26

187 6 1
                                        


“Did you remember our Ninong Jackson? Meron syang furniture shop. We’ll go there.” Sabi ni Jian habang nagdadrive.

I agreed on his suggestion, minsan ko na ring pinuntahan ang mga restaurant namin at talagang namangha ako sa mga design, ang sabi sa akin ng manager na nakausap ay talagang lahat ng furniture ay dumadaan kay Jian.

“Sabihin mo kaagad sa akin kapag hindi naibalik ang pera mo bukas, we’ll sue them.” Diretso lang ang tingin nito sa kalsada pero ramdam ang gigil sa mga sinabi.

“Masyado ka namang malupit kay Kuya, hindi naman masyadong Malaki ‘yung nailabas ko na pera kaya ayos lang kahit hindi maibalik bukas.” Mahina kong sinabi.

“No, Janelle. Kailangan nilang tumupad sa usapan, sinayang nila ‘yung araw natin ngayon.”

Hindi na ako nagsalita pa, halata na kasi na nagsisimula na syang mainis. Ayokong makipagsagutan sa kanya lalo na’t nagd-drive sya.

Huminto kami sa isang malaking building, mukhang mamahalin ata ang gamit dito baka hindi magkasya ang usapang budget namin ni Eliza.

“Jian, glad to see you here.” May lumapit sa amin na babae. Tingin ko ay hindi sya nalalayo sa edad namin.

“Sally, this is my wife. Janelle, this is Sally.” Hinawakan ni Jian ang siko ko para pumantay sa kanya.

Muntik na akong mapangiti noong sinabi nya na ‘wife’, mabuti na lang ay napigilan ko ang sarili ko. Tinitigan ko si Sally nang mapansin na nag-iba ang timpla ng mukha nya. Kung kanina ay nakangiti sya, ngayon naman ay bahagyang nakasimangot na.

“Hi, nice to meet you.” Inilahad ko sa kanya ang kamay ko, then I smile.

“Nice to meet you too.”

Napataas ako ng kilay sa tono nang boses nya, parang hindi sya natutuwa na makipagkamay sa akin pero hindi ko nalang masyadong pinansin dahil baka ganun talaga sya.

“What brings you here, Jian? Do you need something for your restaurant or hotel?” Bumaling ito kay Jian.

“My wife need furniture for her bake shop.” Sabi ni Jian na lumilingon sa paligid. Hindi ako nakasabay sa paglalakad nila dahil nagagandahan ako sa mga furniture at hindi ko maiwanan kaagad.

“Oh really? Then you’re in the right place. We have here some..”

Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Sally dahil lumayo sila sa akin. Napakunot noo ako nang makita ang kamay ni Sally na nakaangla sa braso ni Jian. ‘Yung totoo? Ako ang nangangailangan pero sila ang magkasama?

Sa kilos pa lang ni Sally, halata na may gusto sya kay Jian at ito namang magaling na lalaki ay parang tuwang-tuwa pa sa nakakapit sa braso nya, hindi manlang tanggalin.

Sa inis ko ay hindi ako sumunod sa kanila, sa ibang direksyon ako pumunta. Ang daming magaganda pero dapat ay ‘yung tutugma sa kulay ng shop at hindi masyadong kakain ng space para marami kaming mailagay na table and chair. Bukod sa pagbabake ay napagdesisyon rin namin maglagay ng space para sa mga gustong kumain.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagtawag ni Jian. “Janelle.”

“Nandito ako.” Sagot ko na hindi lumilingon.

“What are you doing here?” Hinawakan nyang muli ang siko ko pero nagpumiglas ako.

“Ano sa tingin mo?” Balik tanong ko. Narinig ko ang malalim nya na paghinga.

“Come here. Marami kang magugustuhan sa kabilang side.” Kamay ko na ngayon ang hinawakan nya pero winaksi ko lang ulit.

Tinignan ko sya ng masama bago iwan. Nakita ko si Sally na malaki ang ngiti habang kumakaway.

Million miles away (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon