31

351 7 9
                                    

Hindi pa rin mawala sa isip ko na nagkakausap si Katarina at Jian. Hanggang sa inihatid nya na ay hindi ko pa rin sya pinansin. Alam nya na nasira ang relasyon namin dahil sa babae na 'yun pero nagawa nya pa rin na magtago sa akin, gaano ba kahalaga sa kanya si Katarina?

Kinaumagahan ay nakita ko sa cellphone ko na nakaraming missed calls sa akin si Jian. Kahit na maabutan ko ang tawag nya ay wala akong balak na sagutin 'yun. Naagaw ang atensyon ko ng makatanggap ng bagong mensahe galing sa kanya.

From: Jian

Magkita tayo mamaya. Pupuntahan natin 'yung architect na magrerenovate ng bahay.

Hindi ko sya nireplyan. Madalian akong kumilos para matulungan ko sila Lalaine, tuwing umaga kasi ay maraming tao.

Pagdating ko sya shop ay para bang namalik mata ako. Noong nilingon nya ako at ngitian, nakumpirma ko na tama nga ako ng nakita. Kaagad ko syang niyakap.

"Jong hyun! Neo yeogiseo mwohago issni?" (What are you doing here?)

"Neoleul mannaleo wass-eo!" (I came here to visit you.)

Inaya ko sya na maupo para makapagkwentuhan kami ng maayos. Isa si Jong Hyun sa mga naging close ko sa Korea.

"Eonje dochag haessni?" (When did you arrive?) Inutusan ko sina Lalaine na dalahan kami ng maiinom.

"Eoje. geulaeseo, yeogiseo dangsin-ui sa-eob-eun eotteohseubnikka?" (Yesterday. So, how's your business here?)

"Yeotaekkajineun geuleondaelo jaldwaessda. Eolmana olae yeogi meomuleul gyehoeg ini? (So far so good. How long are you planning to stay in here?) May business din kasi sya sa South Korea kaya alam ko na hindi rin sya magtatagal dito.

"Sam il. Geugeon geuleohgo ellijaneun eodiiss-eo?" (Three days. By the way, where's Eliza?) Lumingon lingon pa sya sa paligid.

"Geunyeoneun jigeum jib-eissda. Ellijaneun ohu 1si ihue olgeoya." (She's in there house right now. Eliza will be here after 1PM.)

Kung ano-ano pa ang pinag-usapan namin pero napuputol din kapag dumadami ang customer. Kagaya ng sa south Korea, tumutulong rin sya sa amin. Hanggang sa hindi ko namalayan na lunch na pala, mabuti na lang at dumating na si Eliza.

"Jong Hyun, Naneun neoleul geuliwohaessda!" (Jong hyun, I missed you!) Sinalubong din sya ng yakap ni Eliza.

"Eliza, kumain ka na ba? Mag Korean restaurant tayo ngayon." Anyaya ko dito.

"Sakto hindi pa. Let's go."

Akma palabas na sana kami ng shop nang biglang pumasok si Jian. Nakasimangot ang mukha nito na sinuri ang paligid at tumigil ang mata sa akin.

"Hi, Jian."

Ngiti ang pinalit nya sa bati ni Eliza.

"Natanggap mo ba message ko?" Tanong nito sa akin.

"Mauuna na ba kami?" Bumulong sa akin si Eliza at akmang aalis.

"Museun il-iya?" (What's happening?) Tanong ni Jong Hyun.

"Amugeosdo. Ellijaleul ttalawa. naneun geuege malhal geos-ida." (Nothing. Just follow Eliza. I'll just talk to him.) Sinenyasan ko na rin si Eliza.

"Gaja." (Let's go.) Tumango lang ako kay Eliza.

"Hindi ako pwede ngayon. Dumating 'yung kaibigan namin galing Korea, kakain kami sa labas." Sabi ko nang hindi sya magsalita.

"Can you reschedule your lunch with your friend? Hindi ba pwede na dinner na lang kayo kumain?" Tanong nito na simula kanina ay hindi na nawala ang kunot sa noo.

"Hindi pwede. Uuwi na sya bukas." Pagdadahilan ko.

"Ngayon lang free si Architect Molina, mabuti nga at naisingit nya tayo sa schedule nya."

"Edi ikaw na lang ang makipagkita sa kanya o kaya isama mo si Katarina." Inirapan ko sya.

"Hanggang ngayon ba naman Janelle? Sinabi ko na sayo na tungkol na lang sa business kaya kami nagkikita." Hinawakan nya ang kamay ko pero kaagad ko rin binawi.

"Mahilig ka naman mag desisyon nang hindi sinasabi o hinihingi ang opinyon ko diba? Bakit hindi na lang ikaw ang makipagkita?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses. Mabuti na lang at wala masyadong tao.

"Tapos magagalit ka? Ang gulo mo!"

Naputol ang pag-uusap namin nang magsalita si Natalie. "Sir, I'm trying to contact you. Pero hindi ko po kayo mareach kaya dumiretso na lang ako dito. Miss Katarina's looking for you, sabay daw po kayong mag lunch."

Lalong nag init ang ulo ko sa narinig.

"Great timing, Natalie. Sabihin mo sa kanya na hindi ako sasama."

Nagtaka pa ang sekretarya nya. "Noted, Sir." Sabi nito at umalis na.

"'Yun naman pala. Sige na, sumabay ka na kay Katarina." Aalis na sana ako nang hilain nya ang braso ko.

"That's business lunch, hindi lang kami magkasama. Can't you see na tinanggihan ko nga ang anyaya nya?" Halata na sa mukha nya na nauubos na ang pasensya nya. Kilala ko si Jian, any minute from now ay alam ko na susuko na sya at mag wawalk out.

"'Wag ako, Jian. Who knows, baka ngayon mo lang sya tinaggihan dahil kaharap mo ako." Tinaasan ko sya ng kilay.

Huminga sya ng malalim. "Look, Janelle. Alam ko na hindi buo ang tiwala mo sa akin—"

"Buti alam mo."

"Akala ko ba aayusin natin 'to?" He sound so frustrated.

"'Yun din ang akala ko. Pero noong nalaman ko na nakikipagkita ka pa pala kay Katarina, parang gusto ko nang bawiin 'yung sinabi ko."

"You're so difficult, Janelle. Ilang beses ko bang ipapaliwanag sayo na tungkol lang 'yun sa business?" Humakbang sya papalapit.

Ramdam ko na kaunti na lang ay magwawalk out na sya.

"Kahit ilang beses ay hindi ko maiintindihan."

Napapikit na sya at dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak sa akin. This is it!

"I don't get it. Pero wala nang bawian." Pagdilat nya ay para bang nag-iba ang mata nya, puno ng determinasyon. Hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit at nagsimula nang maglakad.

"T-Teka! Saan mo ako dadalhin?" Sht! Ang gusto ko ay umalis sya pero 'yung hindi ako kasama!

"Ayaw mong madaan sa matinong usapan, then I'll take you by force." Humarap sya sa akin ng may nakakalokong ngiti.


--

Disclaimer: With regards to Korean language or Hangul, I used google translate so I'm not that sure if it's correct. And I just wanted to include it in this chapter haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Million miles away (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon