========================================================
Comment and Vote
========================================================
<Marielle’s POV Side Story>
“Lakarin na lang natin ate, malapit lang naman eh”, sabi sa akin ni Caloy habang patuloy ko siyang sinusundan.
Nagpatuloy kaming maglakad at siguro mga tatlong minuto ay nakarating kami sa isang matanda at malaking puno.
“Saan dito?”, tinanong ko siya at napansin kong pumitas siya ng isang wild flower at inilagay dito sa harapan ng puno.
Ayokong isipin ang dapat pero napatakip na lang ako ng labi ko at tinignan siya.
“Ayaw sana naming isipin na wala na si mama pero limang taon na rin simula ng nangyari ang trahedyang iyon. Gusto ka kasing makita ni mama dahil lagi niyang sinasabi na malapit na daw siyang magpaalam sa mundo kaya kahit may bagyo at pinagbawalan ang mga barko at mga maliliit na bangka ang pumalaot ay pinilit pa rin niyang makaluwas ng Maynila. Pinigilan ko siya pero nagmatigas siya kaya ninakaw niya ang isang bangka at siya mismo ang tumawid patungong kabilang isla. Kitang-kita ko na lumubog ang sinasakyan niya dahil sa mga malalaking alon. Susundan ko sana siya pero alam kong ayaw niya dahil tanging ngiti lang ang sinukli niya sa mga luha ko”, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko na may isa pa pala akong kapatid at ginawa iyon ni mama pero masaya ako dahil kahit sa huli ay gusto niya akong makasama.
Lumapit ako kay Caloy at inakbayan siya, tanging luha na lang ang nagawa ko habang naramdaman kong pumatak sa pisngi ko ang mga patak mula sa langit.
“Alam mo bang ito ang paboritong lugar ni mama dahil ito daw ang laging takbuhan niya kapag lagi siyang umiiyak. Naalala ko pa noong kinuwento niya sa akin na may mga batang kalaro siya at ayaw siyang isali sa laro kaya ang ginagawa niya ay umiiyak sa punong ito. Sinabi niya rin noong una siyang nasaktan sa pag-ibig ay dito niya rin binuhos ang lahat ng lungkot niya pati na rin ng wala siyang magawa kundi ibigay ka sa mga kinalakihan mong mga magulang. Hanggang noong araw na nagkaroon siya ng isang sakit at inilihim niya ito sa amin, dito siya pumupunta noon at umiiyak at laging tinatanong ang sarili kung ano ang gagawin niya. Pero simula noong nawala si mama, tumamlay na rin ang punong ito, hindi na siya nagbubunga ng matatamis na santol, parang namatay na rin itong puno at alam kong nalulungkot ito dahil siguro hindi na pumupunta si mama”, umupo kami ni Caloy sa harapan habang pinagmamasdan namin ang bawat patak na bumabagsak sa mga palad namin.
Doon na biglang bumigat ang kalooban ko, wala akong ginawa kundi umiyak habang alam kong lumuluha ang kalangitan at hinahayaan lang ako ni Caloy.
“Mama”, niyakap ko ang sarili ko habang patuloy na tinatawag siya. Tanging paghagulgol lang ang ipinakita ko sa harapan ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
The Unmoved Wife [Ongoing]
HumorSampung taon na kaming kasal at hanggang ngayon... Wala pa ding romance... My hot, sexy, handsome, charismatic, a casanova, and playboy husband... Kahit kailan wala pang nangyayari sa amin... hanggang kailan ako maghihintay kapag puti na ang uwak; k...