========================================================
Comment and Vote
========================================================
<Marielle's POV>
Isinugod namin sa ospital si Chris dahil nasugatan siya sa pagsabog sa nangyari sa bahay ni Mrs. Ricafuerte
Niyakap niya kasi si Leanne na nang mga panahon na iyon ay nasa tabi niya kaya nagtamo siya ng burn injury sa likod at sa bandang braso niya.Kanina pa nga lumuluha itong kaibigan ko dahil nabigla rin siya sa mga nangyari. Nakita niya kasi na namimilipit sa sakit si Chris kaya hindi niya mapigilang manlambot sa sunog na natamo ng asawa niya.
Samantalang si William ay nasa isang burn unit ward dahil may paso rin siyang natamo sa braso niya. Pinasama niya na ako kay Leanne dahil mas malala talaga ang kalagayan ni Chris kaysa sa kanya na may first degree burn.
"Besty, ano nang mangyayari kay Chris? Baka kailangan niya ako duon sa loob," patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang pinipilit na pumunta sa serious burn unit.
"Besty, mas makakasama sa bata kapag nakita mo si Chris. Alam kong malakas ang asawa mo. Hintayin na lang natin ang doktor kung pwede na tayong pumasok," paliwanag ko sa kanya kahit alam kong pwedeng operahan si Chris dahil sa nangyari.
"Hindi ko kakayanin kapag may masamang mangyari sa kanya. Hindi ko kaya," sambit niya sa akin pagkatapos ay niyakap ako at patuloy na umiiyak sa balikat ko.
"Shh! Huwag mong isipin iyan. Please, stop crying. *pinahid ko ang luha niya gamit ang kamay ko* You need to think the baby, mararamdaman niyang iyakin ang mommy niya," pagbibiro ko sa kanya.
"Gaga, mas iyakin ka sa akin noong di pa kayo magkasundo ni William," ngumiti siya sa akin at napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Silipin mo na si William, alam kong gusto mo rin puntahan iyon. Ayos lang ako." dagdag niya sa akin at hinawakan ako sa kamay.
"Hindi na, dito muna ako baka kung ano ang mangyari sa iyo," pagtanggi ko sa kanya at ngumiting muli.
Nakita ko siyang umiling at nagsalita uli.
"Ayos na talaga ako. Silipin mo muna iyong asawa mo tapos pumunta na lang kayo dito." saad uli ni Leanne sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/2117338-288-k365096.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unmoved Wife [Ongoing]
HumorSampung taon na kaming kasal at hanggang ngayon... Wala pa ding romance... My hot, sexy, handsome, charismatic, a casanova, and playboy husband... Kahit kailan wala pang nangyayari sa amin... hanggang kailan ako maghihintay kapag puti na ang uwak; k...