Tahimik akong lumabas ng kwarto hanggang nasa kalsada na ako. Saan ako pupunta ngayon? Hindi naman pwede sa bahay.
Tinawagan ko si Sarah, pero naka off ang phone nya, si Jewel naman hindi nya sinasagot.
(Beep! Beep!)
"Ay palaka!" Halos tumalon ang puso ko sa sobrang gulat.
"Where the hell do you think you're going Janelle Martin?!" Galit na sigaw ni Jian pagbaba nya ng kotse.
Mrs. Martin na nga pala ako pero bakit di ko maramdaman. Inirapan ko lang sya at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Sumakay ka na sa kotse." Mariing utos nito.
"Ayoko."
"Wag ngang matigas ang ulo mo." Nakaharang na sya sa daanan ko.
"Diba sabi mo, isipin ko ang gusto kong isipin? Nangbabae ka Jian! Anong gusto mong gawin ko? Magstay pa rin sa bahay kasama ang asawa ko na manloloko?" Buong lakas na sabi ko.
"Magpapaliwanag ako." Napayuko sya.
Yun lang naman ang hinihintay ko. "Go."
"Pwede sa bahay na?"
"Dito ang gusto ko." Tinaasan ko pa sya ng kilay.
"It was just a coincidence, we just meet there. That holding hands thing? It's nothing." Mukhang iritado na paliwanag nya.
Dapat ba akong maniwala? Oo, paliwanag nya ang hinihintay ko, pero hindi ganitong klase ng paliwanag.
Sumakay na lang ako sa kotse nya ng tahimik dahil alam kong wala din mangyayari, nakatali na ako.
"Anong pumasok sa isipan mo at naglayas ka?" Tanong niya, pero hindi ko lang sya pinansin hanggang sa makarating kami sa condo.
Dire-diretso ako ng pasok at binalik sa ilalim ng kama ang bag ko.
Sumunod sya at naupo sa tabi ko sa kama.
"We'll leave tomorrow." Sabi nya.
"Ayokong umalis. Kung gusto mo ikaw na lang, o kaya isama mo si Katarina." Mapait na sabi ko.
"Nagseselos ka ba?" Tanong nya.
Kung pwede lang sana na murahin ko sya, ginawa ko na!
"Hindi Jian, ba't naman ako magseselos? Tuwang tuwa nga ako na nagkita kayo. " Sarkastikong sabi ko.
"Bahala ka kung ayaw mong magbakasyon. Monday na pala bukas, may pasok na tayo." Dire-diretsong sabi nya sabay pasok sa C.R.
"Kaasar!" Napapadyak na lang ako. Uminom na lang ako ng gamot bago humiga sa kama. Nasayang ang bakasyon ko sa kakahintay sakanya.
Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit ko pa ring makabangon dahil nga may pasok na kami.
"Hija, papasok ka? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Sabi ni yaya habang kumakain kaming tatlo.
"Ok na po ako." I'm a best liar! Haha.
"Nagkasakit ka?" Tanong ni Jian.
Tumango lang ako. Akala nya ah, hindi kami bati! Hanggang sa pagdating sa school ay hindi kami nag iimikan.
"Magkita na lang tayo sa pantry mamaya pag-uwi."
"Sige." Sagot ko at bumaba na ng sasakyan.
Teka! Nakakapanibago lang, bakit sa pantry kami magkikita?
"Janelle." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses nya mula sa likod. Dahan-dahan akong lumingon.
"Katarina." Sabi ko. Anong ginagawa nya dito?
BINABASA MO ANG
Million miles away (HOLD)
Genç Kurgu"Pangarap ko ang ibigin ka at sa habang panahon, ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko ang ibigin ka." Mahahalintulad nga ang pag-ibig ni Janelle sa kanta ni Regine Velasquez na "Pangarap ko ang ibigin ka."...