Last Day in Europe

28K 217 13
                                    

Maagang dumating sa airport ang loveteam papunta naman ng Paris. Habang naghihintay sila ng boarding, tinignan ni Vice ang email sa kanya ng manager niya.

Vice: ang bilis ng araw..

Karylle: oo nga eh.

Vice: ayy, tignan mo email sa akin ni Tim. *binigay kay K ang iPad* may exclusive interview na tayo agad sa The Buzz pagkauwi natin.

Habang binabasa ni Karylle ang schedule ni Vice, tinignan niya rin 'yong kanya.

Karylle: busy na pala tayo agad pagakauwi.

Vice: oo nga. Back to work agad.

Karylle: baka hindi talaga tayo makapagpakasal this December. Hindi natin agad maaasikaso eh. Matatagalan pa 'to. May concert ka pa ulit di ba?

Vice: sa September pa 'yon.

Karylle: eh siyempre mas magiging busy ka by July. *tinignan ang iPad ni Vice* Guest mo pa ba 'ko?

Vice: naku, baka hindi na.

Karylle: bakit?

Vice: kaya ako napagalitan noong nakaraan kasi ayaw na ipabago 'yong tema ng concert ko. Gusto ko na kasing lalaki ako do'n pero dapat daw bakla pa rin.

Karylle: babe, kahit ano ka pa naman tanggap ka pa rin ng mga tao.

Vice: di ba wirdo 'yon? Bakla ako pero jowa ko babae.

Karylle: so? Ikaw lang ba ang ganoon? Besides, they know you naman as Vice Ganda pa rin.

Vice: eh basta... After pa ng movie natin ifa-finalize 'yong production.

Karylle: okay lang naman kung hindi mo ko guest basta lang nasa VIP seat ako haha.

Vice: naman! Kailan ka ba di naging VIP sa akin?

Maya-maya tinawag na ang flight nila.

After less than 2 hours nakarating na sila sa City of Lovers: Paris, France. Mas malamig doon kaya nagdoble ng pang lamig si Karylle at Vice. Naexcite ang dalawa. Nag-check in na muna sila sa hotel bago nagsimulang gumala.

Kabilaan ang picture nila. Maya't maya sila kumakain. Nag-shopping. Kawawa ang card ni Karylle. 😃 Bumili ng shoes si Vice. Si Karylle naman ay bags. Nagtingin na rin sila ng mga ipapasalubong nila sa mga kapamliya nila. Bago umuwi maraming sinubukang kainan sina Vice at Karylle na medyo hindi naging okay ang epekto sa tiyan ni K. Kaya kahit gusto pa nilang gumala wala na silang magawa kasi sumasakit na talaga ang tiyan nito.

Pagbalik sa hotel, masama na ang pakiramdam ni K kaya wala na siya sa mood. Nag-alala naman si Vice. Pinahiga na muna niya si K sa kama at siya na muna ang nag-ayos ng mga binili nila sa maleta nila. Habang busy si Vice sa pag-aayos, may bigla siyang naamoy na hindi maganda. Nagtakip siya ng ilong, nang lilingon na siya biglang tumakbo sa banyo si Karylle. Imbis na maimbyerna siya, natawa na lang siya.

Tapos na si Vice magligpit ng lumabas si K. Pawis na pawis ito. Nang mga oras na 'yon nagpipigil siya ng tawa. Lumapit siya kay K at pinunasan ang pawis nito.

Vice: mukhang nakipagsapalaran ka sa loob ha.

Karylle: tumigil ka... Hirap na nga ako eh. Tumatawa ka pa diyan.

Vice: anong tumatawa? Di kaya!

Karylle: *humiga ulit sa kama* kilala na kita.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon