6

403 12 3
                                        

"Teka! Aray!" Reklamo ko. Kasi naman kung makahila 'tong si Jian! Bigla nyang binitawan ang kamay ko.

"Katulad ba ni troy ang mga type mo?" Gigil na sabi nito.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?"

"Dapat pala hindi na kita hinila kanina sa kanya, tuwang tuwa ka siguro na mahahalikan mo sya! Baka nga sa iba pa mapunta ang halikan nyo eh, 'yun ba ang gusto mo? Malandi ka rin--"

PAK!!! Hindi ko na pinatapos ang dapat nyang sabihin dahil ako na ang pumutol nun sa pamamagitan ng isang sampal.

"Una sa lahat, hindi ako natutuwa sa inasal kanina ni Troy, sa paghila mo sa akin kanina? Salamat! Hindi ako katulad ng ibang babae na basta na lang sasama sa iba, pangalawa, hindi ako malandi!" Sigaw ko. "Hindi mo na namang kailangang gawin 'yun kung pagsasabihan mo lang ako ng masasama." Tumulo na ang luha ko.

"Ayoko na sayo! Hindi na kita mahal! Tama na yung 4 na taon na pagkabaliw ko sayo! Nauntog na ako! Mahalin mo na kahit sino pa ang gusto mo, wala na akong pakialam sayo! I hate you to the highest level!" Tuloy-tuloy na sabi ko. Tama!

"At itong tattoo--" Marahas na hinawi ko ang buhok ko para makita nya ang tattoo ko. "Buburahin ko na 'to! Titiisin ko kahit masakit makalimutan at  mabura lang 'to!" Buong lakas na sabi ko.

Tuloy lang sa pagluha ang mata ko habang nakayuko.

He suddenly cupped my face and wipe my tears away.

"You can't just forget me easily." Lalo akong naiyak sa sinabi nya. Tama sya.

"Bakit mo ba ako pinapahirapan pa Jian? Minsan ang bait mo sa akin, minsan naman ang sama-sama mo!" Sigaw ko sa sobrang inis. Winaksi ko ang kamay nya.

"It's because you're so annoying." Tinignan ko sya ng masama.

"Ayoko na. Nagsisimula na akong mag move on Jian, iiwasan na kita, hindi mo na ako makikita." Kakausapin ko si mama na ilipat na lang ako ng school.

"You can't Janelle, you can't." Seryosong-seryoso na ang mukha nya.

"Kaya ko!"

Again, he cupped my face and I'm surprise when he kiss me on my lips! Parang tumigil ang paligid. Ang lambot ng labi nya, ngayon nya lang kasi ako hinalikan.

Gusto ko sanang magreklamo ng lumayo sya.

"Now, I'm pretty sure that you can't move on. And don't you dare erase that tattoo." Hinawakan pa nya ang tattoo ko. He smirk and leave.

Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. Bakit nya ako hinalikan? Balak nya ba akong paglaruan? Parang sumakit ang dibdib ko doon.

"Hihintayin kita sa parking lot, uuwi na tayo." Sabi ni Jian habang naglalakad.

Sumasakit talaga ang ulo ko kapag iniisip ko ang dahilan kung bakit nya ako hinalikan.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa bahay. Pinagbukas nya ako ng sasakyan.

"Salamat." Nilagpasan ko sya at papasok na sana sa gate ng bigla nya akong tinawag.

Dahan-dahan syang naglakad papalapit sa akin. Tumigil sya nung nasa tapat ko na sya.

"'Wag ka ng lalapit pa ulit kay troy, naiintindihan mo? Kapag nakita kitang kasama sya, tatamaan kayong dalawa sa akin. Alam mo kung paano ako magalit Janelle, maliwanag?" Seryosong sabi nya sa akin.

Tapatango na lang ako.

Naalala ko noon ng minsan na dumalaw ako sa bahay nila, kaibigan ko kasi ang bunsong kapatod nya na si Jewel. Nalaman ni Jian na may nanliligaw kay Jewel at hindi nya ito sinabi sa kanila. Sinugod ni Jian ang nanliligaw kay Jewel at pinagsusuntok 'yun, galit na galit sya nun, nakakatakot! Wala daw lakas ng loob na magpakita sa kanila 'yung lalaki. Simula noon ay wala ng nanligaw pa kay Jewel.

"Mabuti kung ganun." Ginulo nya pa ang buhok ko. "Good night." Bigla nya na namang akong hinalikan, pero mabilis lang. Kaasar!

"Pumasok ka na." Sabi nya ulit.

Habang naglalakad ako papasok sa bahay ay nakahawak pa rin ako sa labi ko. Ano ba ang ginagawa sa akin ni Jian?

Million miles away (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon