Chapter 14:Crush

13.4K 468 10
                                    

ZD's POV

Nagpapagulong-gulong ako sa kama dahil hindi ako makatulog.

"Don't leave me,not now..."

Ibinaon ko ang ulo ko sa unan tsaka impit na tumili.

"Don't leave me,not now..."

Parang sirang plaka na tumatakbo yan sa utak ko.Ano ba kasi ang nangyari sakin?3 days have passed simula nung nag kasakit ako at 3 days na rin akong hindi pinapapasok ni kuya dahil baka daw mabinat ako,pero ang mas malala e tatlong araw na din akong hindi makatulog ng ayos dahil sa katangahang ginawa ko!

Pagkagising ko non sa clinic,wala na si Senri so I thought na hallucinations ko lang lahat.Pero yung kamay ko,feeling ko may naka hawak parin.Then nalaman ko nalang kay nurse Meisha na nag pumilit daw si Senri na bisitahin ako kaya wala syang nagawa.

And then it hits me!Hindi hallucination ang lahat,totoong nandon si Senri at totoo na nasabi ko ang mga hindi ko dapat nasabi!

*knock*knock*

Napabalikwas ako ng bangon dahil may kumatok.

"Dray are you ok?" Boses ni mommy ang narinig ko.

"Opo mommy." Sagot ko at bumaba sa kama para pagbuksan sya ng pinto and to my surprise lahat sila nasa labas ng kwarto ko.

"Err what's going on?" Tanong ko sa kanila.Si kuya mukang nagising lang dahil dala nya pa ang unan nya tsaka gulo ang buhok,topless at suot ang black jogging pants nya.Sila mommy din na nasa pj's nila.

"We should be the one asking you that Dray.What's going on?Hindi kami makatulog dahil dyan sa kung ano mang nararamdaman mo.Nararamdaman namin sa buong bahay."

Nakasimangot na sabi ni kuya.We have this family connection na kapag nasa iisang bubong or lugar lang kami ay mararamdaman namin ang nararamdaman ng bawat isa,pero not as strong ng nararamdaman mo,kung baga 1/4 lang.

Pero mas malala ako kasi isa yun sa mga ability ko kaya nararamdaman ko kung anong eksaktong nararamdaman ng isang tao kung gugustuhin ko.

"Opo nga Oneesan.Please let us sleep." Naka pout na sabi ni Nomi.

"I'm sorry.Ok I'll try to calm down.You can all go back to sleep.Sorry again." Tumango nalang si kuya sakin tsaka bumalik sa kwarto nya,si Nomi naman niyakap ako sandali sa bewang bago bumalik sa sarili nyang kwarto pero sila mommy nasa harap ko parin.

"Ipagtitimpla ko muna kayo ng gatas." Sabi ni daddy at bumaba papuntang kusina kaya naiwan kami ni mommy sa harap ng kwarto ko.

"Ah come in mom." Pumasok naman sya at umupo sa gilid ng kama ko.

"What's the problem Dray?You're emotions is all over the house." Umupo ako sa tabi ni mommy. Sasabihin ko ba?Parang hindi naman kasi big deal yun diba?Pero kung hindi naman,paniguradong hindi nanaman ako makakatulog.

Mathson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon