Lutang ako na naglalakad papasok sa school. Sinabi ko na ngang mag momove on ako, pero lalo nya lang ako pinapahirapan.
"Sister!"
'Yung halik nya, nakakaadik. Ang lambot ng labi nya.
"Sister!"
Kailangan ko syang makausap, kailangan kong malaman kung bakit nya ako hinalikan.
"Sister!" Nagulat ako ng bigla akong hinarang ni Jewel.
"O? Anong nangyare sayo? Parang hingal na hingal ka?"
"Kanina pa ako sigaw ng sigaw, dire-diretso ka lang sa paglalakad." Reklamo nito habang pinupunasan ang pawis sa noo.
"Ay sorry! May iniisip lang kasi ako. Teka, anong ginagawa mo dito?" Sabay na kaming naglalakad.
"Si kuya Jian kasi hindi sinasagot ang cellphone nya kaya ako ang inutusan nila nanay na puntahan sya. Sa bahay ka mamaya mag dinner ah?" Sabi nya.
"Talaga? Sure! Namiss ko rin si nanay." Nakaka excite, matagal na rin na hindi ko sila nakikita.
"Kuya!" Sigaw ni Jewel at kumakaway-kaway pa. Lumapit naman sa amin si Jian.
Kinabahan ako bigla. Minsan kapag lalapit sa amin si Jian tuwang-tuwa ako, pero ngayon naiilang na ako.
Hinalikan ni Jian si Jewel sa noo. Gusto ko sanang magreklamo na ako rin.
Lumingon sa akin si Jian at biglang hinapit ang bewang ko at hinalikan ako sa pisngi. Nanlaki ang mata ko, bakit nya ginawa 'yun? Napayuko na lang ako sa hiya.
"Kyahh! Kayo na ba kuya?" Pangungulit ni Jewel sa kuya nya.
"Anong ginagawa mo dito Sweety?" Hindi sinagot ni Jian ang tanong ni Jewel.
"Change topic agad? Anyway, sa bahay daw tayo magdidinner mamaya, 7pm dapat nasa bahay na. Kuya sabay na lang kayo ni Sister mamaya, niyaya ko rin sya." Sabi ni Jewel, hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Yun lang ba?" Inip na tanong ni Jian.
"Meron pa pala, pakicheck naman ang cellphone mo kuya, tinatawagan ka ni nanay." Sabi ni Jewel at pinipisil pisil pa ang kamay ko.
"Naiwanan ko sa condo." Kahit kailan talaga, maiksi lang ang sinasabi nya. "Yun lang ba? Aalis na ako. May klase pa ako." Yun lang at umalis na sya ng tuluyan.
"Sister-in-law! Kayo na ba ni kuya?" Nagtitiling sabi ni Jewel.
Hinatak ko sya sa bench at naupo.
"Hindi no! Alam mo bang napagdesisyunan ko na ngang mag move on, sinabi ko 'yun sa kuya mo. Kaso ayun nga, nung saturday night, bigla nya akong hinalikan." Nakayukong sabi ko.
"Omg! Hindi na pala ako updated sa love story nyo. Pero bakit ka nya hahalikan? Ang alam natin wala syang gusto sayo diba?" Pati si Jewel napapaisip na rin ng malalim.
"Oo, tama ka. Sinabi nya pa kay troy na 'She's mine.' Nung hinila nya ako." Dagdag ko.
"Lah! Baka naman inlove na si Kuya sayo." Napapangiti na ng wagas si Jewel.
"Anong gagawin ko?"
"Pahirapan mo si kuya, maging cold ka. Hangga't maaari, 'wag mo syang kakausapin. Pero kapag pansin mong medyo nagagalit na, suyuin mo na, alam mo naman 'yun, mana kay nanay kapag nagalit."
"Salamat Jewel." Niyakap ko sya.
"You're welcome sister-in-law."
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi ni Jewel. Kung normal lang sana ang mga nakaraang araw ay kikiligin na ako ng bongga ngayon, kaso hindi.
Natapos ang dalawang subject ko at may vacant pa akong 2 hours. Nagpunta muna ako sa canteen para bumili ng makakakain at dumiretso sa basketball court. Sinabihan kasi ako ni Troy na kakausapin nya ako pagkatapos ng practice nila, pumayag na rin ako para hindi ako naguguluhan sa inasal nya nung saturday night.
Hindi naman masyadong marami ang nanunuod ng practice nila dahil may klase pa ang ibang student. Naupo ako sa bandang baba, katabi ng bench nila. Sinimulan ko ng kumain.
Muntik na akong masamid ng makita ko si Jian na pawis na pawis na sa kalalaro. Bakit ba hindi ko kaagad naisip na pwede ko syang makita dito? Dapat pala hindi na lang ako pumayag na dito kami mag-usap ni Troy.
"30 minutes break!" Sigaw nung coach nila.
"Janelle!" Umalingawngaw sa loob ng court ang sigaw ni troy. Nakakainis naman 'tong lalaki na 'to! Napalingon tuloy sa akin lahat ng kateam nya.
"O Jian! Nandyan na ang masugid mong manliligaw." Narinig kong sigaw nung chinito nyang kateam. Kilala ko 'to eh.
"Hoy gusto mong dukutin ko yang mata mo?!" Gigil na bulong ko sa kanya nung medyo malapit na sya sa akin.
"Joke lang! Ikaw naman hindi na mabiro." Tinawanan pa ako.
"Janelle, kanina ka pa ba dito?" Tumabi na sa akin si Troy.
"Medyo. A-Ano. Troy, pwedeng sa labas na lang tayo mag usap?" Nahihiyang sabi ko.
"Sus! Gusto mo lang solohin si troy eh!" Napalingon na naman ako sa chinito nilang kateam.
"Hindi ka titigil singkit ka?!" Nakakainis talaga 'to!
"Ikaw naman Janelle, amin na!" Pang aasar pa nito.
"Shut up Vince." Biglang sabi ni Jian. "Let's go Janelle." Dagdag pa nito.
Napatingin kaming lahat sa kanya. Ano na ang gagawin ko?
"Mag uusap pa kami Jian." Sabi ni troy.
"Ang alam ko wala na kayong dapat pang pag usapan. Tama ba Janelle?" Nakakatakot yung tingin ni Jian.
Naalala ko yung sinabi ni Jewel, dapat maging cold ako.
"May pag uusapan pa kami Jian." Lakas loob na sabi ko.
Mukhang nakahalata naman yung iba nilang kateam dahil nagsialisan. Tatlo na lang kaming naiwan.
"Janelle." May pagbabanta na sa tono ng pananalita ni Jian.
Inhale. Exhale.
"Mag uusap pa nga kami tol." Sabat ni Troy.
"I'm not talking to you troy. Shut up." Mariing sabi nito. "You won't like it when I get mad Janelle." Tinignan na ako nito ng masama.
Naiinis na tumayo ako sa inuupuan ko.
"Bye troy." Dire-diretso na akong naglakad palabas ng court.
Ayoko namang may gawin syang masama kay Troy. Nakakainis talaga!
"Janelle!" Nilingon ko si Jian.
"Bakit ba?" Naiirita na sagot ko.
"Akala ko ba nagkakaintindihan tayo na hindi mo kakausapin si Troy?" Sabi nito habang nagpupunas ng pawis.
"Bakit ba kita susundin? Ha? Ano ba kita?" Sigaw ko.
Mukhang natigilan naman sya.
"Sundin mo na lang ako kung ayaw mo ng gulo Janelle." Mariing sabi nito.
Sumimangot na lang ako.
"Ihahatid kita mamaya. 2:30 pm ang out ko." Sabi nito.
"May meeting pa kami mamaya sa room ng mga ka-group ko." Napakunot naman ang noo nya.
"Hihintayin kita."
"Bahala ka. Matagal kami." Iniwanan ko na sya.
Nakakainis kasi kahit na anong inis at galit ko sa kanya ay mahal ko pa rin sya. Oo, mahal ko pa rin sya. Hindi naman madali ang mag move on, lalo na't lagi ko syang nakikita.

BINABASA MO ANG
Million miles away (HOLD)
Teen Fiction"Pangarap ko ang ibigin ka at sa habang panahon, ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko ang ibigin ka." Mahahalintulad nga ang pag-ibig ni Janelle sa kanta ni Regine Velasquez na "Pangarap ko ang ibigin ka."...