Sunday:
Pagkagising ni Vice parang masakit ang ulo niya. Nakatulog naman siya ng maayos kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganoon. Pagbangon niya, kinuha niya muna ang cellphone niya para tawagan ang baby niya.
Ring.Ring.Ring.
Karylle: hello? *bagong gising*
Vice: Hi baby, good morning! *medyo matamlay*
Karylle: Morning... Baby, are you sick?
Vice: di naman. Masakit lang ulo ko.
Karylle: sabay naman tayo nakatulog di ba?
Vice: Oo. Hindi ko nga alam eh bakit ganito.
Karylle: inom ka muna ng gamot.
Vice: oo lalabas na 'ko. Tinawagan lang muna kita.
Karylle: baby, inom ka na muna ng gamot tapos kain ka na rin para di sumakit ang tiyan mo.
Vice: sige. Gising ka na rin. Sabay tayo.
Karylle: antok pa ko, mahal.
Vice: ayy sige sleep ka pa. Sorry ginising kita.
Karylle: okay lang, baby. Sige na inom ka na baka magkasakit ka pa.
Vice: sige.
Karylle: i love you.
Vice: I love you.
Putol ng linya.
Pagkalabas ng kwarto, pumunta na muna siya sa med cabinet para maghanap ng gamot. Nang makakita siya ay ininom niya agad ito. Habang, hinihintay niya ang mainit na tubig para sa titimplahin niyang kape, nakita niya sa Twitter na Father's Day na pala. Napaisip siya ng mga taong babatiin niya. Isa-isa niya itong tinext. Maya-maya pa ay dumating na ang kasama ni Vice.
Buern: bakla, aga mo gumising.
Vice: *matamlay pa rin* sa'n ka ba galing?
Buern: ito, dumaan ako ng pandesal. Magpiprito ako ng itlog para sa palaman.
Vice: hilig mo talaga sa itlog! *seryoso*
Buern: *natawa* bakit ayaw mo na ba sa eggs?
Vice: ayoko na niyan. Gusto ko na ng cookies. *nagbabasa ng tweets sa cellphone*
Buern: haha yuck!
Vice: bakla, happy father's day! Haha.
Buern: *tinapik sa balikat* pakyu!
Vice: *kinuha na ang mainit na tubig at nagtimpla ng kape* parang bet ko ilabas ngayon ang daddy ni K.
Buern: *napatingin ng seryoso kay Vice* seryoso ka, bakla?
Vice: oo.
Buern: wow, ikaw na sweet-sweetan. Papalakas ka talaga ha.
Vice: sira!! Gusto ko lang mas makilala ako ng daddy ni Karylle para mapagkatiwalaan na niya ko.
Buern: oh eh di magcelebrate kayo nina Karylle.
Vice: okay lang kayang surprise?
Buern: naman, dami mong arte! *kumagat na ng pandesal* wag ka na magsurprise. I-date mo na lang sila. Mas okay 'yong casual lang pero special ang dating kasi ikaw ang gumawa.
Vice: *higop sa kape* ba't pag may itlog kang kinakain, may sense ka kausap?
Buern: *inangkin ang pandesal at itlog* ganoon naman pala, akin na lahat 'to ha.
Vice: timawa!! Hahaha.
Maya-maya ay tumawag na ulit si Karylle kay Vice para kamustahin ito, okay naman na siya. Umepekto na ang gamot. Sinabi na rin ni Vice ang plano niyang ilabas ang daddy ni K, sa kabilang linya ay natuwa naman si Karylle kasi hindi niya akalaing maiisip niya iyon para sa daddy niya. Sweet talaga magmahal si Vice dahil hindi lang si K ang minamahal niya kundi pati ang mga taong mahalaga para sa girlfriend niya.
...
10:40 ng sunduin ni Vice si K. Sinundo rin nila si Daddy Modesto sa bahay niya.
Nagpunta sila sa restaurant malapit sa kanya. Nagkwentuhan. Kumain. Mas nakakapag-usap na sina Vice at Daddy Modesto, nakakapag-joke na rin siya. Nagkakatawanan na. Masaya rin si Karylle para sa kanilang dalawa. Nang-surprise pa ng cake si Vice para kay Daddy Modesto.
Pagkatapos noon ay hinatid na rin nila ito.
Sumama muna si Karylle sa bahay ni Vice. Nagbonding lang ulit with Buern. At dahil Linggo, rarampa na naman ang mga bakla, pero hindi sumama si Vice dahil nandoon si K.
While eating dinner...
Karylle: baby, thank you pala ha.
Vice: para sa'n...
Karylle: sa pag-treat kay Dad.
Vice: ahh eh wala naman na kasi akong daddy. Kaya siya na lang naisip ko.
Karylle: aware ka ba na, sweet ka talaga?
Vice: oo. Bata pa 'ko ganito na 'ko.
Karylle: siguro para sa'yo normal lang pero alam mo magaling ka talaga magpasaya ng tao.
Vice: komedyante eh.
Karylle: magpasaya, baby, emotionally. You really know how to touch people's heart.
Vice: nakanakanaka... Naiinlove ka na naman sa akin.
Karylle: *kiniss sa cheek si Vice* everyday. *nag-smile*
Vice: yeeee kinikilig ako...
Karylle: haha tara kain na tayo..
Vice: tapos na 'ko. Daldal mo naman kasi eh. Haha.
Karylle: hmm if I know excited ka lang kumain ng ice cream haha
Vice: *tumayo na para pumunta sa fridge* kilalang kilala mo na 'ko ha.
Karylle: haha naman baby...
Nakadalawang cup na ng ice cream si Vice ng matapos si K. Nagkulitan lang sila. Dahil hindi na nila namalayan ang oras, nagdecide na lang doon matulog si Karylle at uuwi na lang siya bukas ng umaga.
[I made this full update for all of you guys. Hope you enjoy. Til next time. :)]
BINABASA MO ANG
The Irony -=ViceRylle=-
FanfictionThis is a story of two celebrities who fell in love for some mutual reasons. This story goes on mature and serious genre. A gay who fell for a woman is not as simple as we imagine it. It's complicated but never an impossibility.