We have an hour break after our morning class, so I'm planning to go to the cafeteria. I look at Senri, who is sitting beside me as he requested, busy reading a book.
"Wanna come with me? Punta tayong cafeteria."
Tumango lang siya at sumunod sakin. 20 minutes advance ang break nila Lex kesa sakin kaya sa malamang ay naghihintay na sila. Surely they will be surprised kapag nakita nila kung ano ang kasama ko.
I saw them immediately sitting on our usual spot when we entered the cafeteria. Ngumiti sila sakin pero nang mapatingin sila kay Senri ay bakas sa mukha nila ang pagkagulat.
"Zy."
Seryoso ang boses ni Ash habang nakatitig kay Senri pero parang ang huli ay wala namang pakealam.
"Is he the transferee na pinag-uusapan ng mga estudyante?"
Tumango ako at tiningnan si Senri pero mukang wala siyang balak na mag pakilala.
"His name is Senri."
Napansin kong wala ng pagkain sa lamesa. Alam kong kailangan nilang mag-usap dalawa kaya gumawa ako ng excuse para hindi muna kami magka sama-sama sa iisang lugar.
"Bibili muna kami ng pagkain ni Senri at pwede na kayong maunang pumasok, I heard may ipapagawa sa inyo si ma'am Mendoza."
Tiningnan ko sila ng just-follow-my-instructions-look kaya tumango naman sila at nag paalam samin.
"Let's go."
Pumunta kami sa counter at tumingin sa menu of the day. Well, yung usual lang naman ang oorderin ko kaya wala ring silbi kung tumingin man ako diyan o hindi.
" The usual po?"
Tumango ako at ngumiti sa kaniya. She's manang Cecelia, matagal na siya dito sa Academy bilang cashier.
"Ay mukang bago itong si pogi. Ano ang sayo?"
Nakatingin pa rin si Senri sa menu bago siya humarap kay manang Cecilia.
"Carbonara with garlic bread and a bottle of water."
Inilista niya yung order at iniabot sa lalaki na mag bibigay non sa amin. Hindi ito iseserve sa table namin kaya kami talaga ang kukuha nito dito, medyo maraming tao dito sa cafeteria and almost all of them are glancing at us.
"Ito na po."
Wala pang tatlong minuto ay nasa harapan na namin ang dalawang tray. Ang isa ay akin na naglalaman ng slice of red velvet cake, 2 slices of Hawaiian pizza at large French fries at tsaka tubig at ang sa kabila naman ay ang order ni Senri. Iniabot ko ang card ko para makapag bayad, tumatanggap dito ng credit card dahil karamihan sa mga estudyante rito ay hindi masyadong nag dadala ng cash.
"I'll pay."
Umiling ako kay Senri at iniaro sa kaniya ang credit card niya.
"Since this is your first day here, it's on me."
Aangal pa sana siya pero pinatahimik ko na siya gamit ang kamay ko at ibinalik na din sakin ang card. Nag pasalamat ako bago pumunta sa table na kakainan namin.
"Wala naman sigurong something sa kanila ni Queen Zyraine, no?"
"Ewan ko. Baka tinutulungan lang siya para makapag-adjust dito."
"Whatever, kahit naman maging sila bagay naman eh."
I decided to ignore their murmurs dahil magiging kahina-hinala kung magrereact ako samantalang nasa kabilang parte pa sila ng cafeteria. Naupo kami ni Senri at kumain ng tahimik which I don't mind.
BINABASA MO ANG
Mathson Academy
VampiriMathson Series #1 She tried her best to keep things at its place but then he came and ruin everything. Started:October 7,2015 Finished:July 16,2016 Highest Rank Achieved: #1 in Pureblood category #1 in Vampire Category Author : Mariethony
