<Someone's POV>
"Is it ready?", tanong ng babaeng nakaupo sa isang swivel chair pagkapasok ng kanyang sekretarya.
Isang masamang ngiti ang ginawa nito na nangangahulugan ng isang masamang balak.
"Definitely ma'am and this time let us see kung kaya niyang itong bigyan ng solusyon. Siguradong mapapahiya siya sa maraming tao", galak na pagsasalaysay ng sekretarya na may hawak ng isang folder at ipinatong ito sa mesa ng kanyang amo.
"Good job, Beatrice! Talagang hindi mo ako binibigo", ngiti ng babae habang nakatingin sa isang litrato na nilalaman ng folder.
Tignan natin ang galling mo Marielle sa isang engrandeng palabas na mangyayari.
<Marielle's POV>
"ANO?!", sigaw ko sa kanya sa mga sinaad niya sa aking problema. Nakita kong napaatras ito at tanging pagyuko na lamang ang nagawa.
"Sorry po talaga Ms.", dali-dali itong tumakbo palabas ng aking opisina.
Hinabol ko siya na naabutang inaatras ang kanyang sasakyan at nagulantang sa mga nakita.
Isang trak ang humagip sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan na naging dahilan nito upang tumilapon ang sasakyan niya ng ilang metro.Napaupo na lang ako sa mga nakita ko habang nagsitigil ang mga sasakyan upang tulungan ang nakasakay dito.
<William's POV>
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa mga prosecutor na pumasok sa aking opisina.
"Ikaw ba si Mr. William Clarkson?", tanong ng isang pulis na may inilabas na isang warrant of arrest.
"Ako po iyon", nakita kong sumenyas ang prosecutor at pinosasahan ako sa aking mga kamay.
"Teka, anong ginawa ko?", naguguluhan ako sa mga nangyayari pero sinabihan ako ng isa na tumahimik.
<Someone's POV>
"Hindi na namin nailigtas ang pasyente, maraming nawalang dugo at nagkaroon ng internal hemorrhage sa bandang dibdib niya dahil sa concussion. I am sorry", saad ng doktor sa amin pagkatapos niyang lumabas sa emergency room.
Narinig ko na lang na humagulgol ang mga kasama ko at dahan-dahan akong lumapit sa kwarto at nadatnan na nakahiga siya at hindi na humihinga.
Inalis ko ang puting tela na nakatalukbong sa kanya at nakita ko ang itsura niya na para lamang natutulog.
Unti-unting pumatak ang luha ko sa kalagayan niya.
A/N: Yeah, this is the sneak preview ng mangyayari sa kwentong ito and yes maraming kaganapan ang mga mangyayari na ikagugulat ng mga mambabasa at sumusubaybay sa kwento ng ating mga bida.
Please wait for the next so thank you!!! ^_^--Tsunayoshi45--
BINABASA MO ANG
The Unmoved Wife [Ongoing]
HumorSampung taon na kaming kasal at hanggang ngayon... Wala pa ding romance... My hot, sexy, handsome, charismatic, a casanova, and playboy husband... Kahit kailan wala pang nangyayari sa amin... hanggang kailan ako maghihintay kapag puti na ang uwak; k...