"Hindi ka pumasok sa unang subject? Anyare?" Bungad sa akin ni Sarah.
"Galing ako kay Baldo." Matamlay na sagot ko.
"O? Anyare sayo te? Ang lungkot mo ata?"
"Break na kami ni Jian." Naluluha na naman ako.
"Ano 'yun? Joke? Never namang naging kayo teh!" Tinignan ko lang sya ng masama.
"Ayoko na sa kanya teh." Sabi ko.
"BAR TAYONG LAHAT SA SATURDAY! SAGOT KO ANG DRINKS!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Sarah. Hinila ko kaagad sya paupo. Sunod-sunod na hiyawan na ang narinig ko.
"Ano 'yun?"
"Kasi teh, sa wakas nagising ka na rin! 4 years kang nabaliw sa kanya!" Sabi nito sa akin.
4 years ko na rin syang kinukulit, pero laging negtive eh. 4 years ng buhay ko, ginugol ko sa kanya. Simula pa lang ng makapasok ako dito sa school na ito ay sa kanya kaagad ako nagkagusto, lahat ng umaligid sa kanyang babae ay inaaway ko para lang lumayo sa kanya. Naging malapit ako sa nanay nya at bunsong kapatid na babae, akala ko kasi na sa ganoong paraan ay magiging close kami, pero hindi dahil lalo lang syang nagalit sa akin. Magkakilala na rin naman ang magulang namin dahil business partner sila. Siguro tama na rin 'yung 4 na taong nasayang ko.
"Oo sarah, ayoko na. Tama na." Sabi ko.
"That's my girl." Niyakap nya ako ng napaka higpit.
Natapos ang klase na lutang ako, wala akong naintindihan buong klase. Pauwi na kami ni Sarah, napagdesisyunan naming mag mall muna.
"Ayun na si Jian! Tara sundan natin!"
"Tara!" Gusto ko sanang lingunin yung pupuntahan ng mga babae, kaso pinigilan ko ang sarili ko, kailangan kong mag move on.
"Janelle!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Troy, kasama nya sina Jian.
"B-Bakit?" Tumigil kami sa paglalakad ni Sarah.
"A-Ano.. Itatanong ko lang sana kung free ka sa saturday." Nahihiyang sabi nito, napapakamot pa sya sa ulo nya.
"Wooh~"
"Date sabihin mo!" Halo-halong tukso sa kanya ng mga kaklase nya.
Nilingon ko si Sarah, tumango sya sa akin. Minsan kasi kapag may nagyayaya sa aking lalaki ay tinatanggihan ko dahil loyal ako kay Jian.
"Ahmm- Sama ka na lang sa amin sa saturday, magbabar kasi kami." Sabi ko, saglit akong napalingon kay Jian, hindi nakaiwas sa mata ko ang pagkakunot ng kilay nya, pero saglit lang 'yun dahil napatingin din sya sa akin.
"Wow! Marami ba kayo? Pwede rin ba akong magsama?" Sabi ni Troy.
"Oo naman!" Si sarah na ang sumagot.
"Cool, so paano? Kita-kita na lang tayo sa saturday. Bye Janelle, bye sarah." Kumaway na lang ako kay Troy habang naglalakad na sila palayo.
"Mukhang mabait na lalaki si troy, and I can see na may gusto sya sayo." Sabi bigla ni Sarah habang naglalakad kami palayo.
"Mabait naman talaga si Troy, pero hindi ko sya gusto." Malungkot na sabi ko. Kung pwede sana turuan ang puso na iba na lang ang ibigin, kaso hindi eh.
"I'm so proud of you Janelle, nagawa mong hindi pansinin kanina si Jian, nagawa mo ring pumayag sa alok ng lalaki." Nginitian ako ni Sarah. Ngumiti na rin ako ng pilit.
Mabilis dumaan ang araw, kinaya kong baguhin ang kinasanayan kong gawain kada araw. Hindi na ako dumadaan sa classroom nya, umiiwas din ako sa tuwing magkakasalubong kami sa daanan. Kahit mahirap ay pinipilit kong kayanin.
Dumating na ang araw na kinakasabikan ng lahat ng kaklase namin, ang saturday night. Natapos na rin akong mag ayos sa sarili ko. Simpleng tube na fitted black dress na knee high at black heels ang suot ko, habang ang buhok naman ay naka braid at nakalagay sa kaliwang balikat ko para matakpan ang tattoo ko. Sexy naman ako kahit papaano.
"O anak! Nandito na ang sundo mo, ang aga ah." Sabi ni yaya.
Si Sarah talaga, masyadong excited.
"Opo, bababa na po ako." Kaagad na akong bumaba dahil baka sermunan pa ako ni Sarah. Kaso nagkamali ako ng bongga.
Hindi si Sarah ang sundo ko.

BINABASA MO ANG
Million miles away (HOLD)
Novela Juvenil"Pangarap ko ang ibigin ka at sa habang panahon, ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko ang ibigin ka." Mahahalintulad nga ang pag-ibig ni Janelle sa kanta ni Regine Velasquez na "Pangarap ko ang ibigin ka."...