========================================================
Comment and Vote
========================================================
<Marielle’s POV side story>
Nakarating kami ni manong dito sa Parola Wharf at nagtitinginan lahat ng tao sa kotse ko dahil parang ako lang ang may kotseng dala dito at ipapasok ko pa sa loob ng barko.
Bumaba na ako ng kotse habang nakasuot ng shades ko at nakasabit ang shoulder bag ko. Dumiretso lang ako sa bilihan ng ticket at binayaran ko na rin ung gastos para isakay ung kotse sa barko.
Wala akong choice dahil wala naman daw silang first class ticket kaya kailangan kong galingan ang pagtatago ko.
Ipinasok na ni manong ung kotse ko at hindi ko alam kung bakit pero parang pinagbubulungan ako ng mga tao dahil dito sa rolls royce na ito.
Bumaba na kami ni manong at nag-slash guard siya sa akin dahil nasa likod ko lang si manong. Mukhang mabait naman irong ni-rekomenda ni Ian sa akin.
Umakyat kami sa deck at nanatili na lang ako duon and guess what kung anong meron dito, nandito pala ung artista na nakasabay ko sa eroplano. Pinagkakaguluhan siya sa malayo, sana hindi niya ako makita dito.
Umupo na lang ako sa gilid at tinitignan ang dagat hanggang sa narinig ko na lang na malapit nang umalis ang barkong sinasakyan ko.
“Ma’am, gusto ninyo po bang kumain? Bibili po ako dahil meron naman pong canteen sa baba”, tinignan ko ang wrist watch ko at five fiftyy-six na pala at kanina pa sumikat ang araw.
“Ah sige po, black coffee na lang po sa akin, tapos kayo na po ang bahala sa pagkain niyo. Ah ito po oh!”, I gave five hundred bill at ayaw niya pa sanang tanggapin dahil ililibre na lang daw ako ni manong… hehe…
Kaya pala gusto siya ni Ian eh dahil galante pala si manong.
Umalis na si manong at tumayo rin ako para tignan ang dagat habang umaandar itong barko. Mala-titanic lang ang peg ko… hahaha… wala lang akong Jack. Tss. - ___ -
“Hi!”
“Ay pota!” tss… bad mouth. Bakit kasi sumusulpot to? Hindi ko natandaan na close kami. - ____ -
“Hehe, sorry!”, whatever…
“What are you doing here?”
“Ah, wala naman! I’ll just noticed you then I approach you!”, - ___ - close?!
“Hmmm”
“Meron kasi kaming taping sa malapit na isla kaya nandito ako! Uhm, nag-sorry na pala ako dun sa attendant medyo stress kasi ako kaya hindi ko nakontrol ang emosyon ko. Sorry uli!”, napangiti naman ako sa sinabi niya dahil talagang nag-sorry pala siya.
“Aalis na po ako. Bye, nice to meet you my designer, hehe!”, umalis na siya at talagang kinonsider niya na ako ang designer niya ah… hehe.
Bumalik na si manong at may dala siyang kaper para sa akin at nakita kong nag-sandwich siya at kape. Nagkwentuhan din kami tungkol sa pagiging driver niya at matagal na rin pala siyang driver four years nap ala siyang nagtatrabaho kay Ian pero dahil papuntang Singapore si Ian, pinahiram niya muna sa akin si manong. Hehe.
Dumating na kami sa destinasyon namin at nakita kong may isang white van dito at isang Porsche. Mukhang dun sa batang artista ito at sa staff itong van.
BINABASA MO ANG
The Unmoved Wife [Ongoing]
HumorSampung taon na kaming kasal at hanggang ngayon... Wala pa ding romance... My hot, sexy, handsome, charismatic, a casanova, and playboy husband... Kahit kailan wala pang nangyayari sa amin... hanggang kailan ako maghihintay kapag puti na ang uwak; k...