Naging maganda ang mga sumunod na araw namin sa shop. Pinaghusayan pa namin lalo ni Sarah, ngayon ay kami na ang taga serve. 'Yun talaga ang gusto ko.
"Janelle, susunduin ka ba? Mauuna na kasi ako, may dadaanan pa ako." Napalingon ako kay Sarah na nagmamadali ng umuwi.
"Walang susundo sa akin. Masyado pang maaga, pupunta na lang ako kay Jian." Sabay kaming lumabas ng store at kanya-kanya ng sumakay ng taxi.
Excited na ako dahil may dinner date kami mamaya. Matagal na naming plano 'to kaso hindi matuloy dahil lagi syang busy at gabing-gabi na kung umuwi.
Binati ko ang guard pagpasok, hindi ko na kailangan magpaalam kung saan ako pupunta dahil kilala nya naman ako. Pagtapat ko sa pinto ng office nya ay hinarang ako nh secretary nya.
"Bakit po?" Tanong ko.
"M-Ma'am. Sabi po kasi ni S-Sir, bawal ang bisita dahil may kausap sya sa loob." Natatarantang paliwanag ng secretary nya.
"Kuya Ivan, may date kami and he's expecting me." Natatawang tinulak ko sya. Wala naman syang nagawa kaya nabuksan ko kaagad ang pinto at halos mapatalon ako sa nakita ko.
Nakita ko si Katarina na nakapatong sa nakaupong si Jian habang naghahalikan. Pareho silang nabigla sa pagpasok ko. Humakbang ako palapit sa kanila.
"J-Janelle-" Halata na hindi mapakali si Jian. Inayos nya ang polo nya na nakabukas. Tinignan ko ng masama si Katarina, binababa nya naman ang dress nya, halos makita na ang singit nya.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Lumapit sa akin si Jian at huminto sa harap ko.
Buong lakas ko syang sinampal. Hindi ko alam pero walang tumutulong luha sa mata ko pero sobra akong nasasaktan.
"Ito ba? Ito ba Jian ang pinagkakaka abalahan mo kaya late ka na umuwi?" Nakagat ko ang ibabang labi ko.
"J-Janelle, please--"
"Oo o hindi lang, Jian." Nakakagigil lang!
"Oo Janelle! Gabi-gabi kaming magkasama dito ni Jian kaya sya late umuuwi!" Sigaw ni Katarina.
Sa sobrang gigil ko ay sinugod ko sya at sinabunutan. Gigil na gigil ako at kayang-kaya ko syang kalbuhin. Hindi naman sya nagpatalo kaya pinagkakalmot nya rin ako.
"Janelle! Stop it! Katarina, let go!" Hindi ko pinansin ang sigaw ni Jian. Pinaglalayo nya kami pero hindi ako papayag.
"Mga walang hiya kayo!" Todo sigaw ko sabay sampal kay Katarina, hindi pa ako nakuntento at hinila ko ang buhok nya papalabas ng opisina ni Jian. Natuwa ako sa sarili ko dahil ang lakas ko, wala syang laban sa akin.
Nabigla ako ng hinila ako ni Jian sa bewang at nagtagumpay syang ilayo ako.
"Bitawan mo ako! Nandidiri ako sayo!" Naiyak na ako sa pinaghalong galit at sakit. Binuhat nya ako at pilit inilalayo.
Nakita ko si Katarina na papalapit at susugurin ako kaya tinadyakan ko sya sa tyan. Natumba sya.
"Katarina!" Kaagad akong binaba ni Jian at dinaluhan nya si Katarina na namimilipit sa sakit. Nanlaki ang mata ko ng makita ko na may umaagos na dugo sa pagitan ng binti nya.
"Shit!" Mura ni Jian.
"J-Jian! Help me! Y-Yung baby--" Naghihingalong pagmamakaawa ni Katarina.
Namutla ako at lalong hindi makakilos. A-Anak nila?
Galit akong tinignan ni Jian. "You're so childish Janelle! Look at what you did!" Sinigawan nya ako.
"H-Hindi ko--" Anong ginawa ko?
Binuhat ni Jian si Katarina at nilagpasan lang nila ako. Narinig kong tinawag ni Jian ang secretary nya para tumulong.
Ano 'to? Matagal na nila akong niloloko? Wala akong kaalam-alam. Napahagulgol ako. May nadamay pa na walang kamalay-malay.
---
Nagawa ko pang umuwi sa bahay ng Mommy ko. Hindi ko pinaalam na nandito ako, kukuha lang ako ng ilang gamit at aalis na. Hindi ko na kayang makita pa ang mga nanloko sa akin.
Nakatanggap ako ng mensahe galing kay kuya Ivan at okay na daw ang lagay ng bata sa sinapupunan ni Katarina, nakahinga ako ng maluwag.
Dumiretso ako sa airport at bumili ng ticket na papaalis rin ngayong gabi. Tulala ako habang nakasakay sa eroplano. Korea ang bansa na pupuntahan ko at wala akong balak ipaalam kung kanino man.
Hindi ko pa rin mapigilang mapaluha. Paano nila nagawa sa akin 'to? Alam ko noon pa man na mahal na mahal ni Jian si Katarina at ngayon may anak pa sila. Wala na akong laban. Blangkong-blangko ako.
Kay Jian umikot ang mundo ko, ilang taon ko syang minahal, sya lang talaga. Nasanay ako na lagi syang nandyan sa tabi ko, lagi ko syang nakikita, laging nakakasabay kumain. Hindi ko akalain na magagawa nya sa akin 'to. Akala ko ay mahal nya na rin ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya, pero hindi pala.
Malamig na hangin ang sumalubong sa akin pagbaba ng eroplano. Nagpahatid ako sa apartment na nirentahan ko sa online, maganda naman yun at mura pa.
Ngayon, kailangan kong mabuhay mag-isa.
BINABASA MO ANG
Million miles away (HOLD)
Novela Juvenil"Pangarap ko ang ibigin ka at sa habang panahon, ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko ang ibigin ka." Mahahalintulad nga ang pag-ibig ni Janelle sa kanta ni Regine Velasquez na "Pangarap ko ang ibigin ka."...