Hindi mawala ang kaba ko habang nasa tapat ng bahay na dati kong tinirahan. Pinagalitan pa ako ni papa ng sabihin ko na wala akong balak magpakita sa kanila. Sabi ni papa ay hindi nya ako papayagan dalawin si Mama hangga't hindi ako nagpapakita sa mga Martin.
Nagulat ako ng biglang may nagbukas ng gate. "Janelle?" Magulong buhok ni Jewel ang sumalubong sa akin. Kaagad ko syang niyakap.
"Omg! Omg! Ikaw nga! Saan ka ba nagtago?" Hysterical na sigaw nya habang magkayakap kami.
"I'm sorry, Jewel." Yun lang ang naisagot ko. Hinila nya ako papasok sa loob.
Nanlaki ang mata ni Nanay at Tatay ng makita ako. Nahiya pa ako dahil baka galit sila sa ginawa ko.
"Janelle." Tinawag ako ni Nanay. Seryoso ang mukha nya at natatakot ako na baka pagalitan nya ako. Tinulak ako ni Jewel, tinignan ko sya ng masama.
"Nay, s-sorry po sa pag-alis ko. H-Hindi ko na po kasi alam ang gaga--" Hindi ko na natapos ang mga dapat kong sabihin dahil bigla akong niyakap ni Nanay, nagulat ako.
"Anak, namiss kita ng sobra. Sorry sa ginawa ng anak ko sayo." Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto na umiiyak si Nanay habang yakap ako. "H-Halos itakwil ko na si Jian kapag umuuwi sya dito ng hindi ka kasama."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya napaiyak na lang ako.
"Tama na ang iyakan." Natatawang sabi ni Tatay kaya niyakap ko rin sya. "Tahan na, Janelle."
Inaya nila akong maupo sa sala para makapag usap kami ng maayos.
"Janelle, anong ginawa mo sa sarili mo? You loved your long hair, diba? Bakit ka nagpagupit?" Hinawakan ni Jewel ang buhok ko na hanggang kili-kili na lang at medyo dark red ang kulay.
"Napagtripan ng kasama ko sa Korea na si Eliza. Sya ang nag gupit at nagkulay sa akin. Maganda naman diba?" Nginitian ko sya pero sinimangutan nya lang ako.
"Janelle, nagkita na ba kayo ni Jian?" Nawala ang ngiti ko ng tanungin ako ni tatay.
"O-Opo, noong bumisita ako kay Mama. Hindi pa po kami nakakapag-usap."
"Do you want me to set a date and place?" Hinawakan ni Nanay ang kamay ko.
"H-Hindi ko po alam kung kaya ko." Napayuko ako.
"Alam kong malaki ang kasalanan ng anak ko sayo, pero sana mapatawad mo sya." Tumango na lang ako sa sinabi ni Nanay.
"Nay!"
Nanigas ang likod ko ng marinig ko ang boses nya. Hindi pa nga ako handa, diba? Tsk! Tadhana naman!
"Nandito kami, kuya!" Balik sigaw ni Jewel at ngumiti pa 'to ng pang asar.
"What're you guys doing here?" Narinig kong tanong nya, nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko sya kaagad nakita.
"Look who's here!" Itinuro ako ni Jewel.
"J-Janelle."
Hindi ko magawang iangat ang ulo ko. Sari-sari ang nararamdaman ko, hindi ko maexplain.
"Tara babe. Magluluto ako, tulungan nyo ako." Sabi ni Nanay na hinihila si Tatay.
"I want to stay here." Diretsong sabi ni Jewel. Kung hindi lang awkward ang sitwasyon, tatawa sana ako.
"Jewel, I have your sapin-sapin in my car. Get it." Mariing turan ni Jian sa kapatid. Nagmamaktol na umalis si Jewel. Pumalit si Jian kaya kaharap ko na sya.
"Janelle." Hindi ko sya nilingon. "Can you look at me?"
"Ayoko."
