one person who can tame her aside from us. Him.
Iniiling ko ang ulo at mariin na pumikit.
Don't even think about him, Zyraine.
Ni-like ko ang post ni Nomi at nag punta sa Mathson's page. Wala namang mga bagong announcement aside from one.
Mathson Academy posted a status
Theatre club's audition will be on Monday at the function hall. The choosing for the lead role for our first play this school year will be at the same day as the audition. Every students who would like to join us should be there at exactly 8 am. Have a nice day!
-Theatre Club president
Wala akong balak mag audition para sa lead role, all I want to be is a script writer so I will make my own script and pass it on Monday.
I felt Nana's presence at hindi nga ako nagka-mali, pumasok siya sa kwarto na may dalang tray. By the smell of the food I can say that its a mushroom soup.
"Oh Raine, gising ka pala ang akala ko ay natutulog ka. Heto dinalan kita ng soup at ito daw yung gamot na inumin mo sabi ng kuya mo."
Inilapag niya ang tray sa study table ko bago ako lapitan at hawakan ang noo.
"Wala ka namang lagnat pero bakit hinang-hina ka?"
Nakakunot ang noo na tanong ni Nana. I smile at her and hold her hand.
"Baka sa sobrang pagod lang Nana."
Itinulak niya ang noo ko kaya bahagya akong napaatras. Napaka sadista talaga nito.
"Lagi kitang sinasabihang wag kang magpapagod! Ayan tingnan mo ang nangyari sayo."
Talak niya sakin. Nana is always like this kaya sanay na 'ko sa kanya. She's like my older sister.
"Oh sige na po Nana. Kakain na 'ko bago pa lumamig yung soup."
Tumayo ako at lumapit sa study table. Napansin ko ang gamot na sinasabi ni nana na ipinapainom sakin ni kuya.
"Kapag may kailangan ka nasa library lang ako, ha? Magwa-walis muna ako don."
Nginitian ko nalang si Nana at tumango. Nang makalabas siya ng pinto ay agad akong lumapit dito at tsaka nilock. Inihulog ko ang blood capsule sa tubig at unti-unti ng naging pulang-pula ang tubig kasabay ang pagpula ng mga mata ko. The smell of blood is like a heroin to me!
Agad ko itong ininom at damang-dama ko ang mainit na likido na dumadaloy sa lalamunan ko. Mabilis kong naubos ang laman ng baso at napakagat labi na lang. May mababang porsyento ng dugo ng tao ang blood capsule na iniinom naming mga bampira, depende kung gaano kataas ang porsyento na ilalagay sa blood capsule dahil ang iba samin ay hindi tinatanggap ng katawan ang gamot.
Natutugunan nito ang kagustuhan naming uminom ng dugo pero panandalian lang at isa pa, vampires who drink human bloods are stronger than those vampires who takes blood capsules kaya kung usapang pisikal ay higit na mas malakas ang mga rouges pero walang mas lalakas pa sa mga pureblood.
But I, the immortal queen is the strongest of them all.
BINABASA MO ANG
Mathson Academy
VampireMathson Series #1 She tried her best to keep things at its place but then he came and ruin everything. Started:October 7,2015 Finished:July 16,2016 Highest Rank Achieved: #1 in Pureblood category #1 in Vampire Category Author : Mariethony