Chapter 6

16K 462 26
                                    

"I have two good news na paniguradong magugustuhan niyong lahat."

Biglang naging alerto ang buong klase dahil sa sinabi ni sir Arada.

"Una, maganda ang naging resulta at feedback ng mga observers sa ating academy at sa inyo mismo, Mathsonians. Very good."

Ngumiti naman ang mga kaklase ko dahil sa pagka proud sa sarili. Paniguradong mas sasaya sila sa surprise na hinanda namin ni kuya para sa kanila.

"Pangalawa, bibigyan kayo ng reward ni Ms.Mathson at Mr.Mathson."

Napalingon naman lahat sakin at halos lahat sila ay nagniningning ang mga mata.

"Today will be half day and we will give each and everyone of you an additional grade in every subject."

Pagkatapos kong magsalita ay nagsigawan na ang mga kaklase ko. Pati  si sir Arada ay nakipag kwentuhan at tawanan na lang sa buong klase. Hindi naman puro academics lang ang meron dito sa M.A meron din kaming mga mapagbiro at loko-lokong mga teachers pero mga terror kapag nag kaklase na.
   
Si Sir Arada ang last subject namin ngayong umaga at nagsilbing vacant naman ang subject niya.

"Sana all pupunta ng mall. Baka naman mailibre niyo pa 'ko, ha? Nakakahiya naman."

Pag bibiro ni sir sa klase. Pagka-bell na pagka-bell ay agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko at nag paalam kay sir.
Samantalang ako at si Davi ay naiwan sa classroom dahil inaayos ko pa ang gamit ko at siya? Hindi ko alam.

I fish my phone out of my bag and texted Ash number.

Message for Ash

I'll go home first. See you tom. :

Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bag at tsaka isinukbit ang bag ko.

"Ashia."

Napalingon ako kay Davi na kasalukuyang naka tingin sakin.

"Bakit?"

He looks hesitant if he will talk or not.I looked at him with what-do-you-want-say look.

"I-ah... n-never mind."

Sinundan ko siya ng tingin ng mauna pa siyang lumabas sakin ng room. O-kay?What was that?

Umiling na lang ako at nagtuloy na palabas ng classroom.

Pupunta na sana ako sa parking lot ng maalala kong wala nga pala kong dalang kotse kaya no choice ako kung hindi pumunta sa office ni kuya.

"Dapat talaga nag drive na lang ako mag-isa eh."

Hindi naman kasi planado ang pagbibigay namin ng half day sa mga estudyante. Kung hindi naman maganda ang naging feedback ng mga observers tuloy sana ang klase.

Pagkarating ko sa office ni kuya ay kumatok muna ko bago pumasok. Naabutan ko siyang nakaharap sa laptop at nagta-type.

"Here's the key, take the car with you tatawagan ko na lang si mang Ben mamaya na dalin yung kotse sakin. Drive safely, Dray."

Iniabot niya sakin ang susi at kinuha ko naman ito. I kiss his cheeks at umalis na sa office niya at dumiretso sa parking lot I saw my brother's car, Jaguar XJ 1999 model, I open the car door and hop in.

Inistart ko na ang engine ng mahagip ng mata ko si Davi na papasok na sa sasakyan niya, 2009 Zenvo ST1. Akmang lilingon siya sa gawi ko kaya pinaandar ko na agad ang sasakyan, I can feel his stare even though I'm driving away and I don't care.

Mathson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon