"Yes, Eliza. Gusto ko yang idea mo. I'll ask Tito John para sa magandang pwesto dito sa Pilipinas." Tuwang-tuwa ako nung tumawag 'to kagabi at nasabi sa akin na uuwi sila ng Pilipinas. Nag-alala pa sya dahil magiiwan ang business namin sa Korea, ang sabi ko naman ay ako na lang ang lilipad pabalik kapag nagkaproblema."Yuna's excited to see you."
"I missed her so much. Kailan pala ang flight nyo?" Gusto ko sana na dito na sya tumira kasama namin nila Mama kaso ayaw nya.
"Tomorrow afternoon. I'll call you later, Janelle. Sisimulan ko na ang pagbibilin kay Yana." Sabi nito na ang tinutukoy ay ang kaibigan naming Koreana na syang tumatayong Manager.
"Sige. I miss you."
"I miss you too." Pagbaba ko ng cellphone ay napahiga ako sa kama. Naalala ko yung huling pag-uusap namin ni Jian, that was three days ago.
"Gusto ko ng divorce."
Nanlaki ang mata nya at halos hindi makapag salita. "A-Are you fvcking kidding me? Nawala ka ng two years tapos ngayon magpapakita ka para makipag hiwalay?" Kitang-kita ko ang mga ugat sa leeg nya, halatang nagpipigil ng galit.
"Una pa lang Jian, hindi na healthy ang relasyon natin. Oo, aaminin ko na baliw na baliw ako sayo noon na halos sayo lang umiikot ang mundo ko. Pero sa loob ng dalawang taon, narealize ko na dapat ko rin mahalin ang sarili ko." Wala akong makita na kahit anong reaksyon sa kanya.
"Ganoon na lang kadali sayo magdesisyon, Janelle?" Akma nyang hahawakan ang kamay ko pero umilag ako.
"Walang madaling desisyon lalo na kapag may damay na ibang tao--"
"Madali lang para sayo ang lahat Janelle." Putol nito sa sinasabi ko.
"Napapagod din ako, Jian. Ako lang ang nagmahahal sa atin noon pa man." Pilit kong pinipigilan ang luha ko, kailan kong maging matatag.
"Paano ka nakakasigurado?" Nanlaki ang mata ko sa biglaan nyang pagsigaw. Hindi ko maproseso ang sinabi nya. "Kahit anong sabihin mo ay hinding-hindi ako papayag sa gusto mong mangyari." Mariing sabi nito bago tumalikod at iwan ako.
Napasabunot ako sa buhok. Ano na ang gagawin ko ngayon?
Naging maayos na ang lagay ni Mama kahapon at pinakiusapan ako na ayusin ang problema namin ni Jian. Pinipilit nya rin ako na doon na ulit tumira sa mga Martin. Natural, hindi ako pumayag pero mukhang mali ang naisagot ko dahil nagtampo sya sa akin.
Pinaliwanag ko sa kanila na hindi maliit na bagay ang pinagtalunan namin ni Jian, kailangan ng panahon at mahabang pasensya. Nasabi ko rin sa kanila ang balak kong pakikipaghiwalay pero mariin nilang tinutulan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay malabo na ang balak ko.
Pagkatapos mag-ayos ay tumulak na ako papunta sa restaurant ni Tito John, ang kapatid ni Nanay Alex.
"Tito!" Sigaw ko dito ng makitang busy sya sa harapan ng counter.
Napakurap-kurap pa sya. "Janelle?"
Tumango ako bago lumakad at yumakap sa kanya ng mahigpit. "Namiss kita, Tito."
"Where have you been? Everyone's looking for you."
"Nag soul searching lang po." Natawa kami parehas.
"What brings you here?" Tanong sa akin nito ng maupo kami.
"I just want to ask a favor, Tito. My friend and I have a bake shop in Korea and we're to have a branch here in Philippines. Can you recommend a place na maraming tao?"
"I'm so proud of you, Janelle. You can now decide on your own." Ngitian ko si Tito John. "Wala bang narecommend si Jian?"
Nagbago ang timpla ng mukha ko. "Hindi po nya alam na naghahanap ako ng pwesto."
Mukhang nabigla si Tito John pero ng makabawi ay ngumiti ito ng nakakaloko. "Hindi pa rin kayo okay ng pamangkin ko?"
Umiling ako. "I hate him." Humalakhak sya.
"I see. So, I know this place na talagang maraming tao ang dumadaan. I can ask a friend of mine na syang may-ari ng lugar." Saglit syang may kinalikot sa cellphone. "Where are you?--Malapit ka lang dito? Pwede bang dumaan ka?-- Yes, right now and it's urgent."
"Pupunta po dito yung kaibigan nyo?" Halos manlaki ang mata ko sa bilis ng pag-uusap nila.
"Yes. Malapit lang sya dito ngayon at on the way na sya."
Napapalakpak ako. "Thanks, Tito!" Nagpaalam sya saglit para icheck ang mga trabahador nya. Tinext ko kaagad si Eliza para ibalita na may pwesto na akong nahanap. Kahit hindi ko pa nakikita ay may tiwala ako kay Tito John. Nakatanggap din ako ng reply. (Talaga? Thanks God! Hindi na tayo mahihirapan maghanap ng lugar.)
"Janelle, nandyan na ang kaibigan ko." Tinuro ni Tito John ang pintuan at halos atakihin ako sa nakita ko, muntik ko pang malaglag ang cellphone ko.
Jian's walking confidently wearing three piece tuxedo, and he cut his hair on taper fade haircut. Pasimple akong napahawak sa gilid ng labi ko, feeling ko kasi may tumulong laway, nakakanganga kasi ako.
Napatingin sya sa akin kaya umiwas kaagad ako ng tingin. Akala ko ay lalapit sya sa akin pero dumiretso sya kay Tito John.
"What's the urgent matter, Tito?"
Doon ko lang narealize na si Jian pala ang tinawagan ni Tito John, at tinutukoy na kaibigan nito. Napasimangot ako.
"Jian, let's sit here." Tinignan ko sila ng masama. Umupo sa tapat ko si Jian, katabi ni Tito. "So, Janelle's looking for a place for her bake shop and I remember that you bought a place near your building."
"H-Hindi na, Tito."
"What? Kanina lang tuwang-tuwa ka nung sinabi ko sayo na may alam akong lugar." Natawa pa sya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Sa akin na ngayon ang atensyon ni Jian. Gusto ko sanang hilain si Tito ng dahan-dahan syang umalis.
"Bakit ko naman sasabihin sayo?" Balik tanong ko sa kanya.
"Pwede mo bang tigilan yang kasungitan mo?" Napakunot noo sya, alam kong nawawalan na sya ng pasensya. Inirapan ko sya. "I'll give you the address."
"No need. Hahanap na lang ako ng ibang lugar." Nagkalikot ako ng cellphone, kunwari may hinahanap.
"You're so hard headed! I'm losing my patience here, Janelle." Nakipagtagisan ito ng tingin sa akin.
"I'm not asking for your help. Neo babo ya! (You stupid!)"
"Can you stop speaking in that language?" Iritable na talaga sya. "I still have work to do. I'll ask my secretary to send you the address."
Bakit hindi mo na lang kaya ako samahan? Muntik ko ng batukan ang sarili ko.
"Edi umalis ka na kung busy ka naman pala." Umiwas ako ng tingin at sumimangot. Saglit na katahimikan ang dumaan. "Ano? Marami ka pang trabaho diba? Umalis ka na."
"I'll just go with you. We'll visit the place."
Halos magliwanag ang mukha ko sa sinabi nya. Napansin nya 'yun kaya bahagya syang napangiti. Tumikhim ako.
"A-Akala ko ba marami kang trabaho?"
"Kaya kong ipagpaliban para sayo." Seryosong sabi nito at talagang titig na titig sa mga mata ko.
Parang gusto ng lumabas ng puso ko, grabe na yung tibok. Kalma lang heart!

BINABASA MO ANG
Million miles away (HOLD)
أدب المراهقين"Pangarap ko ang ibigin ka at sa habang panahon, ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko ang ibigin ka." Mahahalintulad nga ang pag-ibig ni Janelle sa kanta ni Regine Velasquez na "Pangarap ko ang ibigin ka."...