"Tama na ang kakainom Sister!""Ngayon na nga lang ulit tayo nag inom tapos inaawat nyo pa ako." Paglalambing ko kay Jewel.
"Sister! Dadating pa sina Ate Pia tapos lasing ka na agad."
"Hindi pa naman ako lasing." Natatawang sabi ko.
"Mukhang nahuli na kami ah." Nilingon namin sina Ate Pia.
"Ate Pia buti naman naisama mo si Ate Rica." Sabi ko.
"I'm sorry girls, ngayon lang ulit ako nakasama sa inyo. Maglalasing tayo ngayon!" Sigaw ni Ate Rica na sinabayan namin.
Third person's POV
Makalipas lang ang ilang oras ay pare-pareho na silang mga lango sa alak.
"Rica, let's go." Inakay si Rica ng kanyang kasintahan para umuwi na.
"Girls, mauna na ako! Enjoy!" Sabi nito na hindi na makatayo pa ng diretso.
"Pia, tara na rin, lasing na lasing ka na!" Suway naman ni Alfie sa kapatid nito habang inaakay patayo. "Mga babae, tigilan nyo na 'yang pag inom ha? Matulog na kayo!" Baling ni Alfie kina Jewel at Janelle.
Naiwan sa sala ng condo ni Jewel silang dalawa ni Janelle.
"Ate! Ano na naman 'tong kalat mo?!" Galit na sigaw ni James sa Ate.
Tila nahimasmasan naman si Jewel sa narinig na boses.
"James? Kailan ka umuwi?" Tumayo ito at lumapit sa kapatid.
Bihira lang kasi nila ito makasama, nakatira kasi ito sa lolo at lola nila.
"Kanina lang, Ate naman, hapon pa lang lasing na kayo. Pinapauwi ka ni nanay." Sabi nito. "Hello po, Ate Janelle."
"Hello din James!" Kumaway lang na parang baliw si Janelle.
"Itetext ko si Kuya Jian para sunduin dito si Ate Janelle." Sabi ni James.
"Wag! Di kami bati ni Jian!" Akma syang lalapit kay James para pigilian 'to pero ayaw syang sundin ng katawan nya.
"Ewan." Tumalikod na si James at tinext ang kuya.
Maya-maya lang ay dumating na rin 'to.
"Kuya, ikaw na bahala kay Ate Janelle, uuwi kami ni Ate Jewel." Inalalayan na ni James si Jewel para lumabas.
"Janelle, Janelle." Pilit ginigising ni Jian si Janelle." Pasaway. Naglalasing tapos hindi naman kaya ang sarili. Bulong nito.
Binuhat nya ito palabas ng condo at pasakay sa sasakyan nya. Napagdesisyonan nyang iuwi na lang ito sa condo nya.
"Ano naman kayang naisipin nila at nag inom sila?"
Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa condo nya. Ibinaba nya 'to sa kama.
"Aray." Angal ni Janelle. Napasobra kasi ang pagbaba sa kanya ni Jian.
Janelle's POV
"Ang bigat-bigat mo kasi!"
Nilingon ko ng masama si Jian. Kahit nahihilo ay pinilit kong makaupo.
"Sino ba kasing may sabi sayo na buhatin mo ako?" Singhal ko sa kanya. Hindi lang sya ang may karapatan na magalit no!
"Edi sana pala iniwan at pinabayaan na lang kita doon!" Balik sigaw nya sa akin.
"Sana nga 'yun na lang ang ginawa mo! Doon ka naman magaling diba?"
Hindi ata maganda ang tama ng alak sa akin dahil nagiging malakas ang loob ko. Saglit syang napatitig sa akin bago lumapit.
"Dapat nga 'yun na lang ang ginawa ko." Tinalikuran na ako nito at lumabas ng kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/24847569-288-k925942.jpg)
BINABASA MO ANG
Million miles away (HOLD)
Teen Fiction"Pangarap ko ang ibigin ka at sa habang panahon, ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko ang ibigin ka." Mahahalintulad nga ang pag-ibig ni Janelle sa kanta ni Regine Velasquez na "Pangarap ko ang ibigin ka."...