17

387 14 0
                                    

"Matutulog na ako James dahil talagang antok na ako." Sabi ko habang nahihikab.

"Sige po ate, ako rin eh. Good morning po."

Umakyat na ako ng kwarto, sumilip muna ako sa wall clock, 4:30am na pala. Napasarap kasi 'yung panunuod namin ng movie, talagang magkasundo kami ng bata na 'yun.

Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makahiga ako sa kama.

"Talagang nagpuyat kayo ah." Nagulat ako ng magsalita si Jian.

"Gising ka pa pala."

"Obviously." Pagsusungit nito.

"Magaganda kasi 'yung mga movie ni James." Hindi ko na kaya! Pipikit na talaga mata ko.

Pasimple akong yumakap kay Jian. Chancing muna!

"Bakit ka nangyayakap?" Tanong nito.

"Bakit masama ba? Asawa naman kita ah." Natawa ako ng mahina.

"Asawa mo ba ako? Parang hindi kasi." Sabi nito. Bigla nyang inalis ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya at biglang tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tumayo ako para sundan sya. "Jian." Tawag ko dito ng pumunta sya sa kusina.

"Matulog ka na Janelle." Sabi nya.

"Galit ka ba?" Hinarangan ko sya ng akmang aalis na naman sya.

Tinignan nya lang ako ng seryoso.

"May asawa ka, pero parang wala naman. I have plan for our vacation, pero pinacancel ko dahil dyan sa movie marathon nyo. Do you think galit ako?" Nakapameywang na sabi nya.

Napangiti ako ng wagas. Ibigsabihin..

"Nagseselos ka?" Tanong ko.

Parang nagulat naman sya sa tanong ko at nagpupumilit na makadaan.

"B-Bakit naman ako magseselos? Tabi nga dyan!"

"Umamin ka muna." Pangungulit ko.

"Tabi!" Sigaw nya pero nginitian ko lang sya.

"Sorry na Jian. Tara! Magbakasyon na tayo."

"I already cancelled it, okay?" Sabi nito sabay tulak sa akin.

At dahil sa lampa ako ay natapilok ako.

"Ouch~" Mahinang usal ko habang nakaupo sa lapag.

"Okay ka lang?" Sabi ni Jian, nagulat ako dahil nasa tabi ko na pala sya.

"Itutulak mo ako tapos tatanungin mo kung okay lang ako?!" Sarkastikong sabi ko.

"Ang lampa kasi." Bulong nito habang inaalalayan akong makaupo.

"Alam ko!" Hinawi ko ang kamay nya at pinilit na makalakad kahit paika-ika.

"Saan ka pupunta?"

"Secret!" Sigaw ko.

Sya na nga kasi sinusuyo tapos nang aaway pa. Ang sakit tuloy ng paa ko. Nakakainis!

"Ay!" Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Jian. "Ibaba mo ako! Galit ako sayo!"

"Gusto mo ibagsak kita dito?" Panghahamon nya.

"Sige! Gawin mo! Dyan ka naman magaling." Binulong ko yung huling salita.

Akma ako nitong ibababa kaya napatili ako.

"I really really hate you Jian!" Tili ko sa kanya.

"Stop shouting baka magising sina nanay." Saway nito sa akin.

Million miles away (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon