Chapter XI - The Past, The Present And The Future

958 11 2
                                    

========================================================

Comment and Vote

========================================================

<Marielle's POV>

Nagpaalam na ko kay William, alam kong kumagat siya sa mga plano ko; natuwa rin ako sa ginawa ko kay Pauline. She deserves it.

Akala ko pipigilan ako ni William eh, subukan niya lang makikita niya ang hinahanap niya... si Leanne at Chris nauna na sila pagkatapos ng meeting. Pero binigyan pa ko ni Leanne na look na "EXPLAIN EVERYTHING" look bago siya umalis...

Nandito na rin ako sa parking, sinabihan ko si Manong na iwan na lang ang rolls royce sa parking area ng building at ako na lang ang uuwi mag-isa.

"At last dumating ka rin!", isang boses ang narinig ko sa di kalayuan.

Noong nakita ko siya I just gave her a smirk.

"Oooh, you are waiting for me? Let me guess kung bakit...", umarte pa ko ng nag-iisip.

"Ah! I know... nabitin ka ba sa malutong kong sampal baka gusto mong dagdagan ko pa!", pang-aasar ko sa kanya. Nakita ko siyang nainis.

"No, I am here to get some fair battle with you!", pang-aasar niya sa akin ulit... tignan natin.

"Ah... then you want some more! Bring it on!", sagot ko sa kanya ng may tonong pagmamalaki.

Sumugod siya sa akin pero nakailag ako.

Tinulak ko siya padapa ng semento. Pathetic!

Tumingin siya sa akin ng nanlilisik. Alam kong gusto niya talaga makabawi sa akin pero hindi ako papayag na mahawakan niya ang aking smooth and shiny hair at ang aking rosy cheeks.

Nakita ko rin na nagasgasan ang kanyang flawless leg... well kung flawless talaga un or stockings lang...

Tumayo siya at pinagpag ang damit niya. Galit na galit na siya... hahahaha... iyan talaga ang gusto kong mangyari, ang sumabog siya sa galit at ako ang gagawa para manahimik na siya.

"Walang hiya ka talaga! Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin!!!", sigaw niya sa akin pero I gave her a fierce look.

Sumugod siya sa akin habang nakaclenched ang kamao niya.

Tapos tinulak ko siya ulit. Masyado siyang mabagal pero this time nakatayo siya ulit.

Tumakbo siya ng mabilis papunta sa akin pero hindi na ko umilag kasi alam kong sasampalin niya ko pero hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya.

The Unmoved Wife [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon