Exclusibo!

42.2K 298 16
                                    

The buzz guesting ni Vice.


Toni: ...Vice Ganda Live, The Buzz Exclusives.

Boy: Welcome to The Buzz.

Palakpakan.

Vice: *full smile* Magandang hapon po. Good afternoon, Tito Boy, Toni and Ms. Gretchen. Magandang hapon po sa lahat.

Abot ng bulaklak.

Vice: Ay naku may pabulaklak. Marami pong salamat, ayan nakita na ‘yong shades pwede ng tanggalin. *tanggal ng shades*

Boy: VTR pa lang ‘yon nag-enjoy na tayo pa’no pa ‘yong actual concert ‘di ba?

Gretchen: ‘yong kapatid niya nakakatawa.

Natawa sina Vice.

Vice: Natawa ka sa ‘rub in, rub on’ haha.

Gretchen: sana dinagdagan mo na.

Vice: Sana pagkatapos nung ‘rub on, sinunod na rin ‘yung rub out’. Nakakatawa. Haha.

Toni: Kasi Tito Boy di ba the whole show puro sad stories tayo. Ngayon naman the success story of Vice Ganda.

Vice: Haha wow!

Toni: Ikaw talagang finale naming.

Vice: Eh kasi late ako. Charot haha.

Toni: Para masaya.

Boy: Haha. Okay, Congratulations.

Vice: Salamat po, marami pong salamat.

Boy: Alam niyo, naging tradition na ito, Vice, every year people look forward to your concert.

Vice: Oo nga eh…

Boy: To your movies. To everything that you do.

 

Vice: Kaya nga po nalungkot ako last year kasi last year pa dapat naka-schedule ‘yong concert na ‘to hindi lang natuloy kasi nagdalawang movies ako last year. After n’ong movie namin ni Toni tapos sumunod ‘yong movie naming ni Kris at Ms. AiAi kaya hindi natuloy kaya n’ong natuloy this year masayang masaya ko kasi nirequest ko talaga. Sabi ko, ‘bago po ako magpelikula magcoconcert muna ko.’ Buti pinagbigyan naman ako.

Toni: Napag-usapan namin kanina na you can’t have it all. Nabigay na kay Vice ‘yong success, ‘yong kaligayahan…

Boy: Love life…

Toni: Oo love live… naniniwala ka ba sa estado mo ngayon na ibinigay na sa ‘yo ng Diyos lahat. You really can’t have it all. Meron pa?

Vice: Meron. Marami. Di naman perfect ang pamilya ko. May mga suliranin rin kaming ano, sa pamilya na dinadala araw-araw na normal lang. Hindi naman malaking-malaki pero hindi kasi perfect ang pamilya ko.

Gretchen: And it’s nice to know that life is not perfect to anyone… because it makes you human.

Vice: Hmm *agreeing*

Gretchen: It allows you to be in-touch with reality… with your life… with emotions.

Vice: Correct. Di pwedeng maging perfect kasi  ‘pag naging perfect na lahat baka isipin mo wala ng Diyos… kasi wala ka ng kailangan eh.

The Irony -=ViceRylle=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon