Lumabas na ako ng makarinig ng busina.
Nakita ko si Jian na nakatayo sa gilid ng sasakyan nya.
"Tara na." Sabi ko. Nakatunganga lang kasi sya sa akin.
Lumakad sya papalapit.
"You look good in your dress." Husky na sabi nito at bumaba ang tingin nya sa balikat ko. "Bagay talaga sayo ang pangalan ko." Nagulat ako ng ngumiti sya.
Shemay!
Kaso naalala ko yung sinabi ni Jewel na magpakipot.
"Pagsawaan mo ng tignan dahil malapit na yang mabura." Medyo pinataray ko pa ang boses ko.
Nakunot naman ang noo nya.
"Don't you even dare do that, Janelle Arevalo." May banta ang tono ng boses nito.
Nagsisi ako dahil sa sinabi ko, nakakatakot kasi sya.
"Pag-iisipan ko." Dali-dali akong umikot para sumakay sa sasakyan nya.
Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa bahay nila. Ang daming sasakyan.
Inalalayan pa ako ni Jian palabas sa kotse nya.
"Wala ka bang jacket?" Nilingon ko sya.
"Jacket? Hindi naman malamig ah?"
"Tss." Yun lang ang sagot nya sa akin at inakay na ako papasok.
Problema nito?
Sinalubong kaagad kami ni tita Alex.
"Buti sumama ka Janelle, tara na sa dining area." Hinila ako ni tita kay Jian.
"Tita, nasaan po si Jewel?"
"Nasa loob na at nakikipag kulitan sa mga pinsan nya." Nakangiting sabi ni tita Alex, hindi pa rin kumukupas ang ganda nya. Sana pagtumanda ako, maganda pa rin ako, hehe.
Sumalubong sa amin ang malakas na tawanan ng mag pipinsan.
"Ikaw kuya Alfie ah! Isusumbong kita kay tito Alfred!" Hiyaw ni Jewel.
"Isip bata ka talaga Jewel!" Pang asar naman ni Kuya Alfie.
"O? Nandito na pala sina Jian at Janelle." Sabi ni Ate Pia.
Napalingon silang lahat sa amin. Hinanap ng mata ko si Kuya Michael, at ayun sya! Katabi si Kuya Josh. Napangiti ako ng bongga.
"Ang ngiti ni Janelle o! Abot tenga na naman!" Tinignan ko ng masama si Kuya Alfie. Wagas talaga 'to mang asar.
"Kuya Alfie talaga." Nilapitan ko 'to at pabirong hinampas.
"Hi Janelle." Dahan-dahan kong nilingon si kuya Michael.
"Kuya Michael, kamus--" Naputol ang sasabihin ko ng bigla nya akong yakapin.
"I missed you baby girl." Bulong nito sa tenga ko. Sa amin kasing magkakaibigan ay ako ang pinaka bata.
"I missed you too kuya Michael." Sabi ko.
Humiwalay na rin 'to sa akin.
"Kamusta ka?"
"O-Ok lang po ako." Dyahe! Nauutal ako.
"Lah! Nagpatattoo ka?" Nagulat ako dahil nasa gilid ko na pala si Kuya Josh.
"A-Ano. Kasi--" Hindi ko alam ang sasabihin ko, tinakpan ko pa ng kamay ko ang tattoo.
"Talagang inlove ka kay Jian ah." Sabi naman ni Ate Pia.
"Nu ka ba Ate! Nag momove on na yan!" Kinindatan pa ako ni Jewel.
Napapitlag na lang ako ng makaramdam ng mainit na kamay sa balikat ko.
"Let's sit." Bulong ni Jian sa tenga ko.
Kahit naiilang ay sumunod na lang din ako. Nakatingin lang sa amin ang mga pinsan nya.
Naupo si Jian sa unahan sa right side, tumabi ako sa kanya, nasa kanan ko naman si Ate Pia. Nagulat ako ng bigla itong tumayo at si Kuya Michael ang pumalit.
Nagsimula narin kaming kumain. Napuno ng tawanan ang loob ng bahay nila. Halatang matagal silang hindi nagkita-kita.
Dessert naman ngayon ang kinakain namin. The best talaga si tita Alex.
"Bakit ka nagpatattoo?" Biglang sabi ni kuya Michael.
"Ah, kasi kuya--" At ayun, mahabang kwentuhan ang naganap.
"Pero buburahin ko na rin 'to." Dagdag ko pa.
"Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na hindi mo 'yan ipapabura?!" Nagulat kaming lahat sa biglang pagtaas ng boses ni Jian.
Nilingon ko sya at masama ang tingin nya sa akin.
"Nay, tay, excuse me po. Busog na ako." Sabi nito at diretso ng umalis.
Patay! Anong gagawin ko.
"Anong nangyari kay kuya?" Sabi sa akin ni Jewel. Umiling ako.
"Nagseselos lang 'yung anak ko, sundan mo na hija, pabalikin mo dito." Natatawang sabi ni Tito Stan.
Nagtawanan naman sila. Umalis na ako dahil baka lalo lang nila akong asarin.
Saan ko naman sya hahanapin ngayon?
Lumabas na lang ako ng garden, at ayun sya! Nilapitan ko sya, pero agad din akong lumayo ng maamoy ko sya.
"Naninigarilyo ka?" Nilingon ako nito saglit at binalik ang atensyon sa kawalan.
"So what?" Masungit na sabi nito.
"Masama sa kalusugan yan. Alam ba ni tita Alex yan?" Lumalayo pa ako sa kanya. Baho kasi!
"Hindi. Bakit? Isusumbong mo ako?" Pang hahamon nya.
"Oo."
"Go on!" Sabi nito at naglakad palayo.
"Teka! San ka pupunta? Pinapabalik ka ni tito Stan!" Lumapit ako sa kanya at hinila sa bibig nya ang sigarilyo sabay tapon.
"What the--"
"Tara na sa loob!" Kinapitan ko 'to sa braso at hinila papasok.
"Ayoko na bumalik dun!" Reklamo nito.
Hinarap ko sya.
"Dahil ba sa tattoo ko?" Napaiwas naman sya ng tingin sa akin. "Hindi ko na 'to ipapabura."
Nakita ko naman syang napangiti. Bigla nya akong hinapit sa bewang at siniil ng halik.
Teka! Gumagalaw ang labi nya! Anong gagawin ko?
"Just move your mouth." Bulong nito sa labi ko. Sinunod ko sya.
"Hmmn." Galing kay Jian 'yun! Lah!
Lumalalim na ang halikan namin. Ayy! Feeling ko nalalasahan ko yung sigarilyo. Napakapit na ako sa batok nya dahil nanlalambot na ang mga tuhod ko. Ang isa nya namang kamay ay nasa pisngi ko, pababa hanggang sa balikat ko.
Bumaba naman ang halik nya sa leeg ko, medyo nakiliti pa ako. Sht! Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Nagstay ang labi nya sa tattoo ko at hinalikan ito.
"Ayaw ko ng marinig pa na ipapabura mo 'to. Understand?" Bulong nya sa tenga ko.
"O-Oo."
"And one more thing, 'wag kang lalapit kay kuya Michael."
"What?" Napahiwalay ako sa pagkakahawak nya sa akin.
"You can talk to him, but no touch, no hug, and specially no kiss included." Seryoso nyang sabi.
"Bakit na naman ba?" Kaasar naman 'to! Minsan nga lang kami magkita ni kuya Michael eh.
"Because I said so." Tumaas pa ang kilay nya.
Napasimangot na lang ako.
BINABASA MO ANG
Million miles away (HOLD)
Jugendliteratur"Pangarap ko ang ibigin ka at sa habang panahon, ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko ang ibigin ka." Mahahalintulad nga ang pag-ibig ni Janelle sa kanta ni Regine Velasquez na "Pangarap ko ang ibigin ka."...