Bahagya syang natawa. "Matigas pa rin pala ang ulo mo?" Tinignan ko sya ng masama.
"It's nice to see you again." Totoo ba 'to? Kitang-kita ko ang lungkot sa mata nya.
Wala akong masabi.
"Gusto kong magpaliwanag pero I don't know where to start." Ngumiti sya ng alanganin sabay hawak sa batok.
"Hindi mo manlang ako tinanong kung gusto ko bang marinig ang paliwanag mo?" Halos mapapalakpak ako ng hindi ako nautal. Nabigla sya.
"Please, Janelle. Hear me, first." Hinawakan nya ang kamay ko. Bigla akong kinabahan.
"Dang-shin ttae-mu-ne ga-seu-mi sel-le-you. (You make my heart flatter.) " Napangiti ako. "A-na-do dwae? (May I hug you?) " Sa totoo lang, miss ko na talaga sya.
Napakunot noo naman sya. "H-Hindi kita maintindihan."
"Kamusta ang anak nyo ni Katarina?" Pag-iiba ko sa usapan.
"H-Hindi--"
"May gusto lang akong malaman." I take a deep breath. "Noong gabi na nakita ko kayo ni Katarins, sya ba ang dahilan kaya ka lagi late umuwi?" Naalala ko kasi noon na hindi sya sumagot.
"Kasi may kail--" Pinutol ko ang dapat nyang sasabihin.
"Oo o hindi, Jian. Mahirap ba 'yun?"
"O-Oo, ka--"
"Yun lang ang gusto kong malaman." Akma na akong tatayo ng hilain nya ang kamay ko kaya napabalik ako sa upuan.
"HINDI MO BA AKO PATATAPUSIN MAGSALITA?" Nabigla ako sa pagsigaw nya.
"H-Hindi mo kailangan s-sumigaw." Sht! Hindi ko akalain na maaapektuhan nya pa rin ako.
Napasabunot sya sa buhok nya sabay mura ng malutong.
"I'm sorry sa nagawa ko sayo noon, pinagsisisihan ko 'yun, Janelle. Believe me. Nadala lang ako." Paliwanag nya.
"Dahil ba sinaktan ko ang mag ina mo?" Hindi ko maiwasang hindi magalit tuwing naaalala ko ang nangyari.
"No! For the record, hindi ko anak ang pinagbubuntis ni Katarina."
Napakunot noo ako sa sinabi nya. Hindi nya anak 'yun?
"E-Eh anong ginagawa nya sa office mo gabi-gabi?"
"She need my help. Lagi silang nag aaway ng boyfriend nya." Kitang-kita ko sa mata nya ang pagod.
"Bakit nakapatong sya sayo?" I sound bitter, I know.
"S-She tried to seduce me." Naglikot ang mata nya, halatang iniiwasan ang titig ko.
"Na-seduce ka naman? Kasi nagpahalik ka?"
"No! I didn't kissed her back!" He sounded so defensive.
"Mahal kita pero hindi ako tanga para maniwala!" Halos sampalin ko ang sarili kong bunganga sa sobrang daldal.
Napangiti naman sya. "Hindi ka pa rin pala nagbabago."
"Oo, hindi pa rin ako nagbabago. Ako pa rin 'yung dati na sinabihan mo ng childish." Yun ang tumatak sa isip ko noong inaway ko si Katarina.
"I-I'm sorry."
"Sorry na lang, Jian?" Hindi naman ako nag eexpect ng kahit ano.
"Alam ko na hindi sapat ang sorry. Babawi ako, I'll court you, if you want to." Determinado ka ha. Tignan natin.
"Gusto ko ng divorce."
Nanlaki ang mata nya at halos hindi makapag salita.
BINABASA MO ANG
Million miles away (HOLD)
Teen Fiction"Pangarap ko ang ibigin ka at sa habang panahon, ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko ang ibigin ka." Mahahalintulad nga ang pag-ibig ni Janelle sa kanta ni Regine Velasquez na "Pangarap ko ang ibigin ka."...