Hindi ako nagpakita kay Jian sa mga sumunod na araw. Ewan ko ba! Parang noong nakaraang taon lang ay ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako maiinlove ulit sa kanya pero binigyan ko pa rin sya ng pangalawang pagkakataon.
"Ma'am, nacontact ko na po ang mga empleyado na natanggap. I already informed them that they'll have their three days training." Natigil ako sa pag-iisip nang lumapit si Natalie.
"Salamat sa tulong mo. Papunta na rin dito ang ilan naming empleyado galing sa korea para magturo sa kanila, sinundo na sila ni Eliza sa airport." Inilabas ko ang cellphone para tignan kung may mensahe galing sa kanila.
"Galing po ako sa office ni Mr. Martin kanina, pinapasabi nya po na pasensya dahil hindi sya nakakabisita sa inyo ngayon, marami po kasing business meeting na kailangan nyang puntahan." Napa-angat ang tingin ko kay Natalie. Seryoso lang 'tong nakatingin sa akin.
"G-Ganoon ba?" Akala ko tagumpay na ako sa pag-iwas sa kanya, 'yun pala ay busy lang sya. Napanguso ako, hindi nya manlang nagawang magtext o tumawag.
"Pero nasabi nya po kanina na dadaanan ka nya pag out nya para sabay kayong mag dinner."
Nagliwanag ang mukha ko sa balita ni Natalie. Ang huli kasi naming pag-uusap ay 'yung tungkol sa paglipat namin ng bahay pero hindi naman malinaw.
"Mauna na ako Ma'am."
Pagkatapos kong ihatid si Natalie sa labas ng shop ay napatingin ako sa relo. Madalas ay 5:00 PM ang out ni Jian, 2:00 PM pa lang, mahaba-haba pa ang oras.
Ilang sandali lang ay nakita ko na ang paghinto ng sasakyan ni Eliza at lumabas doon ang dalawa naming empleyado na Pilipino. I greeted them.
"Ma'am, ang ganda ng napili nyong pwesto." Sabi ni Mylene.
"Ang galing kamo pumili nang asawa nya." Pang-aasar ni Eliza.
"Asawa?" Panabay tanong ni Mylene at Lalaine.
Sa Korea, tanging si Eliza lang ang may alam na may asawa na ako. Hindi ko kasi hilig na magkwento sa mga empleyado ng tungkol sa buhay ko kahit na tanungin nila ako pero ngayong nasabi na ni Eliza ay wala na akong magagawa.
"O-Oo. Kasal na ako." Ngumiti ako sa kanila.
"Naku Ma'am! Paano na lang 'yung manliligaw mo na si Sir Jong Hyun? Malulungkot 'yun." Si Lalaine.
"Ay oo nga pala Ma'am! Naikwento namin na pupunta kami dito tapos sabi ni Sir Jong Hyun, bibisita rin sya kapag libre sya." Dagdag ni Mylene.
"Tumigil nga kayo. Magkaibigan lang kami 'nun." Nakilala ko si Jong Hyun noong naliligaw ako sa Korea at hindi ko macontact si Eliza, mabuti na lang at magaling syang mag English kaya nagkaintindihan kami.
"Magpahinga muna kayo o 'di kaya ay bumisita na kayo sa mga pamilya nyo. Bukas pa nga dating ng mga itetraining nyo." Anunsyo ni Eliza habang nagtitmpla ng kape.
Excited na nagsialisan sina Mylene at Lalaine, hindi na ata inintindi ang pagod galing sa byahe.
"Anong plano natin ngayon?" Naupo si Eliza sa harap ko.
Inilabas ko ang planner at tinignan kung may nakaplano ba kaming gawin ngayong araw. "Kailangan na pala natin mag grocery para sa mga gagamitin nila bukas."
"Sa lahat ng importante, bakit 'yun pa ang kinalimutan natin?" Minadali na ni Eliza ang pag-inom sa kape."
"Ako na ang magddrive, alam ko naman na pagod ka pa rin." Kaagad kong dinampot ang susi ng sasakyan sa harapan nya.
"Ako na! Wala pa rin akong tiwala sa pagddrive mo." Akmang kukunin nya sa kamay ko ang susi pero kaagad akong tumayo at tumakbo papasok ng sasakyan.

BINABASA MO ANG
Million miles away (HOLD)
Dla nastolatków"Pangarap ko ang ibigin ka at sa habang panahon, ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko ang ibigin ka." Mahahalintulad nga ang pag-ibig ni Janelle sa kanta ni Regine Velasquez na "Pangarap ko ang ibigin ka."...