After two years.
"Eliza! Mauuna na ako sayo!" Hinampas ko pa ang braso ng room mate ko bago lumabas ng apartment.
"Sige, ingat ka! Mamaya na ako papasok." Sagot nya habang inaayusan ang 8 years old nyang anak.
Nakilala ko si Eliza habang naghahanap ng trabaho sa korea. May ari sya ng maliit na bake shop, nag invest ako sa kanya kaya business partner na kami for two years. Magkasama kami sa apartment na inuupahan ko kasama ang anak nya na si Yuna, nabuntis sya ng koreano nyang boyfriend pero tinaguan nya sa hindi malamang dahilan.
Ako ang naunang pumasok dahil ihahatid nya pa si Yuna sa school.
Kahit na naglayas ako ay hindi ko naman diniactivate ang mga account ko para ipaalam kila Mama na okay ang kalagayan ko. Nag iingat lang ako kaya naka off ang location ko at hindi ako madalas mag selfie.
"Mama, I'm doing good. I'm managing my business in here." Sabi ko kay Mama habang nakaharap sa cellphone.
"Everyone is looking for you for two years! Nasaan ka bang bata ka?" Sermon ni Mama. Dapat pala hindi na ako nag video call.
"Kaya ko na po ang sarili ko." Nginitian ko sya.
"Si Jian. Hinahanap ka nya sa akin." Natigilan ako sa sinabi ni Mama. Alam nya ang nangyari, hindi ko alam kung sino nagsabi sa kanya. Sa loob ng dalawang taon ay ngayon nya lang binanggit sa akin ang pangalan ni Jian.
"Ay ma, kailangan ko ng maghanda. Magbubukas na ang shop, dadagsain na naman kami ng mga Indian." Kaagad kong pinatay ang tawag. Oo, niliito ko sila Mama.
Hindi ako nakagraduate dahil sa insidenteng nangyari. Wala na akong balak umuwi ng Pilipinas. Ayoko na silang makita.
"Annyeong!" Masiglang bati ko sa customer na pumasok.
----
Madaling araw ng magring ang cellphone ko, si Mama, nagrerequest ng video call sa facebook. Pag answer ko ay si Sarah ang bumungad sa akin. Napabangon ako at biglang naiyak.
"S-Sarah." Parehas lang kaming nag iyakan.
"Janelle, si t-tita, sinugod sa hospital." Natigilan ako sa binalita nya sa akin.
"A-Anong nangyari?"
"Inatake sya ng high blood, kasama ko si tito at naghihintay sa paglabas ng doctor." Hindi ako makahinga sa mga naririnig ko.
"U-Uwi ako." Pinatay ko ang tawag at kaagad na nag ayos. Hindi na ako nagdala ng malaking bag.
"Saan ka pupunta?" Naabutan ako ni Eliza, nagising ata sya.
"Kailangan kong umuwi ng Pilipinas. Na ospital ang Mama ko." Napahagulgol na naman ako.
"Kailangan mo ba ng kasama?" Kaagad nya akong dinaluhan.
"No, kaya ko Eliza. Ikaw muna ang bahala sa shop. I'm sorry." Niyakap nya ako.
"It's okay. Your Mama needs you. Take care."
Ayoko sanang iwan ang shop pero wala akong magawa, mas mahalaga pa rin si Mama.
Pagpasok ko sa room ni Mama ay halos manghina ako.
"Mama." Naiyak ako. Pinigilan ko ang sarili ko dahil natutulog sya. Ang sabi ng doctor ay kailangan nyang magpahinga.
"Anak, mabuti naman at umuwi ka." Sabi ni papa.
"Papa, I'm sorry po." Niyakap ko sya. Namiss ko ng sobra ang pamilya ko.
"Dito ka na ba magsstay?" Tanong ni Sarah. Niyakap ko din sya.
"Hindi ko pa alam, Sarah. May business ako sa korea, maliit na bake shop. May business partner ako na kababayan natin." Naupo kami at nagkwentuhan pa.
"Sa korea ka lang pala pumunta, anak. Kung alam lang sana namin ay pumasyal sana kami. Minsan sinasabi mo na may customer kang ilocano, tapos biglang naging indian." Natawa ako sa reklamo ni papa.
"Sorry pa." Naupo ako sa gilid ni Mama.
"Simula ng dinala namin sya dito, hindi pa rin sya nagigising. Sabi naman ng doctor, normal lang daw 'yun." Naupo rin si daddy sa likod ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Mama. "Ma, nandito na po ako. Gumising na po kayo." Hindi ko talaga mapigilang mapaiyak. Ako ba ang may kasalanan nito?
"Kakauwi mo lang galing korean, Janelle. Kami muna ni Tito ang bahala dito." Wala na akong nagawa nung pinagtulukan ako ni Sarah pauwi. Kailangan ko rin kasing magpahinga.
Habang naglalakad ako sa hallway ng hospital, napaisip ako. Nandito na naman ako sa Pilipinas, hindi malabong may makasalubong ako na kakilala. At hindi nga ako nagkamali, dahil sa harapan ko ay ang kaisa-isang tao na minahal ko, bukod sa pamilya ko. Diretso syang nakatayo sa harapan ko, may hawak na prutas, hindi ko maitatanggi na lalo syang gumwapo sa suot nya na americana.
Lalagpasan ko na sana sya ng bigla nyang hinikit ang siko ko.
"Ano ba?" Pilit ko syang hinahawi pero hinihigpitan nya lang ang kapit.
"Where have you been?"
Napatanga ako sa sagot nya. Hindi ko alam kung galit ba sya o wala lang dahil wala akong makita na kahit anong emosyon sa kanya, mas naging seryoso sya. Kinabahan ako bigla.
"Wala ka na dun." Inirapan ko sya.
"I'm asking you. Where have you been?" Nanlilisik ang mata nya. Kinilabutan ako.
"S-Sa ibang b-bansa." Napayuko ako. Akala ko kaya ko ng magmatigas, hindi pa rin pala.
"Bakit ka umalis?"
Natawa ako ng mapakla sa tanong nya. Naiinis na naman ako. Hindi na ako matatakot sa presensya nya.
"Ano? Magpapakatanga ako? Nakita ko yung malanding babae na yun--" Pinutol nya ako.
"Hindi sya malandi." Mariing sabi nya.
Natawa na naman ako. "Right. Bakit pa ako magpapaliwanag? Eh sya lang naman ang kakampihan mo." Ginamit ko lahat ng lakas ko para bawiin ang siko ko, nagtagumpay ako.
Lakad takbo ang ginawa ko para makalayo sa kanya. Hindi ko na napigilan ang luha ko, tuloy-tuloy na sa pag agos.
Hindi nya manlang ako nagawang tawagin o kaya ay pigilan. Akala ko sa pagkatapos ng dalawang taon ay naka move on na ako, na wala na sa akin 'yung nangyari. Pero hindi, dahil sa nakaharap ko sya ngayon, parang kahapon lang 'yung nangyari at nasasaktan pa rin ako ng sobra.
BINABASA MO ANG
Million miles away (HOLD)
Подростковая литература"Pangarap ko ang ibigin ka at sa habang panahon, ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko ang ibigin ka." Mahahalintulad nga ang pag-ibig ni Janelle sa kanta ni Regine Velasquez na "Pangarap ko ang ibigin ka."...