Maria's Note:Hellooo~ :D Story po 'to ng isa sa mga anak nina Alex at Stan (My brutal Wife) Hindi nyo na po kailangang basahin ang story nila para maintindihan 'to, pero mas maganda kung babasahin nyo muna 'yun. Hehe. Inspiration ko po sa story na 'to ay yung mga korean series na Princess hours, taiwan series na It started with a kiss. Yun lang! Enjoy! :*
"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Bungad sa akin ni Jian pagbukas nya ng pinto ng condo nya.
"Binibisita kita." Masiglang sabi ko.
"Pwede ba? Every morning na lang, nakakasawa na." Bakit ganun? Kahit nagsusungit sya, ang gwapo nya pa rin.
"Babe, sino bisita ang mo?" Biglang may sumilip sa pinto, babaeng naka tapis lang ng tuwalya.
"It's nothing, get dress." Malambing na sabi ni Jian.
It's nothing?
"Sino yun?" Sabi ko.
"It's none of your business. Leave." Seryosong sabi nito.
"Nag uuwi ka na naman ng babae sa condo mo? Tabi dyan! Papauwiin ko sya!" Tinutulak ko sya kasi ang laking tao na nakaharang sa pinto eh.
"Stop it Janelle!" Naiiritang sigaw nito.
"Hoy babae! Lumabas ka dyan!" Sigaw ko.
Lumabas naman yung babae na naka damit na at nakapameywang pa.
"Are you talking to me?" Mataray na sabi nito.
"Why? Is there any other girl inside?" Pagtataray ko rin.
"You btch!" Akmang lalapitan ako nito pero hinarang sya ni Jian.
"Bitawan mo sya Jian! Magkaalaman na!" Tinaas ko pa ang dalawang manggas ng tshirt ko at umakto na manununtok.
"Pwede ba Janelle, umuwi ka na!" Sabi ni Jian.
"Ayoko! Hindi ako uuwi hangga't hindi umaalis yang babae na yan!" Sabi ko. Tuluyan na rin akong nakapasok sa condo nya.
"Janelle! Tatawag na talaga ako ng guard!" Pagbabanta sa akin ni Jian.
"Go babe! Call na!" Malanding sabi nung babae.
"Edi tumawag kayo!" Hahabulin ko na sana yung babae nang bigla akong kapitan ni Jian sa bewang ko. "Bitawan mo ko! Kakalbuhin ko yang babae na yan!" Pagpupumiglas ko.
"Babe, get out now! I'll follow you!" Sigaw ni Jian sa babae, dali-dali naman 'tong tumakbo palabas.
"Hoy! San ka pupunta? Bitawan mo ako Jian!" Sigaw ko. Kakalbuhin ko talaga sya!
"Tama na ok? Wala na sya!" Bigla ako nitong binagsak sa sofa.
"Aray ko naman!"
"Ang kulit kulit mo kasi!" Sabi nito at nagsuot ng coat.
"Uy teka, aalis ka?" Tumayo na ako.
"May lakad kami."
"Nino? Nung babae na 'yun? Teka nga, kakalbuhin ko talaga 'yun." Lalabas na sana ako ng bigla nyang hilain ang braso ko.
"Aray! Jian nakakasakit ka na ah!" Pagpupumiglas ko, binitawan nya naman ako. Napahawak na lang ako sa braso ko. "Isusumbong kita kay tita Alex." Sabi ko pa.
"Pasaway ka kasi. Let me see." Hinila nito ang braso ko. Magkalapit na kami.
Napakagat labi na lang ako ng maamoy ko sya. Nakakaadik talaga sya.
"Kukuha lang ako ng cold compress." Sabi nito at tumayo na.
Kinilig ako bigla. Sweet naman sya eh, kaso minsan nga lang kapag walang sumpong.
Maya-maya lang ay bumalik na 'to. Pinatong nya sa braso ko ang cold compress. Ang swerte ko kapag ito ang napangasawa ko. Hayy!
"Nagdeday dream ka na naman ba?" Sabi nito sabay pitik sa noo ko. Napasimangot na lang ako.
"Hindi no! Nga pala, girlfriend mo ba 'yung babae kanina?" Diretsong tanong ko habang nakatitig sa kanya.
Napatingin din sya sa akin pero agad din namang umiwas.
"No." Maiksing sagot nito.
"Eh bakit nandito sya? Bakit nakatowel lang sya? Anong ginawa nyo?" Sunod-sunod na tanong ko. Nakatitig lang ako sa kanya, samantalang sya naman ay nakatuon ang atensyon sa braso ko.
"Ang dami mo namang tanong. Ano ba ang ginagawa ng babae at lalaki kapag sila lang dalawa ang magkasama?" Masungit na tanong nito.
Napaisip ako. Ano nga ba? Teka, kaming dalawa lang magkasama? Babae? Lalaki?
"Nilagyan mo rin sya ng cold compress?" Tanong ko na dahilan ng pagtingin nya.
"Inosente." Pinitik na naman nya ang noo ko. Hindi nakaligtas sa mata ko ang palihim nyang pagngiti.
Ehhh~~
BINABASA MO ANG
Million miles away (HOLD)
Jugendliteratur"Pangarap ko ang ibigin ka at sa habang panahon, ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko ang ibigin ka." Mahahalintulad nga ang pag-ibig ni Janelle sa kanta ni Regine Velasquez na "Pangarap ko ang ibigin ka."...