Talking over the phone.
Karylle: Ilang araw ka do'n?
Vice: Di ko sigurado. Namimiss ko na kasi makasama ang Lolo ko.
Karylle: Nagsabi ka na ba kay Direk?
Vice: Oo naman. Ngayon lang din naman ako magli-leave.
Karylle: Pasalubong ko ha? ^_^
May naisip naman bigla si Vice kaya napatigil siya..
Karylle: Hello? Baby?
Vice: Ahh, K... Hello...
Karylle: Okay ka lang?
Vice: Ahmm K, gusto mo sumama?
Karylle: Saan?
Vice: Sa 'kin sa La Union?
Hindi nakasagot agad si Karylle.
Vice: Hello, K... Ayaw mo ba? Okay lang naman..
Hindi pa rin sumagot si Karylle.
Vice: Baby? Andyan ka pa ba?
Karylle: Vice, sinasama mo talaga ko sa La Union?
Vice: Oo. Bakit parang di ka makapaniwala?
Karylle: Hindi naman kasi... Di ba nando'n 'yong Lolo mo, 'yong mga relatives mo rin di ba?
Vice: Oo. (O.o)
Karylle: Isasama mo talaga ko?
Vice: *natawa na* Baby, ano ba... paulit ulit tayo. Haha. Oo nga isasama nga kita. Ipapakilala kita sa Lolo ko. Kasama natin sa biyahe ang nanay ko. Personal mong makikilala ang mga kamag-anak ko. Ayan okay na ba?
Hindi na naman nakasagot si Karylle. Bigla kasi siyang nakaramdam ng saya na may halong kilig at sobrang kaba. Napayakap siya bigla sa unan at dito binuhos ang kung anuman ang nararamdaman niya.
Vice: Karylle? Hello? Karylle, nawala ka na naman... andyan ka pa ba?
Karylle: *may kaunting excitement na tono* Baby, hello... Di ako tatanggi sa offer mo. Baby, sasama ko!
Vice: Ayyy na-excite ang baby ko haha.
Karylle: Siyempre naman... ipapakilala mo ko sa family mo eh.
Vice: Magsabi ka na sa Mama mo, baby, at saka kay Direk.
Karylle: Sige. Sige baby... ^_^ Magpepreapare na ko!
Vice: Haha baby, sa isang araw pa tayo babiyahe ha. Wag masyadong excited.
Karylle: Eh basta... sige na babye na.
Vice: Haha biglang nagba-bye.
Karylle: Maghahanda na kasi talaga ko, Pogi.
Vice: Sige na nga. Excited talaga. Haha, bye I love you.
Karylle: Love you...
Patay agad ng linya.
Nag-laundry si Karylle ng mga damit niya na gagamitin niya sa bakasyon nila ni Vice. Pagkatapos noon ay tumawag na siya kay Direk para magpaalam. Pumayag naman si Direk Bobet. Okay na ang lahat.
Kinabukasan pumunta sa mall si Karylle para tumingin na pwedeng pasalubong para sa family ni Vice. Medyo nahirapan siya pumili dahil hindi pa naman niya kilala ang mga ito. Naisip na lang niya bilhan ng munting regalo ang Nanay at Lolo ni Vice.
Hindi naman nagsabi sina K at Vice sa kahit kaninong kaibigan. Ipinasikreto na lang ito ni Karylle kay Direk. Maagang naman natulog sina Karylle at Vice dahil maaga pa ang biyahe nila kinabukasan.
...
4:30 AM dumating na si Vice sa Condo ni Karylle.
Karylle: Good morning, Pogi! ^_^
Vice: Hi baby!! *yakap kay K hanggang napatingin sa mga dala nito* O.O
Karylle: Babe?
Vice: O.O baby, isang buwan ka ba sa 'min?
Lumingon si Karylle sa bagahe niya.
Karylle: Baby, dalawang bags lang diyan for my clothes tapos itong isa... for camera, ipod, etc...
Vice: Kaloka!
Karylle: Babae eh... *kiss sa cheek ni Vice* Na-miss kita.
Vice: I'm yours the whole trip.
Karylle: Oh tara na.
Binuhat na ni Vice 'yong dalawang bagahe ni Karylle. Si K naman na doon sa isa.
Vice: Grabe, baby... ambigat!
Karylle: Akin na lang 'yong isa.
Vice: Di na... Di ka pwedeng mahirapan. *kiss kay Karylle*
Karylle: Tara na baka mainip na Mama mo.
Vice: Tulog 'yon. Haha.
Lumabas na sila sa Condo. Sumakay sa sasakyan ni Vice si Karylle at nakita niyang mahimbing nga ang tulog ng Mama niya. Tumulong ang driver ni Vice sa pag-ayos ng gamit ni Karylle.
Pagkatapos ay tumabi si Vice kay Karylle.
Vice: Okay ka na dito? *sabi kay Karylle ng pabulong*
Karylle: oo naman. *yakap sa braso ni Vice*
Vice: Tara na po, Kuya. *sabi sa driver*
Umalis na sila.
Tahimik lang sila dahil natutulog ang Mama ni Vice kaya nag-ipod muna si Karylle. Shinare naman niya ang isang earphone kay Vice. Bulungan lang silang nagkukwentuhan at nagkukulitan. Mga ilang oras pa ay inantok na si Vice at natulog siya sa balikat ni K habang magkahawak-kamay sila.
BINABASA MO ANG
The Irony -=ViceRylle=-
FanfictionThis is a story of two celebrities who fell in love for some mutual reasons. This story goes on mature and serious genre. A gay who fell for a woman is not as simple as we imagine it. It's complicated but never an impossibility.