========================================================
Comment and Vote
========================================================
<Marielle’s POV>
Nandito pa rin ako sa boutique at past midnight na. Nakakasampung sketches na ako at ang dami na ring tawag ni William na hindi ko pa sinasagot.
Sorry hubby!
I’ll just text him na malapit na akong umuwi, inaayos ko na lang ang lahat at ipagpapatuloy ko na lang bukas.
Iniliagay ko na lang ang sketches ko sa envelope at lumabas na ng office. Ako na rin ang nag-lock ng boutique dahil wala na ang mga empleyado ko.
Pumara na lang ako ng taxi dahil feeling ko baka maaksidente pa ako dahil inaantok na ako.
“Saan po tayo ma’am?”, tanong ni manong.
“Sa Ayala Heights po!”, tinignan ko ng mabuti ung driver at sya ung driver din na nasakyan ko papunta sa mga Villanueva. Coincidence naman talaga at hindi pala siya manong.
Nakababa na ako sa tapat ng bahay at sa tingin ko tulog na sila. Nagbayad na lang ako ng limandaan at hindi ko na hiningi ung sukli. Hahaha.
Binuksan ko ang gate gamit ang susi ko at dahan-dahan itong sinara.
Something’s not right…
Parang may tao sa pool. Dumiretso ako sa pool at nadatnan siyang tulog sa lamesa. For the second time, may hinanda pala siyang dinner date for us. I’m really sorry hubby!
Umupo na lang ako sa tabi ni William at tinignan siyang mabuti. Haysss!
Mukhang masarap pa naman ang niluto niya kahit hindi maganda ang presentation… hahaha…
Si William kasi culinary talaga ang first course niya kaso lang bagsak siya sa food presentation kaya nag-iba siya ng course at lumipat sa administration.
Sumubo ako ng konti at kahit malamig na eh masarap naman… anyways, upakan na natin ito dahil gutom na rin ako.
Para atang beef steak ang niluto niya tapos may mashed potato and garlic rice. Hayaan ko muna siyang matulog para na rin ganahan ako sa pagkain… hahaha… ginawa ko pa siyang appetizer.
Siguro nakalipas ang sampung minuto at nakakarami na rin ako samahan mo pa ng wine na paborito ko. Medyo pansin kong hindi pa pala gaanong luto itong karne pero tama lang… parang medium rare steak lang.
“Ay anak ng kabayo!”, napatakip ako ng bibig at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Gising na pala ito.
“Aish! Tinakot mo naman ako e. Asar to!”, sumubo ako ulit ng pagkain at talagang masarap… hehehe! Oo nga pala… mabuti napakain din ako dahil dalawa na pala kaming kumakain. Sorry baby.
BINABASA MO ANG
The Unmoved Wife [Ongoing]
HumorSampung taon na kaming kasal at hanggang ngayon... Wala pa ding romance... My hot, sexy, handsome, charismatic, a casanova, and playboy husband... Kahit kailan wala pang nangyayari sa amin... hanggang kailan ako maghihintay kapag puti na ang uwak; k...