Nandito kami ngayon sa bahay ng parents ni Jian. Wala kasing pasok ngayon si Jewel, ang bunsong kapatid ni Jian, kaya nagyaya syang mag swimming.
"Sister! Tara na!" Sigaw ni Jewel sabay talon sa pool.
Nahihiya akong hubarin ang over size t-shirt ko. Hindi naman kasi maganda ang katawan ko para ilantad ko.
Akma na akong tatalon ng sigawan na naman ako ni Jewel.
"Don't tell me, magsiswimming ka ng nakadamit?" Natatawang sabi nito. Napatango ako. "Come on! Tayo lang nila nanay ang nandito!"
Wala na akong nagawa kundi hubarin ang tshirt sabay talon sa pool.
"Hooh! Ang sarap!" Hiyaw ko. Nilapitan ko si Jewel sa gilid ng pool.
"Teka lang, ano yang nasa left collar bone mo?" Tanong ni Jewel. Napatingin din ako.
"Tattoo?" Sabi ko.
"Woah! Tindi ng pagmamahal mo sa kuya ko ah!" Hinawakan pa ni Jewel ang tattoo ko, baka daw kasi ballpen lang.
"Niyaya ako ng mga pinsan ko nung nakaraang linggo na magpa henna, nabubura din daw kaagad yun kaya pumayag ako. Nagtataka pa nga ako dahil masakit, natural lang daw yun. Kaso nalaman ko kila mama na tunay na tattoo na pala 'to." Natatawang kwento ko.
"Hindi ka pinagalitan nila tita?"
"Hindi, tinawanan pa nga ako eh." Sinabayan na lang din ako ni Jewel tumawa.
"Bakit nga pala sa collar bone?" Tanong ni Jewel.
"Syempre para malapit sa puso." Kinikilig na sagot ko.
"Nay! Nay!"
Pareho kaming napalingon ni Jewel sa pinanggalingan ng boses. Ayun nga! Lumabas sa pinto si Jian, mukhang nagulat pa 'to sa amin.
"Nasaan si nanay?" Tanong nito.
"Gumagawa ng meryenda." Sagot ni Jewel.
Aalis na sana si Jian ng bigla itong tawagin ng kapatid nya.
"Kuya! Tignan mo yung tattoo ni Janelle sa collar bone nya! Ang ganda! Pa--" Agad kong tinakpan ang bibig ni Jewel. Napansin ko kasing napakunot ang noo ni Jian.
"May tattoo ka?" Tanong nito habang naglalakad papalapit.
Bigla kong hinila yung tshirt ko na nasa lapag at pinangtakip sa dibdib ko. "W-Wala!" Tinignan ko ng masama si Jewel. Tumawa lang ito.
Umirap lang si Jian at umalis na.
"Nakakainis ka Jewel! Nakakahiya!" Reklamo ko, pero tinawanan lang ako nito. "Basa na yung tshirt ko."
"May towel dyan o! Yan muna gamitin mo." Umahon na kami ni Jewel at naupo.
"Mga anak, kumain na muna kayo." Nilingon ko si tita. Nakaharap kasi ako kay Jewel.
"Wow! Chocolate cake!" Nagliwanag ang mata ko!
"O Janelle, nagpatattoo ka?" Nagulat ako sa tanong ni tita.
"Ah, opo. Isa lang po sa katangahan ko, niloko kasi ako ng mga pinsan ko tita." Natatawang sabi ko. Natawa na rin si tita.
Napansin ko na biglang nanlaki ang mata ni Jewel, pero hindi ko na 'yun pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa cake.
"Ang sarap." Sabi ko habang nginunguya ang cake.
"Anong pumasok sa isip mo at nagpatattoo ka nyan?" Halos mabilaukan ako sa narinig ko. Pinainom naman ako ni tita ng juice.
"Jian naman, wag mong ginugulat si Janelle." Sabi ni tita.
Pinipilit kong takpan ang collar bone ko.
"Nakita ko na." Masungit na sabi ni Jian.
"Nay, kuha pa tayo ng cake." Nagulat ako ng biglang hilain ni Jewel si tita Alex at umalis sila.
Naupo sa harapan ko si Jian. "Bakit ka nagpatattoo?" Sabi nito.
Napatungo na lang ako. "A-Akala ko kasi henna lang yung nilalagay sa akin, yun kasi ang sabi ng mga pinsan ko." Napakagat labi na ako sa takot. Iba kasi sya magalit.
"Hindi mo ba naisip na iba ang henna sa tunay na tattoo?" Medyo tumataas na ang boses nya.
"Hindi k-ko naman alam. Niloko kasi ako nila pinsan."
"Ang dali mo talagang lokohin. Minsan nga mag isip ka ng mabuti bago ka pumayag." Gusto ko ng maiyak sa mga pinagsasabi nya.
Tumayo na 'to. Aalis na siguro. Tutulo na sana ang luha ko ng bigla kong maramdaman ang mainit na daliri ni Jian sa balat ko.
"Panigurado masakit 'to." Sabi nya habang hinahaplos ang balat ko na may tattoo. Tiningala ko sya. Seryoso lang ang mukha nya.
Nagtayuan ang buhok ko sa katawan dahil sa ginawa nya. Nakakakiliti.
"P-Paano mo nalaman? May tattoo ka rin ba?" Tanong ko.
"Oo." Maiksing sagot nya.
"Saan?"
"Secret. 'Wag ka ng magpapatattoo sa susunod." Muli nitong tinignan ang tattoo ko at binasa. "Jian ko?" Ginulo nya ang buhok ko at umalis na.
Sht! Concern sya! Ang swerte ng tattoo ko. Jian ko.

BINABASA MO ANG
Million miles away (HOLD)
Fiksi Remaja"Pangarap ko ang ibigin ka at sa habang panahon, ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko ang ibigin ka." Mahahalintulad nga ang pag-ibig ni Janelle sa kanta ni Regine Velasquez na "Pangarap ko ang ibigin ka."...